-35-

12.5K 361 18
                                    

Chapter 35

Why

--------------

After that night sa Bulacan ay nag-impake ako at umuwi sa bahay namin sa city. Hindi ko pala kayang tumagal na ipamukha sa akin ni Simon na wala na talaga kaming pag-asang dalawa. Maybe, hindi ko na dapat siya guluhin or hindi ko na dapat sabihin yung feelings ko para sa kanya. He slapped me the fact na masaya na siya at huwag ko nang guluhin pa.

Hindi na ako nagpaalam kila Luther at Sasha nang umalis ako. I know it's rude pero tinext ko nalang sila na umuwi na ako. Hindi din naman ako nahirapan mag commute dahil pag labas ko ng subdivision nila Luther ay hi-way na.

Ilang araw nalang ay matatapos na ang year na 'to sa school. Meron pa ngang year end party sa Easton na hindi ako sigurado kung dadaluhan ko. Nawalan na talaga ako ng ganang mabuhay simula ng dumating si Simon. Everyday, he made me regret the things that I have before that I can never have again now. Na hindi na siya babalik sa akin at nawala na talaga ang pagmamahal niya.

"Hi, Maggie.." napatingin ako kay Meledeth na malaki ang ngiti na lumapit sa akin. I don't know why I want to distant myself to her. Ala naman siyang kinalaman kung ano man ang nangyari sa amin ni Simon noon. Pero, bakit parang gusto kong lumayo sa kanya? I smiled bitterly. Ofcourse, she's Vanessa's sister.

Tumango lang ako sa kanya. Ramdam ko ang pag upo ni Meledeth sa gilid ko pero hindi ko pa din siya pinansin. "May dalaw ba? Ang sungit mo ah?" Natatawang sabi niya sabay latag ng mga portfolio niya sa harap ko.

Nagtaas ako ng kilay at tinuloy ang drafts ko na ginagawa. Hindi ko siya nilingon pero sumagot ako. " I'm busy,"

"Busy? With what?" Patuloy na tanong niya. Marahas akong nag buntong hininga. "Just busy." Iritableng sagot ko. Tumahimik si Meledeth at pinagpatuloy ang dapat niyang gawin. Somehow, naguilty ako sa pagsusungit ko sa kanya. She doesn't deserve that. Damn, Margaret!

"Ate," natigilan ako bigla ng may tumawag kay Meledeth. Hindi ko alam kung bakit napahigpit ang hawak ko sa lapis na hawak ko. It's Vanessa. Hanggang dito ba naman?

Yumuko lang ako at nagpanggap na nag do-drawing ng mga designs ko. Kahit ang totoo ay nawala lahat ng naiisip ko dahil sa presensya ni Vanessa.

"What are you doing here?" Tumayo si Meledeth at nakipag beso sa kapatid. "Is that you, Maggie?" Napapikit ako ng mariin ng kausapin ako ni Vanessa. Iniingat ko ang ulo ko at ngumiti ng tipid.

"Oh--My--God--- magkakilala kayo ni,ate?" She giggled. I want to roll my eyes pero di ko ginawa. Why she always have to state the obvious?

"Yes," tipid na sagot ko. Umupo si Vanessa at kinawit ang braso niya sa braso ko kaya nakaramdam ako ng iritasyon at gulat. Close ba kami? Alam mo yung feeling na gusto mo siyang sabunutan pero di mo magawa kasi ang bait bait niya. Naiinis ako! Lala akong nawawalan ng lakas ipaglaban si Simon dahil ang bait ni Vanessa sa akin.

"Geez, your designs were great," kinuha pa niya ang isang designs ko at pinagmasdan. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para titigan si Vanessa. No wonder why Simon likes her, she's very pretty. May mahabang pilik mata ang maninipis na labi. Ang maputing kutis niya talaga ang nagpatingkad ng ganda niya. Fuck, Maggie! Are you insecure?

"You know what, Maggie.. I want you to design my wedding dress." Masayang masayang sabi niya. Literal akong napanganga at nanghina. Are they planning to get married?

"Maggie?" Seryosong usal ni Meledeth. Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa harap nila. Mabilis akong tumayo para lumayo sa kanila dahil any moment ay papatak ang luha ko. Nagpaplano na silang ikasal? Hihintayin ko naba ang annulment papers na dadating sa bahay? Damn.

Fall For The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon