-30-

12.2K 308 37
                                    

Chapter 30

Hold on

--------

"Do you want to go--" pinutol ko ang sasabihin ni Simon. Today's Glen's birthday. Their parents just arrived yesterday for the party they made for Glen. Taon taon naman ay nagpaparty sila kay Glen. Unlike Simon na sa mga bars nagcecelebrate ng birthday ay pinaghahandaan talaga ang birthday ni Glen. Sabi kasi nila, Glen will be the successor. Dapat ay makilala siya ng mga tao sa elite world. Business man, etc.. puro high profile na personalidad ang uma-attend ng birthday niya. He's now 21. Parang kelan lang-- excited kaming dalawa na mag ayos noon. Ngaun? He didn't even invited me. I smiled sadly. Kung hindi pa dahil kila tita at kay Simon-- hinding hindi ako makakapunta doon.

I want to come. Gusto kong pumunta para sa oportunidad na humingi ng tawad sa kanya. Para maayos na kung ano man ang nasira sa aming dalawa. Kahit kaibigan lang. Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa kanya hanggang sa mapatawad na niya ako. Everyday, kapag nakakabalita ako bad things na ginagawa ni Glen? Palaging sarili ko ang sinisisi ko. And of course, palagi naman natatapos iyon na si Simon ang sisihin ko. It's a toxic cycle that's eating me everyday and I want to escape from it. It's very tiring and exhausting. It's my everyday nightmare that's haunt me.

"Of course, it's your brother's birthday, It's Glen's birthday." Pinal na sagot ko. Tumahimik lang si Simon pero diretso ang mga mata niya na nakamasid sa akin. I tried our marriage to work out. Pero, hindi ko kayang ibigay ng buo ang sarili ko. Mostly, si Simon ang lumalaban para sa amin. I envy his courage to make things completely okay for us. Eh, paano naman yung mga nasagasaan niya in the process? How can we move on if there's still hindrance along the way.

"Pwede namang hindi--" tumingin ako sa kanya at marahas na ibinaba ang kubyertos.

"Pupunta ako." I sternly look at him. Sa huli, sumeryoso din ang mukha niya at nagpakawala ng marahas na buntong hininga. Yung parang nagpipigil. What? Naiinis na siya? Napapagod na siya? He want this life! Hindi ko siya pwinersa na mabuhay kasama ako, he's the one who forced me. I'm trying. I tried.Pero hindi pa din talaga. Sa huli, nakakalkal pa din ang sugat na ibinigay niya.

"Alright, you win. You always win." Uminom siya ng tubig at nag iwas ng tingin. "But, lets go to the mall first, okay lang ba?" Hindi ko alam kung sarcastic ba siya or what.

"Ano gagawin natin sa mall?" Takang tanong ko. Bahagya na akong nawalan ng gana kumain.

"We already talked about it, or you forgot? Didn't you?" Napaisip ako sa sinasabi niya. Pumikit ako ng mariin. Oh gosh-- he's right. Simon has the best memory of all time. Everything's organized on him. Wala siyang nakakalimutan. Even every single detail of me or kahit ano, alam na alam niya.

"Basta si Glen, nakakalimutan mo ang lahat." He said bitterly. Natahimik ako at di makapag salita. Of course, si Glen yun eh! How can I forget him?

"Will you stop talking? Of course, si Glen, yun, Simon. You know it will always be him." I said harshly. Kahit pigilan ko ang sarili ko na maging marahas sa kanya ay hindi ko magawa. I tried my best, but in the end nangingibabaw pa din ang galit ko sa kanya.

Nalaglag ang panga ni Simon. He look at me with his pained eyes.

"Fix yourself, we're leaving in a few minutes." He said coldly. I shrugged. Bakit ayaw pa niya akong iwan kung nasaksaktan at nahihirapan na siya? Our marriage won't work out for sure. Nagsimula kasi kami sa mali eh. My heart's full of hatred and pain.

Nang maayos ko ang sarili ko ay tumahimik akong lumabas. I remembered kung ano ang sinasabi ni Simon. He planned to buy baby stuffs. He's very much excited to buy booties, clothes, baby bottled, crib, etc. Ewan ko ba sa kanya. I'm still not in the mood to buy those stuffs. Hello? Matagal pa naman akong manganganak. At tsaka, talagang sa araw pa ng birthday ni Glen niya ito ginawa!

Fall For The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon