Chapter34
Scared
-------
"Margaret, someones waiting for you outside.." Mom shouted. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko para hindi ko marinig ang kaingayan niya. Sino naman ang maghahanap sa akin sa dis oras ng umaga? My God! Ala sais palang ng umaga ngaun! Ni hindi pa nga tumitilaok ang manok sa kapitbahay, may tao na sa labas?
One week na ako dito sa bahay. I decided na umuwi dito dahil hindi ko na kinaya ang mag isa sa unit ni Simon. Besides, ala na pala akong hihintayin, may mahal na si Simon na iba. Kinalimutan niya na ako, the only thing I have for him was our marriage na hindi din naman nag work out. I was so devastated thinking that he might file an annulment anytime soon para kay Vanessa, para maging sila na.
Kaya ko ba? Kaya ko bang pakawalan siya? Ako naman ang nagtulak sa kanya diba? I deserve this! Maybe, I really deserve to be miserable for breaking the brothers. Maybe sumpa sa akin ng langit ang mabuhay mag isa.
"Maggie!! Hindi mo ba ako nadidinig? Nagising ko na ang tao sa village pero di ka pa din natitinag!" Sigaw ulit ni Mommy. Tumayo ako at napabuga ng hangin. Can't they understand that I'm not feeling well? Okay na naman na ako eh--- sana pala hindi nalang bumalik si Simon. Kung meron na pala siyang iba, sana di nalang siya bumalik ng bansa.
Pinusod ko nalang basta ang buhok ko at bagsak balikat na lumabas ng kwarto. Nilagpasan ko si Mommy na iritableng nakatingin sa akin habang may hawak na sandok. Ni hindi na nga ako nag abala pang maghilamos at magsepilyo.
Nang makababa ako ng hagdan ay napanganga ako ng makita ko si Luther at si Sasha. What are they doing here?
"Good morning, Maggie!" Ngumiti si Sasha sa akin. Bahagya akong natigilan at napatitig sa kanila, Luther just shrugged.
"Ang aga niyo naman.." humikab ako at umupo sa harap ng inuupuan ng dalawa. Medyo napakunot pa nga ang noo ko ng makaramdam ako ng bahagyang tensyon sa kanilang dalawa.
"Of course, sino ba ang magbabakasyon ng hindi maaga umaalis?" Ngumiwi ako sa sinabi ni Sasha. Magbabakasyon pala sila bakit dito sila dumiretso?
"Eh bakit nandito kayo? Inostorbo niyo pa ang tulog ko," umirap ako at humikab ulit. Hindi kasi ako nakakatulog lately dahil sa sobrang pag iisip. Hindi pa din ako makapaniwala na ayaw na sakin ni Simon..
"Sa ganda mo? Medyo tanga ka." Nalaglag ang panga ko ng si Luther ang nagsalita. Sasha looked at him with her dagger eyes. Umiwas lang ng tingin si Luther. Ano ba problema nilang dalawa?
"Medyo hard ka, pwede ba Luther, I'm not in the mood." Aakyat na sana ako para talikuran sila ng magsalita si Sasha.
"Wait, Maggie!" Napatigil ako at humarap sa kanya para hintayin ang sasabihin niya. "We heard that Simon's--" hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Yeah, he's back with his girlfriend. So what about him?" I said bitterly. Wala na akong pake kung ano pa ang isipin nila. I just don't want to talk about it.
"We're going to Bulacan. Simon will be there, too. C'mon!" Diretsang sagot ni Sasha. I smiled sarcastically. Ano pa ang gagawin ko? Simon doesn't want me anymore.
"Masasaktan lang ako," I whispered.
"Edi masaktan ka, atleast you tried.. You know what, Maggie? You're hypocrite at it's finest. Mahal mo diba? Ipaglaban mo naman." Natahimik ako ng biglang nagsalita si Luther. Bakit ba highblood siya palagi sa akin? Nakatitig lang ako sa kanila, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. I want Simon back, I want to tell him na mahal ko siya. Pero paano? Ayoko siyang pilitin kung ayaw na niya sa akin.
"May girlfriend na siya!" I almost shouted. Nadanas ko na yung pinagpipilitan lang pagmamahal, uulitin ko pa ba? Magkakasakitan na naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Fall For The Devil (COMPLETED)
General Fiction(Simon Aries Silverio Series 2) Simon Aries Silverio, a devil who will do everything just to get the love of his life. Claudine Margaret Romano's his everything. But, Maggie's inlove with Simon's brother, Glen. For Maggie, Glen is the perfect guy...