-12-

13.7K 408 18
                                    

Chapter 12

Obsessed

------------

Masakit ang katawan ko ng magising ako. Pakiramdam ko ay nagulpi ako sa bigat na nadadama ko. My head is throbbing na parang pinupukpok ng martilyo. Ang likot naman kasi matulog ni Sasha. And my body got wasted last night.

Napatingin ako sa wall clock sa kwarto. It's 1 pm na pala. It didn't bothered me though. Ala naman kasing tao dito maliban sa amin. Besides, halos umaga na kami umuwi. Pinasyal kasi kami ni Luther sa ibang gimikan dito. Ang sabi pa nga niya ay magna-night swimming kami sa 8 Waves mamaya. It's a good thing that I packed everything I needed.

I took a bath tsaka mabilis na nagbihis. Medyo na lessen na ang sakit ng ulo ko. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang hall ng bahay. Ang laki naman kasi ng bahay nila Luther. And it's so good, moderno ang design ng bahay kaya parang wala ka din sa province. Pumunta muna ako sa may veranda sa dulo ng hall. I breathed the air. The place looks like the city but the air here is fresher indeed.

Napapikit ako ng humangin bigla. May magandang parte din naman pala ang bakasyon na ito. It made me relax. Nakaka stress naman kasi yung huling linggo ko sa school.

Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang magvibrate ito---shit! Si Glen. Hindi ko pa nga pala nasasabi na nag bakasyon ako. I can't, though. Ano ang sasabihin ko? Na-- hey, nasa bakasyon ako, with your brother-- fucking no way!

I canceled the call and started to type a message.

-Hey, US kana?

Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko talaga ay mali ang pagsisinungaling ko kay Glen. I needed to. After naman nito ay matatahimik na kaming dalawa.

-Why are you not answering? Yes, I'm in US. And I miss you so badly.

Magtatype na sana ako ng message when I saw Simon and Luther na parehong tumatawa papasok ng gate. Where did they go? Ugh! At ano naman ang pake ko?

-Sorry, may ginagawa lang ako. I miss you too.

Pagkatapos kong magtipa ay napatingin ulit ako sa dalawa. Nag aayos kasi sila ng ihawan ngaun. Tapos si Luther nakita kong naglabas ng pork at fish na nakabalot sa aluminum foil.

Napasinghap ako bigla ng nagvibrate ulit ang phone ko. It's Glen, he's calling through video call again. Fuck!

-I have something to do, take a rest. I'll call you later.

Pagkasend ko ng message ay mabilis kong pinatay ang cellphone ko. I felt guilty, okey. How can I talk to him if I'm going to feed him lies. Ayoko.

Nakatunganga ako sa veranda habang pinagmamasdan ang dalawa. Simon is genuinely happy. I don't know but I'm having this abnormal heartbeat again.  Naghubad sila ng pang itaas na damit ni Luther.

"Hey, Luther. Kelan ka pa dumating?" The girl smiled at Luther. Napakunot pa ang noo ko dahil sa paninitig ng babae kay Simon.

"Yesterday, so, how are you?" Halatang halata kay Luther na naglalandi siya sa babae. Hindi pa din maalis ang tingin ko sa kanila dahil titig na titig yung babae kay Simon. I suddenly felt irritated.  Kailangan talagang obvious how she drool over that devil? Ugh!

"I'm good. Who's with you?" The girl said. I rolled my eyes! She's obviously hitting on Simon.

"I'm with my friend, by the way, Simon, this is Leticia." Pagpapakilala ni Luther sa Leticia na iyan. Malaki ang ngiti ni Leticia na lumapit kay Simon. He looked at the girl with cold, stoic expression.

"Hi," malaki pa din ang ngiti ni Leticia. She's all smiling. Ni hindi niya nga napansin na wala lang ang presensya niya kay Simon. Napaangat ang gilid ng labi ko.

Fall For The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon