Tale 10: Enhance magic [01/03/17]

624 52 0
                                    

Tale 10
"Enhance magic"

°°°

Papasok na sana ako sa silid ni Fan para makita ang kalagayan niya sa Magic orb ng biglang may lumapit sa'kin na isa sa spell caster guard.

"Meister, higit isangdaan ka-tao ang nag respawn sa labas!" Ulat nito.

Anong ibig sabihin nito?

Namatay sila sabay-sabay? Higit isangdaan ng sabay-sabay? Hindi ako makapaniwala. Kung ganon, sobrang mapanganib ang loob ng dungeon na mga lumitaw sa iba't ibang lugar.

Nagmadali ako tumakbo sa terrace at sinilip ang central circle kung nasaan nakatayo ang mahabang rune pillar, may malaking magical circle sa lapag na kasya ang limangdaan na tao.

Totoo nga! Halos lahat ng mga ito'y mga spell caster guard at mga adventurer. Walang mga taga Divine at wala rin ang miyembro nila Andy.

Mabuti at nandoon pa si Wicka.

"Fan!" Agad ako nagmadali buksan ang pintuan ng silid nito.

"Lahat ng may ulat tungkol sa nangyari sa dungeon papuntahin sa loob ng silid na ito." Bilin ko sa spell caster at sinara ko na ang pintuan.

Magic circle for sealing?

Nasaan si Fan?

Ang buong dungeon ay may nakaguhit na kulay berdeng sealing spell sa gitna ng kulay asul na magical circle.

May lalaking nakasuot ng kulay abong robe na sleeveless, hindi kita ang buhok nito dahil sa takip. Sa kulay abo niyang robe may linyang kulay asul na kumikinang.

Wala ang katawan ni Fan. Pero, mayroon dugo sa lapag.

"Damn!"

Bumukas ang pintuan.

"Meister, ang loob ng dungeon ay mayroon boss... Tinatawag nito ang kanyang sarili bilang Amaimon. Sabi ng isa sa tauhan ng Servant of divine na si Amaimon ay isa sa Cardinal king of the south. Sinabi rin nito na isa si Amaimon na demonyo sa isang alamat. Mayroon itong poison ability. Kaya niyang i-restore ang buong katawan sa mabilis na oras!" Ulat ng isa.

"Meister, namatay kami dahil sa biglaang lasong usok na bumalot sa paligid. Kaunting ihip lamang dito ay agad ng namatay ang mga karakter namin. Hindi namin alam ang nangyari sa iba! Pero bago ako bawian ng buhay nakita ko ang pulang kumislap sa pwesto ng mga miyembro ng House of the doom." Ulat pa ng isa.

*BLAG*

"Fan!" Sigaw ko ng makita siya. Hingal na hingal ito.

"Me-meister! Hindi ko alam ang nangyari pero may nagbabalak na i-seal ang dungeon habang nasa loob pa ang ibang mga tao! Yung tao na pumatay sa'kin ay may tattoo sa kanyang kanan kamay na letrang E, tinawag nito ang magician of destruction na Abaddon. Tinawag naman niya ito na sea monster! Pa-pasensya na meister kung magulo ang aking ulat pero kahit ako naguguluhan sa nangyari." Ulat ni Fan.

Demon?

Amaimon?

Abaddon?

Sea monster?

Isa nanaman ba itong bagong misyon na pagtuklas?

°

Poison...

"May na-isip na ako! Tagumpay kaya ito? Hmm... Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan." Kausap ko sa sarili.

Napatinggin ako sa gawi ni Master na nakatinggin din sa'kin habang may mga matang nakakainsulto.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon