Tale 07: King of the south [12/31/16]

706 52 4
                                    

Tale 07
King of the south

°°°

"Boss dahil sa misteryosong dungeon na lumitaw, naharanggan nito ang mining area na kinukuhanan ng mga matataas na kalidad na bato." Pag-ulat ng lalaki na nakasuot ng full-body armored knight na kulay pilak.

"Boss nagpadala rin ng mensahe ang lider ng knight of camelot na si sir Arthur para sa paghahanda sa raid na gaganapin sa susunod na linggo." Pag-ulat ng katabi ng lalaki na katulad nito naka full-body armored.

"Boss nag-umpisa na ang raid na ginaganap sa south area. Ang buong dungeon ay gawa sa Crystal green at puno ng mga kalaban na mayroong poison ability. Bigay na mensahe ng captain ng pangatlong dibisyon na si Captain Dandan, na nasa kanyang paglalakbay upang humanap ng bagong miyembro." Sinabi ng bagong pasok na armored knight.

Ang boss naman nila ay nakaupo lamang habang patuloy sa paglalaro sa kanyang hawak na Linker tablet. Nakasuot ito ng itim na sando at kulay abo na trouser habang ang pulang full-body armored ay nasa lapag at nakakalat. Kulay itim ang buhok nito na gulo-gulo. Ang mga mata nito'y kulay kahel na akala mo'y apoy na nagbabaga. Nakaupo ito habang ang isa nitong paa ay nakapatong sa lamesa. Parang bata ito na naka tuon ang atensyon sa kanyang linalaro. Pero ang edad nito'y labingwalong gulang na.

Pero kahit sa ganito nyang pag uugali, malaki ang respeto ng mga miyembro nya sa kanya.

*BLAG*

Malakas na bumukas ang pintuan.

"LANCE! Nakikinig ka ba sa mga ulat nila?" Sigaw ng babae na nakasuot ng breast plate at ang skirt nito'y gawa sa bakal.

"Matuto kang gumalang sa nakatataas sayo." Walang ganang sagot ng lalaki na nakaupo.

"Matuto ka rin makinig sa mga miyembro mo! Jeez, kailan ka ba magiging responsable sa guild na ginawa mo?" Pamewang ng babae na mayroon kulay dark blue na buhok.

"Nakikinig ako... Gah! Game over nanaman. Damn, bakit ba ang hirap ng tower boss!" Biglang sigaw nito at binitawan ang hawak nitong Linker tablet, nahulog naman ito sa lapag.

"This guy! Hays. Bahala ka sa buhay mo." Hinarap ng babae ang tatlong lalaki na nag ulat. "Ako ng bahala sa pag sagot sa mensahe na pinadala ni Sir Arthur. Pakisabe rin kay Captain Dandan na muling mag bigay ng mensahe kung ano man mangyari sa loob ng dungeon."

"Masusunod Mam Chelis!"

°

"Ang merchant escort magpunta sa unahan! Inuulit ko merchant escort pumunta sa unahan!" Salita ni Wicka habang hawak ang isang megaphone.

Agad nagmadali si Sephira na hatakin ang kanyang cart ng kanya iyon marinig.

"Sumusulyap~ sulyap~ Kung nag-aalala ka kay Sephy bakit hindi mo na lang siya samahan?" Bulong nito sa kanyang katabi na may halong pangaasar.

Habang si Zach naman ay sinusundan ng tinggin ang tumatakbong si Sephira na papunta sa unahan.

"Hu-huh? Anong sinasabi mo?" Gulat nitong sagot sa binulong ni Hymn.

"Huwag ka na magkaila, kitang-kita naman na nagaalala ka." Sabi ni Hymn habang inuunat ang kanyang mga kamay.

"Paano ako hindi magaalala si Bel ang kasama niya. Mapiligrong tao si Bel, alam ko na mapagtatanto rin niya ito. Hindi ko hahayaan na mayroon muli itong mabiktima." Seryoso nitong sabi.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon