Tale 05: Andy's rage [12/26/16]

731 53 4
                                    

Tale 05
"Andy's rage"

°°°

Kinwento ko naman ang totoo kila Andy guy tungkol sa beads na aking dala-dala. Pero wala itong pakialam basta raw alam nila na hindi ako masama na tao.

Hindi ko rin akalain na kilala ng mga ito ang aking kuya, katulad din ng sinabi ni Mister Agni ganon din ang paglalarawan ni Andy guy dito.

Sinabi rin nila na sobrang kamukha ko si kuya, kaya ng sinabi ko ang aking pangalan sigurado na sila na kapatid ko si kuya.

Mabait si Andy guy, yun nga lang sobrang sama kapag ginalit. Na-kwento rin nito na isa sya na Fire magic user at explosion magic na gumagamit ng espada.

Si Zachy naman ay katulad ni Andy guy, ang pinagkaiba lang baby face si Zachy habang si Andy guy beard face. Isang water magic user si Zachy, sya rin ang laging naglilinis ng mga gawa ng kanyang master.

Si Hymn isa rin sa miyembro ng house of the doom. Mabait ito at sinabi sa'kin na tawagin syang big sis. Hindi ko naman na laman kung ano klaseng magic ang kaya nito gawin.

May iba pa na miyembro ang kanilang guild ngunit, dumadayo ang ito sa iba pa na guild town. Ang sabi naman ni Zachy may isa sila na miyembro na sasama sa raid, kaya hindi na ako makapaghintay anong klaseng tao ito.

"UNTALE Live - Ang unang lumabas na misteryosong dungeon sa timog bahagi kung saan nasa pagitan ng Magister magus at Servant of divine. Bali-balita rin ang dungeon na lumitaw sa silangan bahagi sa pagitan ng Cyber madness at Mimosa fortress. Ang panibago na misteryosong dungeon na lumitaw kanina lamang madaling araw sa kanluran bahagi sa pagitan ng Knight of Avalon at Knight of Camelot. Mayroon din sabi-sabi na ang susunod na lilitaw na misteryosong dungeon ay sa hilagang bahagi. Ano nga ba ang nasa loob ng misteryosong dungeon na ito?"

Bukas na ang raid. Kumpleto ko na rin ang nagawang green potion upgraded at blue potion upgraded. Nakabili na rin ako ng cart para madala ang mga medisina.

Pagkatapos kumain umakyat na ako sa taas upang bumalik sa laro. Summer vacation is the best! Pwede ako makalaro ng non-stop.

°

Buong araw sa laro lumabas lang ako sa town at naghanap ng mga pwedeng magamit para sa enhance magic ko.

Nakakuha ako ng mga bato. Maraming ordinaryong bato at kulay pula na bato. Para saan kaya ito. Hmm.

"Sephy ito na ang gatas na in-order mo." Linapag ni big sis Hymn ang baso ng gatas.

Sinabi ni big sis na nakakatulong ang gatas para lumaki ang hinaharap. Ayoko na matawag na bata sa buong buhay ko kaya hoho!

"Salamat big sis." Umalis na ito at nag-served sa ibang customer.

Si Andy guy at Zachy naman pumunta sa Magician school kung nasaan ang registration sa raid. Pumunta sila roon para sumama sa raid na gaganapin bukas. Mas maganda raw kasi na sa huli magpa-parehistro, para hindi masyado mahaba ang pila.

Linabas ko rin sa sack bag ko ang green potion upgraded na binili ko sa sarili na pera at ang ilang failed potion.

Dahil walang magawa, nagbakasali akong mag eksperimento. Pinagsama ko ang loob ng green potion at failed potion sa magical pot.

Tagumpay naman at nakagawa ako ng antidote. Woa~

Dahil sa na laman gumawa rin ako ng antidote, maganda na rin ang sigurado. Tutal marami pa naman sobra sa natanggap ko na bayad kay Mister Agni.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon