Tale 23: World serpent [03/17/17]

530 38 5
                                    

Tale 23
"World Serpent"

°°°

Mas malaki pa ito sa misteryosong dungeon. Patuloy nitong iniikot-ikot ang tuktok ng dungeon. Habang nakatayo si Levi sa itaas ng dungeon.

"Master Bel, anong nangyari sa kasama mo? Bakit nandito na si Levi." Tanong ko rito. Nakatinggin din doon si Master. Kahit siya hindi makapaniwala kung bakit nandoon si Levi.

"Dunno." Yun lang ang lumabas na salita sa bibig ni Master.

"Pero master, hindi ba't kilala mo ang lalaki kanina? Hindi ka ba kinokonsensya na dahil tinulunggan tayo nito makatakas ay nalibing ito dahil sa pagunaw ng kuweba!?" Geez, bakit ba walang pakiramdam ang isang ito.

"Hindi ko kasalanan kung malibing siya roon. Kasalanan niya yon sa pagiging mahina niya." So cold.

"Oi, oi. Hindi ba't isa yan sa world boss sa Untale!? Ang Jormungand. What a lucky day, right? Hahaha!" Napatinggin ako sa tumawa. Yung kasama ni Kuya Art, aba tuwang-tuwa pa.

Pero, nakakagulat talaga. Hindi ko alam na si Kuya Art ay isang guild master. Pero alam ko na naglalaro rin siya ng Untale. Yun lang, hindi nasabi ni kuya na isa ito sa guild master. Isa pang sikat na guild ang Knights of Camelot. Hindi rin kasi pinapakita ang kanyang itsura sa Untale Live na binabalita sa telebisyon.

"Kein pwede kalma ka lang. Saka hindi natin sigurado kung yan ba talaga ang world boss. Katulad ng sinabi ng kasama ni Iralou, ang humahabol sa kanila ay isang Python. At ang sinabi ng lalaking iyon na Transformation magic. Pwede rin na ginamit lang nito ang isang transformation magic para gawing isang Jormungand ang Python." Paliwanag ni Kuya Art sa kanyang kasama na si Kein.

"Pero imposible iyon. May kilala akong nakakagamit ng transformation magic pero hindi kayang gayahin ang isang world boss. Mga bata sigurado ba kayong isang Python ang humahabol sa inyo?" Tanong ni Kein, sa'kin? Bata raw eh. Hays.

"Sigurado ako. Tinawag pa nga ito ni Levi na baby Python. Tsaka ang sukat nito kanina'y kalahati lang ng sukat niya ngayon. Hindi ko rin alam paano iyon nangyari. Pero kanina sa kuweba. Yung tatlong cobra rin ay biglang naging chipmunks. Siguradong transformation magic din ang dahilan non." Paliwanag ko naman.

"Levi?" Sabay na tanong ni Kuya Art at Kein. Tinuro ko naman ang lalaking nakatayo sa tuktok ng dungeon.

"Aw. Akala ko pa naman mapapatay na natin ang isa sa world boss. Boo~" Nguso ni Kein. Parang bata ito na nag walk-out.

Teka? Kung world boss ang isang ito paniguradong mas malakas iyon. Kwento sa'kin ni kuya na isang tao pa lang ang nakapatay ng world boss sa Untale. Ang pinaka malakas sa mga God class na mas kilala bilang Demon's right hand.

Pero kahit ito'y hindi world boss. Nakakangilabot ang enerhiyang dumadaloy sa buong katawan nito. Binabalot pa ang buong balat nito ng tubig na proteksyon.

"Mukhang hindi matutuloy ang raid ngayon. Kailangan natin paslangin ang higanteng ahas bago pa nito sirain ang kanlurang bahagi ng Lenost. Sumunod kayo sa'kin kung nais niyong tumulong." Aya ni Kuya Art. Naglakad na ito papunta sa mga taong sumama sa raid. Kinuha nito ang magic tool na megaphone at nagsalita.

°

"Atensyon! Atensyon! Ako ang lider ng guild na Knight of Camelot na, si Arthur. Ang raid na gaganapin ngayong araw ay hindi matutuloy." Panimula na salita ni Arthur. Nagulat naman ang lahat sa sinabi nito. Ang mga mukha nila'y napalitan na akala mo'y mga bigong tupa.

"Tsk, sayang naman kung hindi matutuloy. Yung reward pa naman ang pinunta ng lahat dito kahit na ang oras ay alanganin."

"Nag pa change pa ako ng sched. sa work para makaatin sa raid, tapos hindi lang matutuloy?"

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon