Tale 12: Dangerous forest [01/20/17]

620 46 0
                                    

Tale 12
"Dangerous forest"

°°°

"Meister may gusto kumausap sa inyo ni Mam Wicka, Ang kanyang pangalan ay Sep... Umh, batang babae siya na may kulay itim na buhok at purple na mata." Sinabi ng spell caster guard ng siya'y pumasok sa silid ni Agni.

"Si Sese... Gabayan mo siya sa pagpunta rito." Utos ni Agni rito.

Habang si Sephira naman ay nanunuod sa mga tao na nag-aaral gumamit ng mahika. May mga gamit ang mga ito na notebook o mas kilala sa tawag na grimoire. Mga basic enchant ang nakasulat doon na kayang gamitin ng mga baguhan. Ang iba naman ay gumagamit ng staff o rod para makapagpalabas ng mahika. Ang mga propesyonal naman ay kaya makapagpalabas gamit ang kanilang palad.

Tinuturo rin dito kung paano mo makokontrol ng maayos ang iyong mahika. May iba kasi na dahil malakas ang daloy ng mana ay kaya nitong i-self destruct ang user. Lalo na kapag hindi mo sinunod ang basic na pag gamit nito. Mayroon naman na kayang balansehin ang kanilang mahika at mana sa umpisa pa lang, kilala ang mga ito bilang prodigy. Isa rito si Agni, ang kauna-unahang tao sa mundo ng Untale na nakadiskubre kung paano makapagpalabas ng apoy na elemento. Siya rin ang kinikilalang Meister of flame. Master na niya ang magic, creation, protection at form mastery ng fire element.

"Magandang umaga mister Agni at Miss Wicka." Bati ni Sephira sa dalawa ng siya'y pumasok sa silid.

"Magandang umaga Sese, napadalaw ka rito." Bati rin ni Agni.

"Magandang umaga, sikat na sikat sa plaza ang mga tinda mo na kakaiba Sephira." Bati rin dito ni Wicka.

"Masaya akong nakabenta ng marami kagabi." Ngiti nito kay Wicka. "Gusto ko lang sana magpaalam, pupunta kasi kami ni Master sa guild town ng Servant of divine. Inimbitahan ako ng high priest." Pinakita ni Sephira ang envelope na binigay sa kanya ni Lore.

Kinuha iyon ni Agni at kanyang binasa.

"Walang duda, ang high priest nga ito. Mag iingat ka sa paglakbay papunta sa bayan ng Divine. Hindi naman mapiligro ang daan, ang mapiligro lang ay ang mga gubat sa gilid. Ang payo ko ay sundan niyo lamang ang daan at huwag lumiko papunta sa gubat. Lalo na sa gabi, sobrang mapanganib ito. Hindi pa nakikita ang source ng malakas na pwersa tuwing gabi, pero safe naman kapag sinundan ang daan. Kapag may panahon ka, anytime ka na welcome bumalik sa bayan na ito." Babala ni Agni rito.

"Salamat po mister Agni." Nagpaalam na si Sephira.

°

Sundan lang ang daan para walang maging problema.

Ang bait talaga ni Mister Agni at Miss Wicka, sa susunod na punta ko rito sila agad ang pupuntahan ko.

Nagsimula na ako maglakad habang hila-hila ang four wheeled wagon ko. Dahil sa Enhance magic, gumaan ito at hindi ko ramdam ang bigat sa daming laman na nakalagay. Si Master naman sosyal at nakaupo lang sa covered wagon niya na hila-hila ng king boar. Kawawang king boar.

"Master bakit hindi ako pupwede sumakay diyan, maluwag pa naman ang loob." Pero hindi ako nito pinansin.

"Master bakit ang sungit mo? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" Muli ko na tanong.

Kahit anong itanong ko kay master, payapa ang kalooban ko. Dahil alam ko na hindi ako nito sasabihan ng masama habang nakatalikod ako.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon