Tale 28: Mission of two group [04/02/17]

380 27 4
                                    

Tale 28
Mission of two group

°°°

Sa isang malaking silid na may tatlong sofa. Dalawang mahabang sofa na magkaharap at ang isang sofa na maliit na nakaharap sa dalawang sofa. Sa maliit na sofa nakaupo roon si Arthur at Kein. Sa kanan na sofa nakaupo sila Sephira, Bel, Midnight, Zach at Snow. At sa kaliwang sofa nakaupo ang limang bagong mukhang mga kalalakihan.

"Okay! Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at syempre ako ang mag dedesisyon kung saan kayo isasama. Kailangan kasi natin ibalanse ang bawat grupo. Kung anong kasanayan niyo. Kung anong klaseng mahika mayroon kayo." Panimula ni Arthur na sinabi.

"Sina Sephira at Midnight ay magkasama sa iisang grupo." Sa sinabing iyon ni Arthur agad napatayo sina Bel at Zach.

"Huh? Gusto mo ako isama sa grupo ni Bel? Hindi ako papayag! Doon ako sa grupo ni Sephira." Reklamo ni Zach.

"Huwag ka magalala ayoko rin naman masama sa iisang grupo sayo. Brat sakin ka sasama at iwan mo yang siraulong babae sa bata na ito." Sabay turo ni Bel kay Zach.

"Eh? Pero sabi ni Kuya Art si Midnight ang--" Hindi natuloy ni Sephira ang kaniyang sasabihin sa pag singit ni Zach.

"Bakit ka nagdedesisyon kung sino makakasama ko sa grupo!? Hindi ako grugrupo kay Midnight. Lalo na't binalak akong patayin niyan! Bakit hindi na lang kayo ang magsama sa iisang grupo!? Magkaparehas naman kayo hindi ba?" Reklamo ulit ni Zach at galit na tinignan si Bel.

"Huuh!? Natitiis ko pang kasama itong baliw na ito", Turo nito kay Sephira. "Huwag na huwag mo lang ako isasama sa siraulong babae na yan." At tinuro si Midnight.

"Makabaliw ka naman master, hindi naman ako baliw a? Tsaka sinabi ko na sayo hindi siraulo si Midnight geez." Sambit ni Sephira.

Napatigil sa pagbabangayan ang mga ito ng tumawa ng nakakangilabot si Midnight at sabay tuminggin ng nakangisi kay Bel.

"Gusto ko kasama ang isang ito", Tinuro ni Midnight si Bel, "Dahil isa siya sa kasapi ng kadiliman. Hindi ba?" Pumorma ang labi nito ng ngiti habang patuloy na nakatitig kay Bel.

Hindi naman nagtaka si Sephira sa sinabing iyon ni Midnight tungkol kay Bel. Dahil itsura at pag-uugali pa lang nito ay aakalain mo na talaga na kasapi ng kadiliman. Lalo na sa pagiging masungit at masakit magsalita.

"Tignan mo siraulo talaga ang isang ito. Tumahimik ka nga lang." Irita na umupo si Bel.

Si Arthur ay walang nagawa kundi tumawa ng pilit habang pinapanood ang mga ito na parang mga bata. Kahit ang limang baguhan na hindi pa napapakilala ay hindi malaman ang mga hitsura dahil sa kanilang natunghayan. Habang si Kein ay tuwang tuwang pinagmamasdan ang mga ito. At gustong-gusto pa na magtalo ang mga ito.

"Kapag hindi kayo nagkasundo dalawa, isasama ko si Midnight sainyo at magkakasama kayong tatlo sa iisang grupo." Panakot ni Arthur kina Bel at Zach.

"Matitiis ko pa kasama ang bata na ito kaysa sa siraulong babaeng iyan." Walang ganang sinabi ni Bel.

"Tsk. May magagawa pa ba ko." Usal naman ni Zach.

"Balak mo ba isama ako sa dalawang isip batang ito?" Ngayon si Snow naman ang nagreklamo.

"Bakit hindi mo sila gawing mga yelo kapag napuno ka na sakanila? Pabor ito sayo hindi ba, hindi ba!?" Sabik na mungkahi ni Kein dito.

"Oh." Napagtanto naman ni Snow ang mungkahi na iyon ni Kein. At tumango-tango ito.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon