Tale 15: Daughter of darkness [01/20/17]

537 38 1
                                    

Tale 15
"Daughter of darkness"

°°°

"Nagkasala ka sa hari ng kadiliman sa paggamit ng makasalanang liwanag na iyon."

Sa sinabing iyon ng malat na boses ng babae na hindi nila nakikita dahil sa kadiliman, nawalan sina Sephira at Zach ng oras para makipagbangayan dito.

"A-ano sino ka? Bakit ka nandito sa misteryosong underground na ito?" Tanong ni Zach, ng siya'y maka-get over na sa sinabi ng babae.

"I'm the daughter of the king of darkness. I'm here to find peaceful and quiet place." Muli hindi nakapagsalita ang dalawa.

Pero si Sephira ay patuloy sa pag-iisip ng malalim.

"Sephira, habang hinahanap ko yung Linker aliwin mo muna yung babae okay?" Bulong ni Zach.

Pero hindi ito napansin ni Sephira dahil sa kanyang iniisip. Dahan-dahan ng kumapa-kapa si Zach sa lapag, nagbabakasakaling mahanap ang Linker na nahulog sa lapag.

"I-ikaw ba ang prinsesa ng lugar na ito?" Excited na tanong ni Sephira.

"Nagkakamali ka. Isa lamang ako sa sunod-sunuran ng hari ng kadiliman. Naghahanap ako ng taong sasapi sa aming sikretong samahan, para hanapin ang payapang buhay." Seryoso nitong sabi.

"Sunod-sunuran? Akala ko anak ka niya? Anong klaseng samahan iyan, mukhang masaya." Halata sa boses ni Sephira ang pagkamangha.

Napakamot na lamang sa ulo si Zach dahil sa narinig niyang pag-uusap ng dalawa.

"Lahat ng sunod-sunuran ng hari ng kadiliman ay kaniyang tinuturing na tunay na anak. Samahan para ipahayag sa lahat na ang kadiliman ang pag-asa ng mundo HAHAHAHA." Sa huli napagtanto ni Sephira na wala sa tamang pag-iisip ang babae.

Katahimikan ang bumalot sa daanan na iyon. Naramdaman ni Sephira na may humawak sa kanyang paa kaya sa gulat na paurong siya at muntikan na matumba. Buti na lang ay napakapit ito bago pa man siya matumba.

"Can you stop groping my breast, pervert." Agad binitawan ni Sephira ang kanyang nahawakan.

"Hindi ko sinasadya. By the way bakit ka nakahubad?" Pagtataka nito.

"Habang naglalakad-lakad ako biglang may humila ng robe ko na itim. Ayun ang nangyari." Paliwanag nito na akala mo'y walang halaga ang nakuha sa kanya.

"Eh? Robe lang ang suot mo, bakit wala kang inside cloth or yung beginner set mo?"

Agad kinapa ni Sephira ang sack bag at kinuha ang brown na blangket na kanyang ginagamit tuwing nagbebenta sa plaza.

"Dahil ayoko sa kulay ng beginner set. Ang gusto ko lang suotin ay kulay itim, simbulo ng kadiliman HAHAHAHA."

Si Zach naman ay nakahinga ng maluwag ng kanyang makapa ang Linker tablet. Agad niya iyon binuksan at in-open ang flashlight sa gawi kung nasaan si Sephira at ang babae.

"LIWANAG KYAAH!" Sigaw nito sabay sugod sa gawi kung nasaan si Zach.

"Sa-saglit nakahubad ka pa, itakip mo to sa katawan mo! Zachy wag mo siyang tignan!" Panik naman ni Sephira at hinabol ang babae.

Namula ang pisngi ni Zach sa sinigaw ni Sephira na iyon, kaya agad nitong itinutok ang flashlight sa kabilang gawi.

Nahabol ni Sephira ang babae at tinakip iyon sa katawan nito.

"Bakit ka ba takot na takot sa liwanag?" Tanong ni Sephira rito habang sila'y naglalakad. Nangunguna si Zach na iniilawan ang kanilang daan.

"Sumampalataya sa liwanag ang pinakaayaw ng diyos ng kadiliman. Isa akong loyal na taga sunod ni lord Erebus, kaya lahat ng liwanag ay dapat tangalin, paslangin o patayin. Kung hindi, magiging katapusan na ng mundo!" Umakto pa ito na akala mo'y binagsakan ng langit at lupa.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon