Tale 09: Savior of defense [01/03/17]

610 48 0
                                    


Tale 09
"Savior of defense"

°°°

*KRING*

Kinuha ko sa aking belt pouch ang Linker Tablet dahil sa pagtunog nito at mahina na pag vibrate.

"Leader of the servant of divine..." Mahina ko na sambit.

Lumabas muna ako sa silid ni Fan kung nasaan ang magic orb at sinagot ang tawag.

"Gusto ko lang tanunggin kung mayroon ba na nakatataas sa pwesto sa Divine ang sumama sa raid? Hindi ko na kasi nakokontak ang officer ko na nag le-lead doon."

"Hindi na rin ako nakontak muli ni Lore. Kung may mangyari man, hmm... I wish na tumulong siya, kung kinakailangan." Mahinhin na boses ang pinakawala nito.

Nalaman na kaya niya ang tungkol kay Bel? Panigurado, dahil siguradong i-rereport ng mga miyembro niya ang mga nangyari sa kanya.

"Ganon ba, salamat." Binaba ko na ang tawag.

Teka lang, Lore?

Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon...

Tumatanda na talaga ako at nagiging makakalimutin na, hays.

Pero panigurado akong narinig ko na ang ngalan na iyon, saan nga ba...

"Lore... Lore... Hmm..."

"Bakit niyo po binabanggit ang pangalan ni Sir Lore, meister?" Napatinggin ako sa isa sa spell caster guard na nag babantay ng bawat hallway.

"Narinig ko na kasi ang pangalan na iyon, kaso hindi ko matandaan kung saan." Sabi ko rito.

"Panigurado talaga na maririnig niyo ang pangalan na iyon, Meister. Dahil isa si Sir Lore sa may mataas na protection magic." Excited nitong sabi.

"You mean the one--" Hindi ko pa natatapos ang aking i-tatanong, nagsalita ito muli. Mukhang idolo nito si Lore.

"Ang tinatawag nilang Divine shield! Walang kahit isa ang nakawasak ng barrier na gawa nito. Kaya nitong protektahan ang buong bayan! Ang astig talaga, naalala niyo ba ang nangyaring guild war dahil balak ng taga Venoma na sakupin ang Servant of Divine? Gamit ng Venoma ang mga tangke na nabili nila sa Cyber madness at pinalibutan nito ang buong Servant of divine at si Sir Lore lang ang nag enchant ng sobrang lakas na barrier na kayang sakupin ang buong bayan! Blah. Blah. Blah." Nagkamali ata ako ng pinagtanungan. Hanggang anong oras ako balak nito kwentuhan...

°

"Light protection - Holy blessing."

Malakas na enerhiyang puti ang bumalot sa buong silid. Kasabay ng kulay berdeng pag-ilaw ng mga katawan ng tao roon. Lahat ng may sugat o hiwa sa katawan ay nagsara, mga fatique nila ay muling bumalik sa normal.

Nawala ang usok na berde at ang malakas na pagsabog na natamo ng tao roon ay naghilom. Hindi ito kasing lakas ng Atomic bomb na in-enchant ni Andy kaya hindi masyado na puruhan ang lahat.

Agad nag bulunggan ang mga spell caster guard na natira.

"Light protection magic, na nasa mataas na antas! Hi-hindi kaya..."

"Ang kaisa-isang nakakagamit ng ganitong kalakas na protection spell na may kasamang healing magic."

"Walang duda, siya nga ang Divine shield ng Servant of Divine. Ang nasa apat na matataas na opisyal. Si Priest Lore."

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon