Tale 29: Character Information [04/12/17]

369 27 5
                                    

Tale 29
Character information

°°°

Paglabas sa guild house ni Kuya Art humiwalay na samin sina Master at Zachy. Nagaalala ako para sa dalawang iyon, hindi pa naman sila magkasundo-sundo.

Lalo na si Master. Sobrang sama ng ugali nito at baka mainis sakanya ang mga kasama niya at siya ang mapagtripan. Akk! Pinagdadasal ko ang kaligtasan mo Master. At sana magpakabait ka riyan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Demo. Hehee, natatandaan ko mga pangalan nila. Ang galing mo talaga Sephira Lou!

"Pinagdadasal ang master ko." Patuloy akong nakapikit habang magkadikit ang dalawang palad.

Kayo na po bahala kay Master at sana saniban siya ng kabutihan kahit limang araw lang.

"Ano. Pwede ba na alamin muna natin ang character information ng bawat isa? Para alam natin kung anong mastery ng bawat isa at ano ang element na nagagamit." Mungkahi ni Demo.

Oh! Gusto ko rin malaman iyon. Ano kaya ang mastery ko, sabik na ko malaman ito!

"Yeah, tamang-tama ang sinabi mo." Sambit naman ni Flacey.

"..." Si Azkepter o Az naman ay tahimik lang. Ang seryoso ng isang ito. Ganito rin ka-cold si master nung una ko siyang makilala.

Naalala ko pa non kung gaano siya ka suplado at hindi nagsasalita ng masakit na salita. Pero mas the best pa rin si Master na nagsasalita baguhin niya nga lang ang kinasanayan niyang masasamang salita na makakasakit ng tao.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa mga ito. Inumpisahan na kasi nila maglakad, sumunod naman kami ni Midnight.

"Sa tahanan ni Mam Marlin. Siya lang kasi ang checker sa Camelot. Kapag wala siya sa Guild house, paniguradong nandoon siya sa kaniyang tahanan." Buti na lang at hindi masungit itong si Demo. Yung dalawa kasi sobra ang tahimik.

"Talaga!" Sabik ko na sambit.

Tamang-tama kasi, may gusto akong itanong kay Miss Marlin.

"Oo, sumunod kayo sa'kin."

Sinundan na namin si Demo. Huminto kami sa kulay itim na tahanan. Maliit lang ito at dalawang palapag na taas.

*DANG* *DANG*

Kinalampag ni Demo ang bakal. Bumukas ang pinto at bumungad samin ang babaeng suot lamang ay pang loob na kasuotan.

"Oh, anong ginagawa niyo rito? Tapos na ba sabihin ni Arthur ang inyong mga misyon?" Tanong nito.

Kita ko ang mabilis na pag-iwas ni Flacey ng tingin kay Miss Marlin. Habang may mapupulang pisngi. Ang cute niya parang si Zachy lang hehe.

"Ta-tapos na po Mam." Sambit ni Demo.

Si Demo naman tinakpan ang kaniyang mukha ng mga palad niya. Habang si Az walang emosyon na nakatingin lang sa kawalan.

"Maestra! Nagawa ko na ang iyong sinabi. Ano na ang susunod?" Entra naman ni Midnight.

"Ok. Kailangan mo tumagal ng limang araw na hindi matatakot sa liwanag. Si Sephira ang magsasabi sa'kin, kung nagawa mo ito." Ngumiti sa'kin si Miss Marlin.

Eh, ako? Tumanggo na lang ako.

"Miss Marlin may gusto sana akong tanungin sainyo." Diretso kong sabi rito.

"Sure, ano iyon Sephira?" Lumapit ako rito at binulong ang aking nais sabihin.

"Kayo po ba ang itim na usok na pumalibot nun kay Levi? Sa nangyari sa paglitaw ng dambuhalang ahas o Jormungand sa West forest of Camelot?"

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon