Tale 16: Cobra extermination squad [01/20/17]

522 40 0
                                    

Tale 16
Cobra extermination squad

°°°

Sa malapit sa gate papasok sa Servant of divine guild. May maliit na tavern na pinupuntahan ng tao para tumambay o uminom ng alak. May iba naman naghahanap ng impormasyon o mga nagbibigayan ng iba't ibang impormasyon na pwedeng magamit sa quest o grinding.

"Hey'ya old man, gimme yer amazing orange flavor juice with ice." Umupo ito sa upuan ng bar.

Nakasuot ito ng kulay light brown na hood cape at may hawak na leather sack bag na kulay kape.

"Wala si Zach, kaya hindi mo kailangan mag disguised." Sabay tungga ni Andy ng kanyang hawak na bote ng alak.

Agad nitong binaba ang hood at lumantad ang makintad nitong buhok na kulay dark brown na hanggang balikat ang haba.

"Karne nga at kanin." Utos nito kay Andy.

"Hindi ito family restaurant, isa pa ginastos mo nanaman ang savings ng guild. Pasalamat ka at wala si Zach dito." Linapag ni Andy ang orange juice sa lamesa.

"Lucky. Nasaan si Zachael?" Tanong ng babae at ininom ang orange juice.

"West forest sa magister magus."

"I see. Pa-refill nga." Abot nito sa baso na kanyang inubos.

"Narinig mo na ba ang balita old man. May sabi-sabi na may isang miyembro ng occult ang naglalakbay at naghahanap ng mga sasapi sa kanilang samahan. Pinaghahanap nga iyon ng maliliit na guild dahil may sakit daw sa pag-iisip, kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Babaeng kulay light yellow ang buhok na nakasuot ng itim na light material robe. Malaki rin ang pabuya kapag nakita ito. Mukhang may binangga itong isang mayamang tao. Kapag nahanap ko ito at nakuha ang pabuya, mahaharap ko na rin ng walang takot si Zachael." Sinabi nito habang ang dalawang mata'y nagniningning.

Iniwan na ito ni Andy at hindi na muling binigyan ng juice.

Lumapit si Andy kay Hymn na nagaayos ng mga bagong alak na dumating sa kanilang guild bar.

"Ano nang balita. Sumagot na ba sa mensahe na iyong pinadala si Zach? Naririnig ko sa mga dumadayo rito na may malakas na enerhiya o kakaibang halimaw ang natutulog sa west forest ng magister magus, na naka konekta sa west forest sa camelot." Ulat nito kay Hymn.

"Hindi pa boss. Ako rin narinig ko sa isang customer na nabiktima nito ang kasamahan nila sa west forest ng camelot. May kulay itim na mahabang buntot ang pumalupot sa katawan ng kasama nila at ipinasok ito papunta sa ilalim ng lupa. Huling narinig nalamang nila ay malakas na sigaw nito. Nang kanilang tinanong ang kanilang kasamahan na nag respawn ito sa nearby town. Sinabi nito na dilim lang ang kanyang nakita at wala ng iba, kaya panay lang ang kanyang pag sigaw. Nagulat na lang ito ng nag respawn siya at hindi namalayan na pinatay na siya." Ulat din ni Hymn.

"Guhahahaha! Lucky brats. Gusto ko rin makita kung ano ba talaga ang kakaibang iyon na pinag-uusapan ng karamihan." Ngisi ni Andy at tumungga na ng alak.

°

"GROOOOWL!"

Napahinto sa pag atake ang cobra ng marinig ang malakas na tunog na nanggaling sa tiyan ng tatlo.

"Nice timing." Ang sabay-sabay na sabi ng tatlo sa kanilang isipan.

"Water creation - Vine trap."

Pumulupot ang vine na gawa sa tubig sa cobra at pilit itong nagpupumiglas.

"Pagkakataon na para tumakbo!" Sigaw ni Zach.

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon