Tale 04: House of the doom [12/25/16]

806 46 1
                                    

Tale 04
"House of the Doom"

°°°

Sa loob ng Magician school sa bayan ng magister magus, kung nasaan ang silid ng Meister o guild master.

"Sir, muli na silayan ang MOD o magician of destruction sa Night forest na malapit sa Country of Kartel. Wala naman naging biktima ito kun'di ang mga brown boar na nag rerespawn sa lugar na 'yon. Halos kalahati ng gubat din ang natupok ng apoy sa night forest, pero agad ito na aksyonan ng mga water user na bumisita sa Alpha plain. Ito lamang ang ulat ko sir!" Pagbibigay-alam ng isa sa spell caster guard.

Taimtim lamang nakaupo si Agni habang nakikinig sa mga ulat ng kanyang miyembro. Ganun din naman si Wicka habang nakatayo sa gilid nito.

"Sir, dahil sa balitang kumakalat tungkol sa MOD kaya marami na ang hindi nag lalaro ng UnTale. Marami na rin mga spell caster guard ang nag iwan ng kanilang excused paper para sabihin na hindi na muna sila makakapag online. Hindi lang sa ating guild kun'di sa iba't ibang guild pa sir! Kahit ang mga newbie ay kakaunti na lang din. Marami ang natatakot na mga player dahil sa malayang paglalakbay ng MOD na baka sila na ang i-sunod nito. Yun lamang sir!"

Pagtapos mag-ulat ng mga guard nagpaalam na ang mga ito at lumabas ng silid.

Nasapo na lamang ni Agni ang kanyang noo dahil sa mga kanyang na laman.

"Kapag nag patuloy ito, paniguradong mauubusan tayo ng miyembro at mga spell caster guard. Kailangan na talaga mahuli ang MOD na yan sa madaling panahon." Ani Wicka.

"Tama ka riyan. Marami na rin mga guild ang nag o-open ng registration dahil sa kakulanggan nila sa miyembro." Sinabi ni Agni habang hawak ang tablet, at nag-pi-pi-pindot ito rito.

Ang tablet na hawak nito'y tinatawag na Linker tablet, ang gamit-gamit ng mga player sa loob ng laro na kanilang komunikasyon. Ginawa ito ng guild na tinatawag na Cyber Madness o mas kilala ng karamihan na Futuristic town. Dahil sa advanced na mga teknolohiyang gawa ng mga miyembro nito at ang genius na mad scientist na guild leader na si Stern.

Pinakita ni Agni ang screen ng tablet kay Wicka, binasa naman nito ang nakalagay doon.

"Knights of avalon - Open for registration. Requirements, sword mastery. Kahit ang guild ng Avalon na naunang nagsara ng registration for member ay nangangailangan na rin ng miyembro. Malaki talaga ang na dulot na kasiraan ng MOD sa loob ng UnTale." Kita sa mga mata ni Wicka ang lungkot dahil sa nangyayari.

"Idagdag mo pa itong mga misteryosong dungeon na bigla na lamang lumitaw out of nowhere. Sinadya pa talaga na sa daanan kung saan makakapunta sa kabilang town. Hindi lang sa daan natin papunta sa Servant of divine ang may lumitaw na dungeon, bali-balita rin ang bagong dungeon na lumitaw sa daanan ng Cyber madness at Mimosa Fortress." Sabay hingga ng malalim ni Agni.

°

"Hoy manong hindi na ako bata, labimpitong taon na ako. Nakikita mo ba ang magandang kurba ng aking baywang heh." Sabay pose ko pa.

Lahat sila biglang nag tawanan. Mga muscle man na to!

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Totoo naman kasi geez.

"Andy, hindi mo naman na sabi na comedy bar ito! Gwahahahaha! Bata ibang klase ang joke mo, isa pa nga. Pinapasaya mo kaming lahat. Gwahahahaha!" Grabe makatawa ang isang ito, parang wala ng bukas.

"Dandan, hindi rin ako na inform na comedy bar na pala ang guild bar ko. Sino ba ang kumuha sa bata na iyan? Hoy Zach ikaw ba?"

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon