Unravel Tale Online [12/04/16]

2.7K 101 0
                                    

PROLOGUE

April 3, 2024. Ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko.

Kung kailan ang payapa't masayang araw namin ay binalot ng lungkot, takot at galit.

Ang sinag ng araw ay tumatagos sa tela ng kurtinang kulay dilaw sa bintana ng aking kwarto. Masaya't masigla ako bumanggon at bumaba sa salas. Nakangiti si mama na inaya akong umupo sa kanyang tabi sa mahabang sofa na malambot. Pagkatapos ng patalatastas sa telebisyon agad ng lumabas ang logo ng UnTale o Unravel tale online ang sikat na virtual reality game sa buong mundo.

"Magandang umaga sa lahat ng nanunuod ng live sa malaking event na ginaganap ngayon sa loob ng virtual reality game na Unravel tale online, ang "Battle of the gods". Ang sampung kupunan na may titulong "god" ay handa na para sa paligsahan na magaganap. Ang pinakamalaking palasyo na sagrado sa lahat ay binuksan para sa event na ito, ang "Seraph regime". Kitang kita niyo naman ang magara't maharlikang arena na ito kung saan magaganap ang laban."

Dinig ang sobrang lakas na hiyawan ng mga tao, dahil sa pag uumpisa ng paligsahan. Hindi ko maitatangi na mangha na mangha ako sa aking nakikita, dahil sa palitan ng mga magic spell na sobrang astig at mga stunt and swordmanship.

"Mama si kuya na ang lalaban! Galingan mo kuya, alam kong walang-wala silang binatbat sayo. Fighting~"

Todo suntok ko sa hanggin at syempre matapang na pag sigaw. Kahit na alam ko na hindi naman niya ako maririnig. Pero alam ko na the best si kuya!

Sa bawat pagkapanalo ni kuya todo ang saya't ngiti namin ni mama. Panay pa rin ang cheer namin dito, upang suporta sa kanya kahit wala kami sa loob ng kanyang linalaro.

Ngunit...

Ang saya na iyon ay napawi nalamang bigla.

Ang nakakangilabot niyang pag ngiti ang tumatak sa aking isip.

Sa gitna ng arena kung saan nasa finals na ang laban, si kuya ay lalabanan ang pinaka unang nakakuha ng titulo ng "god.". Kilala ito ng lahat bilang "Demon's right hand.". Nagumpisa na ang laban nila ni kuya. Hindi naman nagpapalamang si kuya rito at panay ang paglaban gamit ang kanyang single-blade na may coating na light magic, at sa kanyang kanang kamay may hawak itong sibat na may matulis na patalim sa magkabilang dulo. Parehas na silang tumakbo papunta sa isa't-isa, bago pa 'man sila magtama dalawa ay may malakas na pwersa ang nalaglag sa kanilang harapan. Binalot ng usok ang buong arena.

Ang iyak at sigaw na lamang ang dinig sa telebisyon...

Humupa na ang usok at ang bumulaga samin, mala-dagat na dugo galing sa mga tao na nasa arena.

Kahit ang mga may titulong "God." ay duguan na naka bulagta sa sahig ng arena.

Ang isa lamang na natira roon ay ang lalaking nakasuot ng itim na hoodies at ang buhok nitong kulay kahel ay nakatakip sa kanyang mga mata.

"Die."

Ang i-isang salitang lumabas sa mga labi nito at gumuhit ang nakakangilabot na ngisi.

May malalaking nagbabagang bato ang bumagsak doon at bigla ng naglaho ang live news.

Dahil sa takot at pagaalala agad akong napatingin kay mama pero tulala ito at wala sa sarili. Hindi na ako nag aksaya ng oras na yayain ito at agad na akong tumakbo papunta sa pangalawang palapag at binuksan ang kwarto ni kuya.

Dugo... Dugo. Dugo. Dugo!

"Ku-kuya..."

Wala sa sarili na pagbigkas dito. Ang kanyang buong katawan ay tadtad ng sugat at lumalabas doon ang mga dugo na kumalat sa damit, kama at sahig.

Ang mga paa ko'y nagyelo sa aking kinatatayuan. Ang utak ko'y binalot ng galit, sakit at lungkot. Wala akong nagawa kun'di titigan ang katawan ni kuya na punong-puno ng kanyang sariling dugo.

°°°LOADING°°°

Next chapter: Tale 01
Magician of destruction

"Ang bagong storya at paglalakbay ay maguumpisa na."

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon