Tale 20: The truth is... [01/20/17]

481 38 3
                                    

Tale 20
"The truth is..."

°°°

Maganda ang panahon ngayong araw, kaya napagkasunduan namin ni Min-chi ang maghanap ng buto.  

Dahil sa patuloy na nauubusan ng enerhiya ang mga kapunuan sa aming tahanan, muli magbibigay alay kami ng mga buto na nakukuha sa medyo may kalayuan.

Ang mga puno rin na malapit sa aming tahanan ay hindi na nagbubunga, kaya kailangan talaga namin maglakbay.

"Mun-chi ako rito sa kanluran at ikaw diyan sa silangan." Sabi ni Min-chi sa'kin. Tumanggo ako bilang sagot.

Nag-umpisa na ako sa paglakad. Nang nakasalubong ko ang tatlong makukulit na batang lalaki na kauri. Sila Nim-chi, Nem-chi at Nam-chi na papunta rin sa silangang gubat.

Tinawag ko ang mga ito at tinanong kung saan sila pupunta.

"Maglalaro kami sa kahuyan." Masigla at matapat na sabi ni Nim-chi. Agad itong binatukan ni Nam-chi.

"Bakit mo sinabi!? Mayayari tayo niyan kapag sinabi niya kay Mae-Mae yan!" Pagalit na sinabi nito. Binatukan naman ito ni Nem-chi.

"Ang ingay mo, narinig ka kaya ni Mun-mun!"

Napabungisngis na lang ako. Ang kulit talaga nilang tatlo.

Yinaya ko na lang ang tatlo na samahan ako para kumuha ng mga buto pang-alay.

Nakakuha na kami at pabalik na sa tahanan. Medyo malapit na kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya sumilong muna kami sa puno. Gumagabi na rin at unti-unti ng nawawala ang liwanag.

Ang lamig...

Ang ganda naman ng panahon pero bakit biglang bumuhos ang ulan?

Napayakap na lang ako sa sarili dahil sa lamig.

Pero maya-maya nawala ang lamig na aking nararamdaman. Tinapat ng tatlo ang buntot sa'kin para hindi ako lamigin.

Kahit makulit ang tatlong bata na ito, malalambing naman sila.

Sa mabilis na pangyayari... Biglang may malakas na enerhiya ang lumabas sa kuweba malapit sa aming kinatatayuan. Halos nag yelo ako sa aming kinatatayuan at hindi makalakad o takbo.

May malakas na hangging ang tumama sa'min. Nahagip ang tatlo at natumba sila sa lapag.

May mahabang buntot ang humatak sa'kin. Hindi ako makasigaw. Hindi rin makalaban. Luha lang ang hindi ko mapigilan ilabas.

"Mun-mun!" Sigaw ng tatlo at pinigilan nila ang buntot na nakabalot sa katawan ko.

Anong ginagawa nila! Kapag ginawa nila iyan pati sila masasama!

Umuwi na kayo! Uwi! Ayokong pati sila madamay dahil sa'kin.

Pero hindi sila nakikinig. Patuloy pa rin nila iyon ginagawa, hanggang bitawan ng buntot na iyon ang aking katawan.

Pero, sobrang bilis ng pangyayari. Agad nalang kinuha ang tatlo at hinatak papunta sa kuweba.

Ako tulala. Walang nagawa. Tinulunggan nila ako. Pero ako, natulala lang dito.

Walang gana akong umuwi sa tahanan. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana pinauwi ko na lang sila ng nakita ko sila sa gubat.

Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak.

Nang medyo kumalma na ako. Mga apat na araw bago nakuha ang tatlong bata. Habang mataas pa ang sikat ng araw bumalik ako roon. Sa kuweba kung saan nangaling ang itim na buntot.

Pero wala na ang kuweba. Anong nangyari? Panigurado ako na rito nangyari iyon.

Maya-maya may narinig akong yapak sa aking likuran. Kaya tuminggin ako roon. May lalaking kulay dark blue ang naglalakad papunta sa akin.

Inamoy-amoy ko ito dahil mukhang humanyo ang isang ito. Pero wala siyang amoy na katulad sa humanyo. Ang amoy niya ay kakaiba. Hindi humanyo ang isang ito. May amoy siya na katulad namin pero may halo pa na iba.

"S-sino ka?" Tanong ko rito.

"Gusto mo ba na tulunggan kitang maligtas ang tatlo mong kauri?" Alok nito sa'kin. Habang nakangisi ang labi.

Ramdam ko rin ang hindi nito magandang intensyon, pero. Gusto ko iligtas ang tatlong bata. Dahil kasalanan ko kung ano ang nangyari sa kanila. Sinabi sa'kin ni Mae-chi na baka kinain na ang mga ito. Pero hindi ako naniniwala. Naniniwala akong buhay pa ang mga ito.

"Tutulunggan mo ako? Buhay pa sila hindi ba? Tulunggan mo ako na iligtas sila. Nagmamakaawa ako." Pangungulit ko sa lalaki.

"Oo, buhay pa sila. Pero hindi ito madali. Ang kailangan ay sakripisyo. Kapag nagawa mo ito. Mababalik sayo ang tatlo mo na kauri. Ang kailangan mo lang ay magtangay ng humanyo sa gubat na ito at ituro ang lugar na ito at tutulunggan kitang maibalik sayo ang tatlo. Pero kapag hindi mo ito nagawa, mahuhuli ka na dahil kakainin ng halimaw na iyon ang iyong kauri. Magkikita muli tayo." Bigla na itong naglaho.

°

Kinwento sa'kin ni Mun ang nangyari, kung bakit niya iyon ginawa. Patuloy ito sa pag-iyak.

Tinanong ko rin kung nagkita na ba sila muli ng lalaki na umalok sa kanya. Hindi raw niya alam. Dahil sa kalagitnaan ng paglakad nila na kasama sila Sephira ay nawalan siya ng malay, hindi lang siya pati ang dalawa niyang kasama.

Pero paano yun nangyari?

Sinabi rin ng mga ito na ngayon lamang bumalik ang malay nila dahil sa aking ginawa.

Agad ako nagbigay mensahe kay Mister Agni.

Ang mga fragments ng bato na aking nabasag ay aking kinuha. Baka may kinalaman ang isang ito sa nangyari sa mga Chipmunke. Naramdaman ko rin sa batong ito ang malakas na enerhiya.

"Mun, pwede mo ba ituro sa'kin ang lugar kung saan mo dapat dadalhin sila Sephira? Gusto ko sana itong imbistigahan."

"Mapanganib kapag gabi. Baka pati ikaw ay makuha nito." Babala ni Mae.

Mas magandang ideya siguro iyon para ma-imbestigahan ang looban na iyon.

"Ayos lang. Ituro niyo lang, ako na ang bahalang pumunta mag-isa sa lugar na iyon."

Sa huli sinabi rin nila. Nakarating ako sa lugar. Pero walang kuweba o anuman na pwedeng mapasukan. Ang lugar din na ito ay padiretso sa west forest ng Knight of camelot. Bali-balita rin doon ang malakas na enerhiya at ang itim na usok na humihila sa katawan ng tao. Magugulat nalang sila dahil bigla silang nagre-respawn sa nearby town.

"Yuhuu~" Sigaw ko.

Pero walang nangyayari. Walang kumukuha sa'kin.

°

Sa guild town ng camelot, nakaupo si Marlin sa silid ni Arthur. Nakapikit ang dalawa nito mata, habang may bolang kristal ang lumulutang sa ere sa kanyang harapan. Kulay itim ito at napapalibutan ng enerhiyang itim.

"Sa west forest may malalakas na enerhiya akong ramdam. May malakas na enerhiyang gumagamit ng tubig at mayroon din katamtaman lang ang lakas. May gumagamit ng apoy na kakaibang enerhiya ang dumadaloy sa katawan ng user. Mayroon din isang non-player character na katiting lang ang mana sa katawan. Ohh, ano ito... Isang dark magic user, isang espesyal na enerhiya ang nakakuha hmm... Interesting. At, isang user na mayroong unknown magic o hindi mapaliwanag na mana ang dumadaloy sa katawan. Higit sa lahat, ang isang halimaw na mayroon iba't ibang enerhiya na dumadaloy sa katawan. Mayroon kakaibang enerhiya ang nasa loob nito, gusto ko iyon makuha hmm..." Mahinang salita ni Marlin habang linalaro-laro ang ilalim ng kanyang labi.

°°°LOADING°°°

Next chapter: Tale 21
Deus vs Levi

[DRAFT] Dec. 10, 2016

Unravel Tale Online: Magician Of DestructionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon