Chapter 13.

213 3 0
                                    

kung pupuntahan ko naman siya nuon hindi ko alam kung saan dahil walang iniwang address sa akin.

eto na naman ako sa pag eemote ko. sus.

makatulog na nga. 

Chapter 13. - Tell your mom :]

CERES’ POV

Dumating na sila at di ako makapaniwala sa nakikita ko. Karga niya si Rae na parang bata ? Tama nga na nagtanan sila. Haha.

Tinanong na ni Janus kung san sila galing pero iakyat muna daw niya si Rae. Iakyat? Ibig sabihin?

“akyat?” – ako

Pero di niya ko pinansin. Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad.

“dito na siya tumitira” – JC. Buti pa to sinagot ako.

“bakit? Kelan ?” yan. Lumalabas ang pagiging chikadora ko. Haha. Ayoko mahuli sa balita no.

“hindi ko alam kung kelan ? kasi ibinilin siya ng mama niya kay Rebb. Para daw hindi madisgrasya. Yun ang kwento ni Rebb samin.”- JC

Naalala ko na. nung naospital siguro siya. Masyado kasi. Clumsy din siya. Natatapilok mag-isa. Bata talaga.

“akala ko nga sinusundo lang siya ni Rebb kasi may pustahan sila yun pala dito na siya nakatira.” – ako. Pagkasabi ko nun bumaba na si Rebb.

“ano na pare ?” – JC. Mas excited pa to kesa sakin

“lumabas lang kami kasi ayaw niya makita yung lalake nung isang araw. “ he is even smiling mas nakucurious na naman ako. Ano ba yan.

“saan kayo pumunta ?” - ako

“Secret” – Rebb

Mapuntahan nga yang lugar na yan.

Tapos biglang sabi ni JC na mag oovernight daw kami ? Kami meaning pati ako eh ni hindi pa nga ako nagpaalam na gagabihin, himala nga at di pa sila tumatawag eh.

“overnight ? hindi ako nakapagpaalam !” lagot ako kina mommy nito.

“ipinaalam na kita.” – JC. Ipinaalam eh close ba kayo ng parents ko ? kapal

Sina Rebb tumawa. Walang nakakatawa.

T______________T

“naka uniform pa ko oh.”- ako

Kung ayaw maraming dahilan. Magaling ako sa pagrarason.

“may mga damit si Rae sa taas. Di naman magagalit yun basta ikaw” – Rebb

Nakoo naman di pa nakisama si Rebb.wala rin ako nagawa kundi pumayag.

Magaling mag explain si Rebb. :] paano matalino. Nakakasabay naman ako kahit papano.

May naglalakad sa taas. Si Rae na siguro yun.

Tug

Tug

Tug

Siya nga. Mukhang bagong gising. Nakakatawa ang BFF ko. Di pa nagsuklay.

Dumiretso siya sa kusina. Sumunod si Rebb at sinundan ko lang sila ng tingin. Ayaw ko bulabugin si Rae. Bagong gising lang kaya. Biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.

Sumigaw si Rae. Tumayo ako agad at pumunta dun pati sina Jc pumunta din.Wala naman palang nangyari akala ko naman. OA.

Nakatayo lang siya. Minumukaan pa kami. I went to her side at ayun nga tinanong kung bakit kami nandito. Eh di sinabi kong inantay namin sila. Di man lang pala niya napansin.

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon