Chapter 66.

119 1 0
                                    

para sayo.

sorry natagalan ako. nag aaral na ko ng mabuti. haha. muntik ng mapalyado mga grades ko last sem. kawawa naman ako. haha

go go ! fighting !

**************************************************************************************************

Chapter 66. - This won't be the end.

“Nag aalala ka na naman ba?” hinawakan niya yung kamay ko tapos nakatingin lang siya sa akin.

“Oo.. siguro.. ewan ko..” sabi ko.

Bigla niya akong niyakap. Rebb. I hope this will last long. Ayoko pa siyang iwan. Hindi ko pa kaya.

“Why are you crying?” tanong niya. at bahagya akong inilayo sakanya para makita niya ako.

“I’m just happy.”

Rae

“ Babe, ready na ba?” tanong niya sa akin. Nasa may harap siya ng door ko. Tong lalakeng to. sabing bawal niya makita eh.

“BABE ! nanjan ka na naman ba?! Bawal mo nga makita diba. Mauna ka na !” sigaw ko. Di pa nga ako tapos ayusan.

2 taon na ang lumipas. Masaya na kami. Masaya na lahat. Yung iba baka hindi. Basta kami ayos na kami.

“Se, paalisin mo nga muna siya. kakulit di makapag antay.” Bulong ko sakanya. May pictorial pa kasi ako. hindi pa ko pwedeng umalis. Tsaka anong oras palang naman eh. dapat siya na mauna sa simbahan.

Yes. Oo.Yah. ikakasal na kami. Napakatagal din. Napakarami naming pinagdaanan at eto rin ang kahahantungan. Akal ko dati wala na. hindi na kami. Pero heto kami ngayon magiging mag asawa na.

Kinakabahan ako. hindi dahil ikakasalako kundi basta. Feeling ko lang may dapat na ikakaba. Alam niyo naman ako. feelingera. Haha

“MAUNA KA NA KASI REBB ! ANG KULIT ! DI KAYO PWEDENG SABAY ! ANO GUSTO MO AKO NA MAGKASAL SA INYO DITO PARA TAPOS NA ?! “ narinig kong sigaw ni Ceres sa may pinto.

Natawa naman ako kase kahit na anong nangyari di ako iniwan ng babaeng to.

“OO NA ! ISANG SILIP LANG NAMAN EH !” sagot naman ni Rebb. Nakakatawa talaga siya. napakakulit.

“BABAY BABE ! I LOVE YOU ! SEE YOU !” nagpahabol pa. hayy. Maski naman ako excited na eh.

Natapos na si ateng beki sa make up ko.

“ maam paki suot po yung robe tapos po pictorial na.”

Inalalayan nila ako at ayun nga nagpicture picture ako.

Nakita ko sina mama na halos maiyak na. hala. Ano ba yan. Napaka cry baby ni mommy.

Pagkatapos nila ako picture-an niyakap agad ako ni mama.

“Anak...mamimiss kita...tawagan mo ko kung ginugutom ka ni Rebb ha... babawiin kita.”

“Haha.mommy naman eh. hindi na ko bata.”

Alam kong parang masyadong maaga naman na pagpapakasal to pero gusto ko na maranasan ikasal bago ako mamatay. Alam niyo na.

“Basta ha.” tapos pati na sina kuya at daddy nakiyakap.

“Maam yung bridal gown na po ang isusuot.”

After 15 minutes lumabas na ko sa dressing room.

Lahat sila nagtatawanan.

“The bride is ready !” sigaw ni ateng beki.

Lahat sila napatingin sa direksyon ko at lahat sila hindi nagsasalita. Feeling ko tuloy napaka pangit ko.

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon