Chapter 57.

125 2 0
                                    

dahil bumabagyo nabagyo din ang update ko. T*T. ang sad. nakakabagot sa bahay. bakit ba ganito ang life. parang weather, napaka unpredictable. pero dahil sa bagyo ang aga ng bakasyon. ang aga ng sembreak.

listen to the song. it's cute. :]

enjoy. :****

***********************************************

"Akala ko ikaw yung nandito. nag emote emote pa ako tapos wala naman pala?" kumapit na ako sa braso niya kasi natatakot na ako. sino o ano nalang yung narinig ko na naupo jan at suminghot. Oh no. di na talaga ako lalabas ng gabi.

"Hoy. wag kang ganyan. nananakot ka eh"

"hindi kita tinatakot. totoo."

nagkatinginan kami tsaka kami mabilis na tumakbo at sumigaw.

"WWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH !!!!!!!!!"

Chapter 57. Rae

Her POV

“Sei, tayo nalang tabi ha. tutal mag isa mo naman dito kaya dito nalang ako makikitulog.” Sabi ko sakanya habang busy ako na naglalaro ng taptap sa cellphone niya. alam niyo yung bagong labas palang na unit meron na siya? Papalit palit nga siya eh. gusto ko tuloy manghingi ng phone niya.

“San ka naman matutulog dito ?!” naliligo siya ngayon kaya medyo kailangan niya isigaw yung sinasabi niya kasi sumasabay sa ragasa ng tubig sa shower.

“Sa bed. Ikaw sa sahig. Kung ayaw mo naman dun ka sa sofa.”

“Asa ka naman ! ikaw na nga makikitulog ako pa ang dapat na matulog duon?” nawala na ang tunog ng shower kaya siguro tapos na siya.

“Bisita nga ako kaya dapat maging accomodating ka naman.” Kyaah. Miss na tuloy yung nilalaro ko. Eh bawas sa points yun. gusto ko mag top sa score. Kagaling naman kasi ng may ari nito. Hindi ko matalo mga score niya.

“Psh. Lagi naman na dapat ako ang nasa sahig.” Lumabas na nga siya sa may bathroom ng kwartong to. duon na siya nagpalit kasi sinabi ko na duon siya. Ayoko nga na magpalit siya sa harap ko. Virgin pa eyes ko no. hahahaha. At isa pa wala naman akong makikita sakanya. Pangit ng body figure niya.

* After 3 minutes

Bigla nalang niyang inagaw yung phone niya.

“Akin na nga yan. Malolowbatt na naman. Hirap magcharge ng phone lalo na kung di naman ikaw gumagamit.” Sabi niya saka binulsa yung phone.

ToT

“Mamatay na madamot.” Sabi ko habang inaayos ang upo ko. Feel at home na home kasi ako kanina. Nakataas na paa ko sa may sofa. Ginawa ko na siyang bed.

“hindi ako madamot, sadyang akin lang talaga to.” pagtingin ko sakanya nahiga siya tapos hawak niya ang maganda kong phone. Oh no. andami kong secrets jan.

“Hoy bakit nasayo yang phone ko. Akin na nga yan.” Huli na , pagtingin ko sakanya nag iba ang expression sa mukha niya tsaka nilapag yung phone ko sa tabi niya at humiga na tinatalikuran ako. aba. Drama ng lalakeng to. pwede na siya mag protege.

“Oy anong emote mo jan ha?” tanong ko nung mga 5 minutes na na tumahimik.

“Wala.”

Pag ganyan na sumagot yan nagtatampo na yan.

“Sige na gawin mo na lahat ng gusto mo jan. I give you the authority.”

“Sigurado ka ?” paninigurado pa niya.

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon