Chapter 41.

143 2 2
                                    

Tumingin ako sa may bumukas na pintuan at nandito na sa loob yung mga kaibigan ko. Kumpleto sila. Ayos. Naramdaman ko na naman na gusto ko lumabas para makapag isip. Gusto ko mag bar. Wala na kasing alak dito sa bahay.

Hanggang kelan ba ako ganito?

hanggang kelan?

Chapter 41. Her Side

His POV

Nag aya akong lumabas. Pero dinala ko ang sarili ko sa isang bar. Nagdadrive kami ng sarisarili naming kotse papunta dun. Alam kung duon naman kami pupunta kasi yun naman ang iniisip kong gawin ngayon eh. Alam kong mali na to pero sinusubukan kong magbago.

Pumasok na ako. Di ko na sila inantay kasi alam kong ayaw ata nila sumama sa akin kasi nga pinagbawalan na ata sila ng mga girlfriend nila. Nakakainggit. Nandiyan lang mga syota nila.

Ano ba yan. Nag papaka bitter na naman ako. Sige lang. diretso sa bar counter. Nag order na ako. Mabait talaga ang mga kaibigan ko. Sumama sila pero hindi sila iinom.

Eto ako. Forever alone. Pero parang nakakasawa naman to. kaya nung nakaisang baso na ako tinigil ko na.  ayoko na abusuhin ang sarili ko.

“ Pre, tingin ko kung nakikita ka ni Rae ngayon baka magalit na sayo yun.”

Oo nga. Kung may pakialam pa siya sa nararamdaman ko. Pero somehow tama yung sinabi nila. Babalik naman siya diba? Hindi ko nga lang alam kung kailan. It is like waiting for a shooting star to cross the skies. I just need to wait, siguro. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay. Magsasawa rin ba ako kakaantay?

 “Tara na nga. Starbucks tayo.” Aya ko sakanila. Sumunod naman sila nung tumayo ako. Lahat kami diretso sa mall. Naupo kami sa starbucks at nagkwentuhan. Binilhan ko rin si Kierrin ng Cappucino kasi alam kong favorite niya yun.

--

Christmas na mamaya. 3 hours? Busy na sila sa paghahanda ng mga kakainin sa bahay kaya umalis muna ako.

Nandito ako ngayon sa OWNED place namin ni Rae. Kailangan ko ng iwanan lahat dito. Life goes on even if you don’t want to move on. Hindi titigil ang mundo para sayo. Hindi siya ang hahabol. Ikaw ang hahabol.

“Rae, kung para talaga tayo sa isa’t isa, gagawa ng paraan ang tadhana para balang araw tayo ay magkita. Aantayin kita hanggat kaya ko pero pag napagod na ako hindi ko lang alam.”

Forgive but not forget sabi nga nila. Mahal parin naman kita kahit wala ka na. sus. Drama ko. I think this thing will make me mature. Para pag nagkita tayo ulit handa na ako.

I love you so Aesha Rae Torres.

I miss you.

Nangilid ang luha ko. Hindi ko mapigilan. I know I am so weak.

Merry Christmas. Kahit nasaan ka man ngayon. My heart will always be yours.

------------

Apat na buwan na magmula nung nawala siya.

Graduate na ko ng highschool.

 Nung nasa stage ako tingin ako ng tingin sa paligid. Siyempre inaasahan ko na darating siya pero nabigo ako. Kasi ni anino niya di ko man lang naaninag.

Lahat sila may mga partner ako lang wala. Ang bitter ng buhay ko.

“Rebb ! mamaya sa bahay!” sigaw ni JC nung maihagis na namin yung mga graduation cap.

As usual party na naman kina JC.

Hindi naman na ako pala labas simula nung iniwan niya ako eh. Ni ayaw ko na nga ipacheck up yung braces ko eh pero anong magagawa ko eh pag di ko namna pinacheck up baka masira ngipin ko.

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon