Chapter 52.

155 1 1
                                    

so eto na naman ako mag uupdate ng Monday. :]

Anyway, this Chapter is so for you. Thank you.

a/n: so eto ako masaya sa pinagagagawa ko sa story ko. ewan ko ba pero parang mas nag eenjoy ako pag moment ni Rae at Savior. halla. inalis ko muna si Rebb sa scene. :]

but honestly I miss him. haha.

k. ang daldal ko lang.

enjoy. :]

***********************************************************************************************

 Napansin ko nalang na wala ng tumutulong ulan sa akin pero naririnig ko pa naman ang buhos ng ulan.

Inangat ko ang ulo ko para icheck ng may napansin akong nakatayo sa tabi ko at may hawak na payong.

“ pag ba umiyak ka ng umiyak jan may mababago? ”

Chapter 52. - Rae

Her POV 

” pag ba umiyak ka ng umiyak jan may mababago? ”

Si Savior. nakikita niya ako tuwing ganito ako. kailangan ba na sa mga panahong ganito ako saka lang siya susulpot. Pinapangatawanan niya ang pagiging SAVIOR niya?

kahit na alam kong nanjan siya umiyak lang ako.

“ oh ano iiyak ka lang jan? ayaw mong tumayo? Mukha kang tanga.” Nakakainis na siya ah. Ang sama sama na nga ng pakiramdam ko igaganito pa niya ako.

“PWEDE BA MAG GET LOST KA NALANG KUNG UUNGASIN MO LANG DIN AKO ! “ nakakairita kasi siya. Itsura niya walang expression. parang gago lang.

 “ Hindi naman kita inuungas ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Yan kasi ang mahirap sayo hindi mo kayang tanggapin ang mga bagay na nangyayari sayo. Iiyak ka nalang tapos papalagpasin mo tapos pag may nangyari ulit hahayaan mo lang. ganyan ka na ba katanga? Hindi na ako magtataka kung isang araw makita kita na nagmamakaawa sa lalaking yun..”

Halos hindi ko na mapigilan ang tulo ng mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit. Pero oo. Pumasok sa isip ko na magmakaawa sakanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko pag nawala siya.

“Oh ano? hindi ka makaimik jan .Tama ako?” hindi ko na siya tinignan.nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Ganito pala ang pakiramdam ng napag iiwanan.

Naramdaman ko ang isang tapik sa balikat ko. Kasabay nun ay pag akbay.

“ Tama na. kung ayaw na niya sayo hayaan mo na siya.”

Tahimik lang ako.,

“The more you hang on, the harder it is to let go. Kaya ngayon palang kailangan mo ng tanggapin yun. papahirapan mo lang sarili mo kapag hinabol habol mo siya.”

 Wala padin akong masabi. Masyadong magulo ang utak ko ngayon.

“Rae? !”

--

“Babe? Gising ka na. sorry sa ginawa ko kanina. Andito na ulit ako.” alam ko kung kaninong boses yun. siya yun.

Pilit kong binubuksan ang mata ko. Gusto ko siyang makita. Siya ang kailangan ko ngayon.

Pero pagmulat ko ng mata ko napagtanto kong lahat pala yun ay pawang panaginip. Panaginip nalang.

“kamusta ka na. di ko kasi alam kung saan kita dadalhin kaya dito nalang muna. Pagpasensyahan mo na ang kwarto kong maliit.”

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon