Chapter 59.

159 1 2
                                    

dedicated sainyo to. merge account? cute. salamat.

bangag ako kaya ganito naman na ang pinagtataype ko. pero kasama naman sa plot. haha. baliw na ako. tapos andaming later. naku naku. haha. so nag update nga ako. at maraming salamat sa inyo. long weekend na naman kaya baka update ng mas maaga. ingat kayo. mahirap mabagyo.

*********************************************************************************************** 

Nakita kong may pumatak na luha.

Chapter 59. - Rae

 Her POV

*later

Gulong gulo ako ngayon. Alam ko nakita ko siya kanina pero bakit nandito naman siya at iba ang suot niya? baka hindi nga siya yun. pero impossible. Ay ewan. Bahala na nga si Batman.

“ Queen bagay ba?” tanong niya sa akin pagkatapos niyang maisuot yung binili ko na damit na gusto niya.

“Yah.”

“Bagay din sayo. Kaya lang pwede bang magpants ka. Wag kang nakashorts.” Pinasuot niya kasi sa akin yung isa pa. tapos ipinair ko sa short shorts at sa Vans na rubber shoe ko. at hindi ko naman tinatanong kung bagay ba o hindi sa akin eh. engot nito.

“Ayaw. Ang init kaya dito. Beach naman eh kaya okay lang.” sagot ko habang nakaupo at nakataas yung paa ko. Naglalaro na naman kasi ako ng taptap.

“Psh.” Yan lang sagot niya tsaka siya lumabas ng kwarto.

Ayaw ko sumunod sakanya kasi ayaw kong madisappoint. Ayoko na isipin na hindi nga siya yun. pero. Baka nga hindi talaga siya yun.

* later

 naramadaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

Kain na.

Txt ng isang unknown number. Baka si JC. Di kasi nakasave number niya sa akin eh. kaya tumayo ako agad at bumaba.

Pagbaba ko napatingin sila agad sa akin tapos lumipat yung tingin nila kay Savior.

Dumiretso lang ako sakanila kasi nasa dining table na silang lahat.

Okay naman sana kaso yung bitch ang sama ng tingin sa akin. Maasar nga to.

Nginitian ko siya at umupo sa tapat niya.

HAHAHAHA. Priceless ang reaksyon ng mukha niya.

Sa totoo lang, Nasasaktan padin naman ako pero ayoko ng ipakita sa kanila. I will be okay.

Nagtuloy na sila sa kain nung nakaupo ako.

“Queen gusto mo ng pinakbet?” aabot na sana ni Savior yung pagkain pero biglang nagsalita si Rebb.

“She is allergic to bagoong. She can’t eat that.” Lahat sila tumingin sakanya pero siya kumakain lang. cool na cool. pati yung katabi niya nagtaka. Ako naman tumingin lang saglit tapos nagtuloy na kong kumain. hindi sila makapaniwala siguro. Pati naman ako pero di ko lang pinapahalata. Kumakain lang ako ng chopseuy at kunwari wala akong narinig.

Narinig ko nalang na ibinaba na ni Savior yung plate para sa pinakbet tapos wala na ulit nagsalita.

*later

“KyahhhHH” kanina pa nila yan sinisigaw sa tenga ko. After kaya kumain hinatak nila ako at kinikilig daw sila.

“Haba ng hair mo friend, abot hanggang mars.” Tsaka ako siniko. Lieann na to makapanakit eh.

Forever means "Only You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon