DREAMING ALONE

255 15 9
                                    

01

Pagpasok kong bar, tunog agad ng drums ni Mienard ang narinig ko. Napapikit na lang ako nang sunod kong marinig ang maangas na tunog ng electric guitar at ang tunog ng keyboard. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nagpapatunog ng electric guitar, alam ko na kung sino ito kasi siya lang naman ang mahilig magpatunog ng gano'n kapag nagpapa-practice siya kasama si Mienard.

Hay, bakit nandito na naman siya?

Kaagad na lang akong dumiretso sa office ko bago pa man ako mapansin ni Mienard. Ayaw kong mapansin pa nila.

Pagpasok ko, pabagsak akong naupo sa sofa. Naitukod ko ang dalawa kong siko sa center table at napahilot ako sa aking sentido. Little by little, maso-suffocate na ako sa bar na ito.

Hindi alam ni Mienard ang naging relationship namin ni Collo. Sabagay, paano nga naman malalaman ni Mienard if we secretly dated? Because of that, I need to pretend in front of Mienard na okay ako kapag nand'yan si Collo. I need to act that I'm not affected, I need to act that I'm not hurt.

Sabi nga pala sa akin ni Mienard kanina ay nagkasakit daw yung vocalist na dapat ay tutugtog mamaya. Ang ibig sabihin kaya nito, sila yung magpi-perform mamaya?

If that's his plan, ito yung unang pagkakataong mapapanuod ko si Collo na tutugtog sa stage.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinimulang i-review ang mga paperwork na nakatambak sa table ko para ma-distract ako. Mamaya na lang siguro ako lalabas. Ayaw kong magkita kami ni Collo so my office is my only safe place to hide.

**

Nasa kahabaan akong pagbabasa nang may biglang kumatok sa pinto. As if on cue, bigla na lang akong nataranta at hindi ko malaman ang gagawin ko. Ilang ulit akong sumagap ng hangin bago nagsalita.

"Come in," sabi ko gamit ang malumanay na boses. Nakahinga akong maluwag nang makitang isa sa staff namin ang bumungad sa akin. "Yes?"

"Ma'am, nasa labas po si Ma'am Judie," pagbabalita niya. Kumunot naman ang noo ko. Why is she here? That's unusual.

Agad akong tumayo at lumabas sa aking office. Sinalubong ko agad siya nang makita ko siya.

"Judie!" tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako agad at ngumiti ng alanganin. "What brought you here?!" I stared at her for about a second kasi naninibago ako. "Ang cool mo, ah. Bagay pala sa'yo maging emo, eh!

I can't help but to praise her about her outfit today. Judie have goodie image so I'm surprise she can pull out something like this.

"Hindi ko alam kung pinupuri mo ako o iniinsulto, Mieann," sagot niya.

"Duh, pinupuri kaya kita, 'no. Anyway, bakit ka pala nandito? Don't tell me maglalasing ka?!" tanong ko sa kanya habang pinandidilatan siyang mata.

Ang unusual lang kasi talaga na pumunta siya rito with her outfit like that. After kasi nung nangyari sa kanila ni Nick, hindi na siya bumisita pa rito dahil sa takot niyang makita rito si Nick.

Is she kind of rebelling now? Like a good girl gone bad?!

"Judie, you're on time! Tara na't mag-rehearse sa backstage!" Out of nowhere ay lumitaw si Mienard at bigla na lang hinila si Judie.

Then it suddenly hit me. She's going to sing here!

"Huy, teka, kakanta ka ngayong gabi? As in? Akala ko ba ayaw mo?" paniniguro ko. Hindi naman sa ayaw kong kumanta rito si Judie but it doesn't feel right.

"Ikaw talaga, Mieann, late reaction!" sabat na naman nitong si Mienard. "Sige na, hiramin ko muna best friend mo. Ikaw na muna bahala rito. Pa-pratice pa kami."

Wild BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon