SORT OF FRIENDS

70 9 0
                                    

12

Kasalukuyan akong nasa office ngayon. Wala akong pasok kaya naman marami akong oras ngayon sa paperwork na para sa bar namin. Actually kanina pa ako nandito pero pakiramdam ko, tambak pa rin yung gawain ko.

Hinilot-hilot ko yung bandang leeg ko dahil kanina pa ako nakayuko mula sa gawain ko. Nangangalay na rin pati yung bandang balikat ko. Napapikit na lang akong mariin. Kailangan ko itong tapusin sa lalong madaling panahon para magka-oras pa ako sa studies ko.

Habang abala ako sa ginagawa kong computation ay may bigla na lang kumatok sa office ko.

Sino naman kaya ito? Hindi ba't binilinan ko na ang staffs na huwag ako guluhin ngayong araw para makapag-concentrate ako? Urgent kaya ito?

Napabuga na lang ako ng hangin at inilapag ang calculator na hawak ko.

"Come in," walang-gana kong sagot.

Iniluwa ng pinto ang isang matangkad na lalaking naka-half ponytail. Napa-ismid na lang ako sa kanya. Bakit nandito na naman ang isang ito? Talagang dinadamay ako sa operasyon niya. Tsk.

"Nice to see you too, Mieann," pang-aasar niyang bati sa akin. Nakita niya kasi ang pag-ismid na ginawa ko.

"Ano na namang kailangan mo, Nick?" tanong ko. "Busy ako ngayon."

"Tulungan mo na kasi ako kay Judie. Nauungusan na ako ni Ibarra," pangungulit niya. Napapalatak na lang ako.

"Pwede ba, Nick. Problema mo na 'yan. Ang bagal mo kasing kumilos. Saka kasalanan mo naman ang lahat kung bakit gan'yan ang nangyayari sa inyo ngayon. Deserve mo 'yan," sabi ko sa kanya. Siya naman ang ngumiwi.

"Ang harsh mo, dude. Akala ko ba hindi ka na galit sa akin?" reklamo niya. May pahawak-hawak pa sa dibdib niya.

"Oy, 'wag mo nga sabi akong dinu-dude." Ang hilig niya kasi akong i-dude, hindi ko naman siya kapatid! "Saka anong harsh sa sinabi ko? Totoo naman 'yon, ah?" pangungwestiyon ko.

"Kaya nga 'ko nagpapatulong, 'di ba?" Sumeryoso siya. Naiiling na lang ako habang napapangiti.

Sa totoo lang, hindi naman niya kailangan ng tulong ko. Konting push lang niya, bibigay naman na 'yon si Judie! Denial pa lang kasi yung isang 'yon. Takot at praning pa rin.

"Don't worry, I'm putting your name on the good side to Judie," sabi ko na lamang sabay ngiti.

Bakit kasi nagpapatulong sa akin si Nick para kay Judie? Hindi ba siya confident sa sarili niya? Saka ni hindi pa nga siya nanliligaw man lang o umaamin kay Judie. Nauna pang sinabi sa akin ang lahat. Ang mokong, in love rin naman pala talaga kay Judie kaya hindi ko talaga ma-gets kung bakit niya noon pinaasa si Judie. Tapos ngayon bothered siya kasi si Ibarra nililigawan na si Judie.

Hay! Basta, magulo silang dalawa!

Ayaw ko rin namang pangunahan si Judie sa magiging desisyon niya kaya ayokong makialam. Nevertheless, suportado ko anuman ang maging desisyon ni Judie.

**

Matapos ang ilang minutong pang-gugulo sa akin ni Nick, sa wakas ay umalis na rin siya! Ang laki niya kayang abala! Ang kulit-kulit, parang tanga lang.

Kung takot siyang maungusan ni Ibarra, dapat gumagawa na siyang paraan para makuha yung loob ni Judie hindi yung ako yung bini-bwisit niya. Naaalala ko tuloy yung kapatid niya!

Matapos yung pag-kidnap na ginawa niya― no, hindi niya talaga ako kinidnap because he carjacked my car, I tried my best to avoid him. I don't want to hear his reasons anymore.

Hindi ko na kasi kaya pang marinig mga sasabihin niya dahil baka mag-hysterical na ako. Ang OA ko pero ano bang magagawa ko? Hindi ko yata talaga kayang marinig kung ano man ang gusto niyang sabihin, hindi ako handa sa posibilidad na naka-abang sa akin.

Wild BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon