29
Matapos ang matagal kong hindi pagbisita sa bar dahil na rin sa request kong break, ngayon na lang ulit ako nakatungtong rito. Balak kong manuod ng rehearsal ngayon nila Judie. Pagkatapos ng class ko, sa bar agad ako dumiretso. Wala rin naman akong gagawin sa bahay.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuhan ng paligid. Pakiramdaman ko ang laki ng ipinagbago ng bar kahit pa ilang araw lang naman akong nawala. Bigla akong nanibago at parang naging hindi pamilyar sa akin ang lahat. Napagpasyahan kong dumiretso na lang munang office ko para ma-check kung may paperwork pa akong naiwan.
Pagdating ko sa office, naupo ako sa swivel chair. Malinis ang table ko at walang nakatambak na paperwork. I can't help but to laugh. Talagang ni-career ni Mienard gawain ko. Sino kaya yung assistant na kinuha niya?
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito. When I checked it, it was a message from Collo.
From: Collo
Where are you?
Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako na nagti-text na talaga sa akin si Collo. Dati kasi, kahit halos mamuti na buong mata ko sa kakahintay ng reply or text niya, wala akong natatanggap. Parang bumalik sa dati yung naging turingan namin sa isa’t-isa. Noong mga panahong best friend lang ni Mienard ang tingin ko sa kanya.
To: Collo
Nasa bar.
Ilang segundo lang ang lumipas ay nag-text siyang muli.
From: Collo
Okay see you there!
Wala na akong maisip na i-reply sa kanya kaya naman hindi na ako nag-abala pang mag-reply tutal ay magkikita rin naman kami mamaya. They have rehearsal after all.
Mayamaya pa'y dumating na yung ilang staff namin dito. Nagsimula na silang maglinis at mag-arrange ng mga gamit.
"Good evening, Ma'am," bati sa akin nang isa sa kanila. Ngumiti naman ako.
"Ah, may tanong pala ako," sabi ko sa kanya. "Sino pala ang naging assistant ni Mienard nung wala ako rito?"
"Ah, si Ma'am Eunice po yung naging assistant ni Sir Mienard," sagot niya. Tumango ako at iniwanan na sila roon.
Ha! Kaya naman pala ganadong-ganado pa rin si Mienard sa trabaho niya kahit super busy niya nitong mga nakaraang araw sa bar. Yung girlfriend naman pala niya ang assistant niya at wala man lang nag-inform sa akin!
Ilang minuto pa ang lumipas, nakita ko nang sabay pumasok sila Judie at Nick. Ang aga nila. Nauna pa kay Mienard.
Agad ko na lamang silang nilapitan.
"Hi, bes!" bati sa akin ni Judie.
"Dude," sabi naman ni Nick sabay tango.
"Ba't ba dude ka nang dude sa akin, Nick?" reklamo ko sa kanya. Sabay nila akong pinagtawanan.
"Why not?" tanong niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo, Nick."
"Bes, na-miss kita!" pagsingit ni Judie.
"Parang hindi tayo nagkita kanina, 'no?" biro ko.
"I mean, dito sa bar! One week ka rin kayang nawala."
"Oo nga, one week akong nawala 'tas hindi mo man lang ako in-inform na yung girlfriend pala ni Mienard naging assistant niya."
"Eh, 'kala ko alam mo na? Saka ano naman problema kung siya assistant ni Mienard? Natulungan naman niya si Mienard, ah?"
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Fiksi RemajaHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.