PROLOG

360 16 11
                                    

START

Pabalang kong isinara ang pinto ng aking kwarto nang marating ko ito. Inis akong napasandal sa likod ng pinto at saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Napahawak ako sa aking dibdib dahil damang-dama ko ang mabilis na pintig ng puso ko.

Bakit nandito na naman siya sa bahay? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang sila magkita ni Mienard? Bakit ang lakas pa rin ng loob niyang magpakita sa akin matapos ang lahat ng nangyari sa amin? Gano'n ba talaga kakapal ang mukha niya at gano'n ba siya kawalang konsiderasyon sa akin? Saka bakit ba kasi ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin?

I feel so ashamed of myself and I hate it. I can't even deny the fact that I am still head over heels sa kanya kahit siya naman itong the one that got away.

Agad kong pinahid ang luhang tumakas na pala mula sa aking mata. I check the doorknob to make sure it's lock bago ako humiga sa aking kama.

Meeting Nicholson Herbert Tan is my greatest regret!

I can't even hate him because every time I try to hate him, it's just getting more painful. I love him so how can I ever hate him?

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone kaya naman agad ko itong kinuha para na rin doon na lang matuon ang atensyon ko.

It's from Sofie, one of my acquaintance. We're not that close but I hangout with her sometimes.

From: Sofie

There's this super hot band in the bar kung nasaan ako ngayon. Would you like to come?

On normal days, tinanggihan ko na itong si Sofie but since I'm not in the mood, I agreed to hang out.

Hindi na ako nag-aksayang panahon at mabilis akong nag-ayos. Nagpalit akong black pull over shirt which I tucked in on my checkered purple miniskirt. I put a dark red lipstick on my lips and a light make up afterwards.

Nang makuntento ako sa hitsura ko, walang sabi-sabi akong lumabas ng kwarto at umalis ng bahay. Good thing wala ang parents ko ngayon.

It took me less than 30 minutes bago ko narating yung location ng bar na tinext sa akin ni Sofie. Pagpasok ko pa lang sa loob, dinig na dinig ko na yung sigawan ng mga tao sa crowd habang sumasabay sa kanta nang bandang nasa stage.

Hindi naman ako nahirapang makita si Sofie dahil sinabi naman niya kung saan banda sila naka-pwesto. When she saw me, she waved at me. Lumapit naman agad ako at nakipagbeso-beso.

"Omg, I thought you're not gonna make it," maarte niyang sabi sa akin. Ngumiti lang naman ako bilang sagot. "Oh, by the way, I want you to meet John. I'm sure you know him, right? Classmate mo siya sa Physics," pagpapakilala niya sa lalaking katabi niya. I smiled out of courtesy though I'm not really familiar with the guy.

Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay and since I don't want to be rude, I accepted his hand for a second at mabilis din naman itong binitawan.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko kung gaano ka-enjoy ang mga tao rito.

Nang tignan ko ang stage, may limang lalaking nakatayo ro'n. Dalawa sa kanila ay may hawak na gitara at ang isa ay nakapwesto sa keyboard. Yung isa na nasa pinakaharapan ay nakahawak na sa mic at yung nasa pinakadulo ay ang drummer. May malaking monitor sa likod nila at makikita rito ang mga hitsura nila.

Nang mag-start ang drums ay na-focus yung mukha ng kanilang drummer doon sa monitor na nasa likuran nila. Napatanga na lang ako at napatitig sa kanya. I feel adrenaline rush in my system the moment he started banging the drumsticks in the drums.

Grabe yung paghampas niya sa drum set habang naghi-head bang! Parang gigil na gigil siya.

Your eyes are swallowing me
Mirrors start to whisper
Shadows start to sing
My skin's smothering me
Help me find a way to breathe

Time stood still
The way it did before
It's like I'm sleepwalking
Fell into another hole again
It's like I'm sleepwalking

Nang kumanta ang kanilang vocalist, hindi masakit pakinggan sa tenga yung growls at screams niya. Nagsimula akong makisabay sa iba pang taong nandito. Nakitalon ako at naki-head bang din kasama nila. Kahit nga hindi ako pamilyar sa kinakanta nila ay sumasabay ako.

I usually hate this kind of music genre but this one feels like hitting my hidden emotions. Something else is invading my system.

I think I'm out of control...

Wild BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon