02
Napapikit akong mariin nang maalalang may long quiz nga pala kami sa Physics ngayon at wala man lang akong na-review. Nitong mga nakaraang araw kasi ay mas focus ako sa bar namin. May mga paperwork kasi akong kailangan tapusin.
Hands-on kami ni Mienard sa bar. Ayaw namin magpabaya roon dahil ayaw namin na ma-disappoint ang parents namin because they invested a lot just for us to have it. Originally, it was Mienard's business but I ended up helping him in managing it.
Being a student and having a business is not easy to manage. I'm studying and at the same time managing our business. Business is business. It's not a piece of cake to handle. Sa totoo lang, mahirap silang pagsabayin.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang binubuklat ang mga notes na pwede kong i-review. Naglo-loading at walang nada-digest yung utak ko sa mga binabasa ko. Hindi talaga kami compatible ni Mr. Physics dahil hirap akong ma-gets siya. Itong last minute studying ko bago ang long quiz, ewan ko na lang kung may sense ba talaga.
Habang abala akong pilitin intindihin itong Physics ay bigla na lang may tumabi sa akin. Umaalingasaw ang amoy ng pabango niya. Ang tapang nito at ang sakit sa ilong.
Nailing na lang ako nang makitang si John pala itong tumabi sa akin. Kaklase ko siya sa subject na ito. Malaking ngiti ang iginawad niya sa akin nang lingunin ko siya kaya naman agad kong binalik ang atensyon ko sa binabasa kong notes. Mangungulit na naman ang lalaking ito.
"Thea, when will you go out with me again?" tanong niya. I ignored his question and focused on my notes.
Hindi naman porque nag-date kami ng isang beses ay may responsibilidad na ako sa kanya to the point na dapat ay mag-date ulit kami. I tried to give him a chance dahil baka naman mag-click kaming dalawa kaso hindi naman gano'n ang nangyari. We weren't compatible and one time is enough. I don't want to have another date with him.
Sinubukan kong hindi siya pansinin pero wala itong talab sa kanya. He's actually persistent. Patuloy pa rin ang pangungulit niya sa akin. Naiinis na ako sa ginagawa niya. Hindi ko na nga masyadong maintindihan itong Physics notes ko, nangungulit pa siya.
Mahinahon kong inilapag ang binabasa kong notes at muli siyang hinarap. Nakangiti pa rin siya sa akin to the point na parang nagmumukha na siyang eng-eng sa kakangiti. I can also see hopes in his eyes.
"John, may long quiz tayo sa Physics. Pwede bang mag-review ka na lang para naman may maisagot ka mamaya kesa kinukulit mo ako?" prangka kong pahayag.
"I will if you will say yes. C'mon, let's go out again," giit niya. Hindi ko alam kung slow ba talaga siya o ano. Hindi pa ba niya nakuhang ayaw ko na makipag-date?
"Bahala ka nga riyan," pagsuko ko na lang. "Ikaw naman 'tong mawawalan kung 'di ka magbabasang notes mo."
"So, it's a no?" tanong niyang muli. Finally, nakahalata rin! Blanko ko siyang tinignan. "All right, it's a no." Nanahimik na siya at hindi na kumibo pa.
Nang umalis si John sa tabi ko, nawala na rin ako sa mood na mag-review at hinintay na lang na dumating si Ma'am para sa quiz niya. Bahala na yung score ko mamaya tutal hindi naman ako nag-review ng matino.
**
An hour has passed and I think I drained my energy. Physics drained all my strength. Grabe yung quiz ni Ma'am, pang-finals! Nagbigay ngang formulas pero iilan lang naman sa formulas niya yung nagamit sa quiz niya.
Ang daldal pa nitong iba kong kaklase at talagang dini-discuss pa yung mga sagot nila. Fine, sila na may matinong mga sagot. No need to brag about it.
Inayos ko na lang ang mga gamit ko at agad nang naglakad palabas ng room. Napansin ko pa ang pagsunod ng tingin sa akin ni John. Well, at least he knows now that I'm not into him.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Novela JuvenilHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.