MISTY

55 10 2
                                    

31

Ilang araw na rin kaming hindi nagkikibuan ni Mienard. Gusto ko siyang kausapin kaya lang baka imbes na magka-ayos kami, lalo lang kaming mag-away. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. Baka kapag nag-usap kami, mag-backfire lang lahat ng usapan namin.

I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

Inis kong pinatay ang music na nagpi-play sa iPad ko. I don't want to listen to hopeful love songs anymore. It'll only give me false hope.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at naisipan kong lumabas ng kwarto dahil nakaramdam na akong gutom. Wala akong pasok ngayon kaya naman sa kwarto lang ako naglagi. Wala rin naman ako sa mood na gumala ngayon. I just want to be at home and feel cozy.

Sumilip muna ako sa hallway just to make sure na hindi ko masasalubong or makikita man lang si Mienard. Nagi-guilty ako sa inasta ko at nahihiya rin ako dahil nakita niya akong umiyak! Ilang beses nga niya tinangka na kausapin ako kaya lang ay hindi pa talaga ako ready.

Sumaglit lang ako sa kusina para kumuhang cereals, gatas, at wheat bread. Tapos dumampot na lang din akong ilang finger foods para hindi na ulit ako bumaba mamaya.

Pagbalik ko sa kwarto ay nagsimula na akong kumain. Na-trauma na rin akong magpalipas ng gutom. Ayaw ko na ulit ma-confine sa hospital.

Binuksan ko ang social media account ko. Nag-log in ako sa Facebook. Nagbasa ako ng feeds at mga drama sa buhay ng mga Facebook friends ko. Scroll and likes lang ang ginawa ko. There's nothing exciting or new on my Facebook. I checked my notifs too. Usually naman ay puro mentions and tags lang. Sobrang boring.

Napunta ako sa search section. I try to type a name but eventually, I stop doing it. Napa-iling na lang ako.

What's on your mind?

Iyan ang tanong sa akin ng Facebook. I started to type my answer.

Because of my selfish pleasure, everything is being ruined. I can't stop this dangerous full speed run...

Matapos ko itong mai-post ay nag-log out na lang ako agad. Ni hindi ko na nga pinansin ang mga nagcha-chat sa akin. Sumilip na lang ako sa Instagram ko. Kanina nag-picture ako ng magandang formation ng clouds and I want to post it sa IG ko.

Matapos ko itong mai-post, tinignan ko rin ang feeds ko. Click lang din ako nang click ng heart sa pictures na gusto ko then scroll. Mayamaya pa, natigilan ako sa isang picture at pinakatitigan ito. Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Ilang ulit pa nga akong napakurap.

I followed Drake on Instagram kaya naman kita ko ang posts niya, actually silang lahat except kay Vic kasi wala naman siyang any social media accounts. Hindi ko rin naman kasi magawang i-unfollow si Drake. Buti nga at hindi niya ako ni-block sa IG account niya kaya nakikita ko pa rin posts niya.

There, kasama na naman niya yung babaeng nakita kong kasama niya sa bar namin. Naka-akbay pa siya rito at naka-akbay din sa kanya yung babae that I believe the name is Jenni. Hindi lang naman silang dalawa ang nasa photo. Katabi rin naman nung Jenni si Avion at magka-akbay din sila. Si Braden ang may hawak ng camera kaya yung mukha niya yung nasa front at nakahilera naman silang lima sa likuran. Si Jenni yung nasa pinakagitna.

It was an awesome night!

Iyon ang caption sa photo niya. Madilim yung background nila pero kalat ang blue and pink lights sa paligid. Obviously, may gig sila nang araw na kunan nila ang picture na ito. And when is that day? Kagabi lang naman. Great!

Wild BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon