19
Nakatulala ako ngayon sa kawalan. Buong maghapon nakakulong lang ako sa kwarto ko. I don't want to go outside. My mind is full of questions and worries. Baka sakaling sa pagkukulong ko sa kwarto, mahanap ko ang kahit isa man lang na kasagutan sa mga katanungan at alalahaning tumatakbo sa isip ko.
I am so confuse! Sa sarili ko, kay Drake, at kay Collo! Hindi ko alam kung saan papunta ang lahat ng ito.
Lately, mas napapadalas ang pag-flutter ng puso ko kapag kasama ko si Drake. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko at sumasaya ako kapag kasama siya. Parang nakakalimutan ko yung guiltiness na nararamdaman ko t'wing kasama ko siya thinking na ginagamit ko lang siya para makapag-move on kay Collo.
Ngayon kasi, totoong saya na ang nararamdaman ko t'wing kasama ko siya. Yung totally na masaya at hindi lang dahil sa ginagamit ko siya para maka-move on and as a distraction.
Si Collo naman, yung nararamdaman kong pagmamahal sa kanya, hindi pa rin talaga mamatay-matay! Alam ko at talagang hindi ko naman dini-deny na may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero sinusubukan ko na talaga mag-move on. Okay na sana ang lahat, mas madali na sana ang lahat kasi nandiyan naman na si Drake sa tabi ko kaya lang, nililito niya ako!
Simula noong makita niyang hinatid ako ni Drake mula sa bahay, palagi na siyang nakabantay sa akin. Palagi niya akong pinapansin. Kahit palagi ko siyang sinusungitan, kinukulit pa rin niya ako. Nagugustuhan ko yung atensyong ibinibigay niya sa akin. Minsan hindi ko namamalayan, nakangiti na pala ako. Yung pader na itinayo ko para sa pagitan namin, unti-unti na naman niyang tinitibag.
Ngayon hindi ko na malaman ang gagawin ko. Sobrang nalilito ako. Hindi ko na kayang hiwalayan si Drake. Ayokong masaktan siya. Saka ayoko na rin siyang i-let go. Everything will be completely different without him. Tapos si Collo naman, kahit gustong-gusto ko na siyang i-let go, hindi ko naman magawa! Hindi ko alam kung paano. May nararamdaman pa rin ako sa kaniya.
Naiyak ako dahil sa frustration! Sino pa ang dapat kong sisihin ngayon sa kinasadlakan ko? Sarili ko ba? Ako ba may gawa nitong lahat sa sarili ko?
Natawa ako sa sarili kong mga katanungan. Syempre, kasalanan ko 'tong lahat kung bakit napunta ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala naman akong ibang dapat sisihin. My choice, my consequence.
If I didn't force myself to move on, will everything be different? In the first place, kung hindi ba ako nag-take advantage sa nararamdaman sa akin ni Drake, kung pinag-isipan ko bang mabuti ang lahat bago ko binigyan ng sagot si Drake, maiipit ba ako sa sitwasyong ito?
I can't let go them both!
Oo nga, boyfriend ko na si Drake, pero bakit may part sa akin na umaasang sana magkabalikan pa kami ni Collo? Ayokong maging gahaman pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I want to keep them both.
Wala sa sariling dinampot ko ang cellphone ko nang marinig ko itong nag-ring. I know base from the ringtone itself that the caller is Collo. May specific ringtone akong naka-assign para kay Collo at para kay Drake kaya naman alam ko agad kung sino sa kanilang dalawa ang tatawag.
Humugot akong malalim na paghinga bago ko pinindot ang answer button.
"H-hello?" Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa aking mata. Pinilit kong hindi magtunog garalgal ang boses ko.
"Where are you?" tanong niya sa kabilang linya. Ang husky talaga ng boses niya.
"Why?" tugon ko.
"You're not going here?" He asked. Ang tinutukoy niya ay sa bar namin.
"No."
"Are you okay? I heard from Mienard na masama raw pakiramdam mo?" The way he speaks, ramdam kong nag-aalala siya.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Fiksi RemajaHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.