32
Maingay, magulo, at nahihilo na ako. Hindi ko na rin sigurado kung nasaan ba talaga ako. Basta, kung ano lang yung una kong nadaanan na bar, pinasok ko na lang. Gusto ko lang magkapag-isip habang nilulunod ang sarili sa alak.
I'm a twenty year's old complicated woman with a lot in my mind. Kahit ako kung minsan naiinis at nalilito na rin sa sarili ko. Contradicting masyado ang inner self at alter ego ko. I don't know where to stand.
I take another shot of vodka at halos mabitawan ko ang shot glass na hawak ko nang ilapag ko ito sa counter dahil na rin sa tindi ng guhit nito sa lalamunan ko.
At this age, baka maging alcoholic na ako.
Walang masarap o masaya sa ginagawa kong pag-inom. Wala talaga. Sa lasa pa lang at sa aftermath ng pag-inom kong ito, parusa na. Yet, look at me. Nandito pa rin, umiinom at nagpapakalunod sa alak.
I want to move on
Not realizing I was moving too slow
Tried to hang on but there was nothing left for me to holdNapangisi ako sa unang lyrics pa lang ng kantang tumutugtog sa lugar na ito. Nice song. Para akong binabato ng kanta.
I'm in this fck up and complicated situation because of myself. I just want to move on but I was moving too slow. Kinailangan ko pang gumamit ng ibang tao para lang gawin iyon. Now, there was nothing left for me to hold. Wala na talaga. I let it go, all of it.
Bago pa mas maging complicated ang lahat, I tried fixing it. Ayaw ko nang mas maging malala pa ang situation na kinasasangkutan ko. I'm not the only one involved after all. Okay lang sana kung ako lang mag-isa ang maapektuhan. Parusa ko na rin sa sarili ko. Kaya lang, may iba pang madadamay. May iba pang masasaktan.
I already gave my answer to Collo when he went to our house, when I ran to him, when I hugged him, when I cried in his arms. I already gave him my answer.
I let him go together with all the lingering feelings and memories I have for him.
Wala na kasi talaga. Matagal ko na iyon na-realize at ayaw ko lang talaga tanggapin kasi may panghihinayang pa rin ako. Kasi nasasayangan pa rin ako. Kasi nandoon pa rin yung what-if's ko. Like, kung mas maaga sana niyang sinabi ang lahat, yung totoong nararamdaman niya all this time masaya sana kami ngayon. Hindi sana ganito ka-complicated. Hindi sana ako nasaktan, hindi sana ako nakasakit. But I needed to accept it. Wala na talaga.
Naisip ko, if I turned a blind eye again, kung tinanggap ko ulit si Collo, will I be totally happy? It's haunting me and I know the answer to that question. No. Hindi ako magiging masaya. I will be more miserable. We will be both miserable.
Wala, eh. Drake already has my heart. Nagawa niyang pagdikit-dikitin itong muli. He's my band aid. He's my glue. I'm broken without him. I'm wounded without him.
The sad thing is, naka-move on na siya at may bago nang girlfriend. Ang gaga ko kasi. I took him for granted. Ginawa kong panakip bukas. It was too late for me to realize how much he means to me.
Look at me now. Naka-move on na nga ako kay Collo pero nasa panibagong process na naman ako ng pagmu-move on. Wala na bang katapusan ang pagmu-move on ko sa mga failed relationship ko?
It's such a shame that you can't
Be with me tonight
I'm spinnin' round in cycles
Hope you change your mind
Before the show is overBut I don't have any right to complain. Kasalanan ko naman kung bakit naghanap siyang iba. Wala na rin akong plano makisawsaw. This is the decision that I made. Kinaya ko naman noon kay Collo. Sana kayanin ko rin ngayon kay Drake.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Teen FictionHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.