22
"Break, tingin mo kamusta si Pinky sa kanya? Tinapon na kaya niya? Sana pala hindi ko na kayo pinaghiwalay ni Pinky, 'no? Dapat magkasama kayo ngayon." Nakahiga lang ako sa kama habang kinakausap ang teddy bear na si Break. Yakap ko siya at marahan ko pang hinihimas-himas.
"Saka, bakit pala Break ang ipinangalan ko sa'yo?" Tinitigan ko ang teddy bear na si Break na tila umaasang sasagot siya sa mga tanong ko.
I sighed and I keep staring at the ceiling. My memories scatter like smoke and I can still remember the day that Drake broke up with me. It hurts, it makes my heart sick.
He's right. All that he said was right. I thought break up would never come to us but it came to me secretly and so easily. Love silently left me. I took him for granted.
Sumasabay pa sa mood ko ang panahon. Malakas ang ulan sa labas dahilan para lalo lamang akong malugmok. I wonder why rain makes people feel lonely.
I miss Drake at times like this. He never makes me feel lonely. I never really had a big fight with Drake because he's so understanding.
I wonder how it feels like to scream and fight and kiss in the rain with Drake like what Taylor Swift said on her song, That's The Way I Loved You.
I can't help but to feel more sad. I hope he is doing okay right now.
Tinignan ko ang oras sa bedside table ko at nakitang 2a.m na pala ng umaga. Tinignan ko si Break at niyakap siyang mahigpit.
"Drake..." I can't help but to whisper his name.
Then the next thing I knew, I was already sleeping.
**
"Ano?! Break na kayo ni Drake?! Bes, hindi mo pa nga nasabi sa akin na kayo na tapos ngayon ang ibabalita mo sa akin, break na kayo?" bulalas ni Judie nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Drake. Hindi ko na rin naman kasi kayang kimkimin lahat. Para na akong mababaliw.
"Bes, yung boses mo naman. Ano? Gusto mo bang abutan kitang megaphone?" asik ko sa kanya. Pinandilatan ko siyang mata at sinenyasan ko siyang h'wag maingay.
Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop malapit sa school. Kakatapos lang parehas ng classes namin kung saan hindi kami magkaklase. Napagpasyahan lang namin na sa lugar na ito kami magkita para nga maka-usap ko rin siya at makapag-share sa kanya.
Tinignan ko ang paligid at nakitang marami kaming schoolmates na nandito. Ayoko namang may makarinig ng usapan namin. Kilala sa buong campus ang banda nila Drake. Baka mamaya may iba pang makarinig sa amin at magkalat ng kung anu-anong rumors.
"Kasi naman, mas nauna mo pang i-kwento yung breakup n'yo. May hint na rin naman akong may something sa inyo dahil halatang-halata ka. Kaya lang, ayaw ko naman na pangunahan ka kaya naghintay akong magkwento ka sa status n'yong dalawa." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kaya lang ito ngayon yung ibabalita mo? Break na kayo."
Napangiti na lang ako sa reaction niya. Parang ang laki ng ipinagkait ko sa kanya. Nakonsensya tuloy ako. Best friend ko siya tapos masyado akong malihim sa kanya. Saka lang ako nagshi-share kapag hindi ko na kayang i-handle.
"Ikaw naman, bes. Kinwento ko na nga, 'di ba? Oo, naging kami pero wala na, break na kami ngayon." Pinakatitigan niya ako kaya naman napaiwas akong tingin. Alam ko na kung saan papunta 'to.
"Ba't kayo nag-break?" seryoso niyang tanong. Napayuko ako. Ginalaw-galaw ko ang straw nitong in-order kong caramel frappe. "Dahil kay Collo, 'no?"
Napahinto ako sa paggalaw ko sa straw nitong caramel frappe ko at sinimulan itong inumin hanggang sa mabilaukan ako. Nagpipigil na naman kasi akong maluha.
"I didn't mean to hurt Drake. I admit, at first I used him to forget or to move on from Collo but it was unintentional," I explained. Binalot na naman ako ng guilt.
Nakita kong napa-iling si Judie at napahugot ng malalim na buntong-hininga. She looks at me with sincere eyes tapos hinawakan niya ang kamay ko.
"Bes, no offense 'tong sasabihin ko, ah. Wala akong kinakampihan or what pero kasi, kahit hindi mo sinasadya, kahit unintentional pa 'yan, you still hurt him, you still used him. Alam mo namang pinagdaanan ko na rin yung gan'yan, 'di ba? Yung pakiramdam na parang nagamit? Believe me, bes. Sobrang masakit sa feeling, mabigat. Lalo na kung alam mong ginawa mo ang lahat, yung tipong wala ka namang kasalanan, nagmahal ka lang pero bakit sa lahat ng pwedeng makaranas no'n, ikaw pa?"
"I don't want to be the bad girl here. Nasasaktan din naman ako sa nangyari, e. Nasaktan ko siya, nakasakit ako and I regret it. Gumamit pa akong ibang tao para lang pagtakpan yung sugat dito." Itinuro ko ang dibdib ko. "Hindi ko alam kung kelan pa ba 'to gagaling. Pagod na rin ako, bes. Ni hindi ko na nga alam kung para saan pa ba yung sakit na nararamdaman ko. I already knew Collo's reason kaya bakit? Bakit masakit pa rin?" Hindi ko na napigilang maiyak.
Tumayo sa kanyang inuupuan si Judie at tumabi sa akin. Niyakap niya ako at inalo. Ayoko sanang maiyak sa harap niya pero yung luha ko hindi nakikisama. Ang masaklap pa, imbes na tumahan ako, lalo lang akong naiyak sa ginagawa ni Judie.
Drake became my band aid. Kung sa sugat pa, siya yung band aid ko. Nakatulong siya para tumigil sa pagdurugo yung sugat o kaya para matakpan yung sugat. Then, dahil overuse na, nawalan siyang dikit. Ayaw na nitong dumikit sa sugat. Nang matanggal ito, yung sugat hindi naman gumaling. Tinakpan lang nito yung sugat at namaga ito.
"I don't know what to say. Hindi naman ako yung nasa kalagayan mo, Mieann, kaya mahirap magsalita. Sinabi ko lang yung insight ko kanina. Wala naman kasing ibang magsasabi no'n sa'yo kundi ako lang. Basta, always remember nandito lang ako, okay? You can cry on my shoulders." She's tapping my back and it's comforting. Though hindi ko pa rin mapigilang maiyak.
Kung noong una pa lang sana naging honest na ako kay Drake, kung hindi ko lang sana minadali ang lahat ng process ng pagmu-move on ko, kung mas nagtiis pa sana ako, hindi siguro mas naging kumplikado ang lahat. I guess this is the aftermath effect of a rush decision.
"Thank you, bes," tangi ko na lang nasabi. Pilit akong ngumiti.
**
Ilang oras pa kaming magkasama ni Judie. Nagliwaliw kami. Naglaro kaming dalawa sa arcade na parang mga high school students. I even convince her to dance with me sa dance kinetic. This is not so Judie. Pwede talaga itong matawag na himala. Napilit ko siyang magsayaw. Tawa ako nang tawa habang sumusunod kami sa dance steps sa monitor. Wala siyang tamang nasasayaw.
"Sige, tawanan mo pa 'ko. Iwanan kaya kita rito?" banta niya habang nakatutok sa monitor at pilit na sumusunod sa dance step.
"O-okay, h-hindi na," sagot ko sa pagitan ng pagpipigil ng tawa.
Sa huli, hindi ko pa rin napigilan ang matawa. Nilingon niya ako kaya pinaglapat ko mga labi ko. Akala ko nainis na talaga siya pero nagulat ako nang bigla rin siyang matawa at muling nagsayaw. Hindi ko na rin tuloy napigilan na muling matawa.
After mga 30 minutes, natapos na naming sayawin yung mga na-select naming mga dance steps. Naupo kami sa isa sa mga upuang nandito at uminom ng tubig.
"Nakakapagod, bes," reklamo niya.
"Magaling ka pala sumayaw, bes?" pang-aasar ko.
"Iniinsulto mo ba 'ko, Thea Mieann?" Nag-peace sign ako sa kanya. "Last ko na 'to. Hindi na talaga ako uulit. Naku, pasalamat ka—"
Hindi ko na pinatapos sasabihin niya. I hug her. "Thank you sa pagdamay. Napagaan mo loob ko kahit papaano."
She hugs me back. "What friends are for? Ikaw talaga. Don't feel so lonely, okay? Nandito naman ako, e."
"Kabahan na si Nick sa love team natin, bes." biro ko sabay tawa.
"Hindi 'yon papayag, bes." ganti niya sabay tawa.
Natawa na lang ako. Yung tawa na hindi abot sa mata— hindi tagos sa puso. I want to be completely happy. I don't want to feel lonely anymore.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Fiksi RemajaHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.