AFTERMATH EFFECT

53 9 13
                                    

26

Nagising akong masama ang pakiramdam. Mahilo-hilo ako at may runny nose pa. Feeling ko lalagnatin ako. Epekto siguro 'to nung nangyari kagabi. Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala na naman ang nangyari.

"I'm safe now. Hindi na ulit mangyayari yung kagabi," I said, assuring myself bago nagpakawala ng mahabang paghinga.

Binalewala ko na lang itong nararamdaman ko. Ligo lang naman ang katapat nito. Mawawala rin 'to pagkatapos kong maligo. I shouldn't be thinking about what happened last night. I'm safe now. All thanks to Drake.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang malapit na mag-9am. May class pa nga pala ako kung saan kaklase ko si Judie at Tin.

Kaagad na akong pumasok ng banyo at naligo.

**

Nadatnan ko ang mukhang kulang din sa tulog na si Mienard matapos kong maligo at makapag-ayos. Kaming dalawa lang ang nasa dining area. Nakahanda sa lamesa ang breakfast namin.

"Sila Daddy?" tanong ko. Tamad akong tinignan ni Mienard.

"Guess what is the time now, my little sister and you will find the answer," bored niyang sagot sa akin. Napa-irap na lamang ako. Pwede naman niya sabihing umalis na sila ang dami pang dinadaldal.

"Whatever, Mienard," tugon ko sa kanya sabay upo sa katabing chair. Dumampot ako nang toasted bread.

"Nagtatanong ka pa kasi, alam mo naman ang sagot. Tanghali na kaya. Malamang nasa company na sila," sagot niya pagkatapos ay kumagat ng hotdog.

"Gan'yan na lang sana sagot mo sa akin kanina. Ang dami mo pang paligoy, eh."

"Alam mo na rin naman ang sagot nagtatanong ka pa."

"Just wanna make sure," tipid kong sagot at inabala ko na ang sarili ko sa pagkain.

"Maiba ako, ba't hindi ka na nagpapakita sa rehearsals namin?" Saglit akong natigilan at napahinto sa pagkain bago ko siya sinagot.

"Ano naman gagawin ko do'n, 'no? Hindi naman ako part ng banda n'yo. Saka isa pa, marami akong natambak na paperwork tapos, hello! Nag-aaral pa po ako."

Pinakatitigan niya ako sa naging sagot ko sa kanya. Sumeryoso pa nga ang mukha niya. Napakunot na lang akong noo sa ginagawa niya. Mukha siyang mad scientist sa paningin ko na pinag-aaralang mabuti ang specimen niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya, walang suklay-suklay. Who would have thought na ganito kapangit sa umaga ang mapormang si Mienard?

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Sanay na rin naman ako sa mga style niyang gan'yan. If I know, mang-aasar lang 'yan. Kesyo may muta pa ako, may bakas pa ng laway at kung anu-ano pang balahurang komento. Makapam-bwisit lang.

"Anong meron sa inyo ni Collo?" biglang tanong niya kaya naman nasamid ako sa kinakain ko. Agad kong dinampot ang tubig na malapit sa akin at ininom ito

"Ha? Grabe, pati si Kuya Collo i-idadamay mo, m-mapag-trip-an lang ako," nauutal ako sa pagsagot dahil bukod sa ramdam ko pa ang pagkasamid ko, mukhang seryoso yung tanong sa akin ni Mienard.

Tumuwid siyang upo at binitawan ang spoon and fork na hawak niya. Bigla tuloy akong na-tense. Seryoso nga siya at hindi lang nagbibiro.

"Mabuti nang magkalinawan tayo. Alam mong best friend ko siya pero tutol ako kung magiging magka-relasyon kayo."

Napatitig ako sa sinabing 'yon ni Mienard. What's with his deal? Bakit ito yung topic namin? Alam ko naman na ayaw niya talagang maging karelasyon ko si Collo. Iyon nga yung isa sa dahilan kung bakit kami nagkahiwalay, 'di ba?

Wild BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon