23
"If you love people at the same time, choose the second because if you really love the first one, you wouldn't have fallen for the second."
-Johnny Depp
Tumatak sa akin ang nabasa kong 'yon sa isang website. Para itong isang lyrics ng kanta kung saan ay na-LSS ako at patuloy itong tumutugtog sa aking isipan.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Pakiramdam ko ang liit-liit ng mundong ginagalawan ko. Hindi ako makahingang maayos.
Litong-lito na ako. Nakakainis. Bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko? Why am I stuck in the past and remains in the present? Does it make sense? It's definitely my heart and my feelings but why don't they listen to me? At this point, I'm just a fool. I'm like a stranger in my own self.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at lumabas ng kwarto. I decided to eat. I want to divert my attention. Kung palaging ganito ang gagawin ko, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin.
Pagbaba kong sala, nadatnan ko si Mienard na may kausap sa phone. Parang may katalo siya sa kabilang linya. Napa-iling na lang ako. Mukhang may LQ na naman sila ng girlfriend niya. Hay, isa pa siyang dakila. Pwede na siyang maging bayani sa pagiging martyr niya.
Mieann, hindi naman ako bayani.
Napapikit na lang akong mariin nang muli kong maalala ang sinabing 'yon ni Drake. Parang naririnig ko pa rin yung boses niya habang binibitawan ang mga katagang iyon sa akin.
Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas mula nung maghiwalay kami at ni anino niya, hindi ko pa nakikita man lang. Siguro mas mabuti na rin yung ganito. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.
Isa pa, mahigit isang linggo na rin ang ginagawa kong pag-iwas kay Collo sa bar t'wing may tugtog sila. This is the best thing that I can do for the three of us.
Dumiretso na lang akong kusina at naghanap ng pwedeng makain sa ref. Gutom ako dahil wala akong matinong kain. Wala kasi akong gana sa pagkain.
Nang buksan ko ang double door ref, yung ice cream agad ang unang bumungad sa akin. Tinignan ko ang flavor at nakitang rocky road ito. Chocolates, sweets, I need it. I'm totally stressed. Kailangan kong stress reliever.
Kumakalam man ang sikmura ko sa gutom, yung ice cream pa rin yung dinampot ko. Mamaya ko na lang poproblemahin ang tiyan ko kapag sinikmura na ako.
Nasa bungad pa lang ako nang sala, rinig ko na ang boses ni Mienard. Imbes tuloy aakyat akong muli sa kwarto ko, pinili kong tumambay na lang muna sa sala. Naupo ako sa couch at binuksan ang ice cream na dala ko. Sumubo agad ako nito at nakita ko pa ang pagtingin sa akin ni Mienard. Nagpatay-malisya na lang ako.
"Eh, bakit kasi hindi mo sinasagot yung mga calls and texts ko sa'yo?" rinig kong sumbat ni Mienard.
Hindi ko alam kung ano na naman ang pinag-awayan nilang dalawa. Mukha na namang frustrated si Mienard. Basta talaga girlfriend na niya, ang dali lang niyang tumiklop.
"Ilang beses akong nag-text sa'yo, 'di ka nagri-reply. I got worried so I called you but you didn't answer it. Hindi ka man lang nagpaalam kung anong gagawin mo." Patuloy ako sa pakikinig habang kinakalikot itong ice cream. Wala rin naman pakialam si Mienard sa presence ko rito. Sa kausap niya lang siya naka-focus.
Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Mienard sa girlfriend niya, e. Palagi itong busy. Si Mienard laging gumagawa ng paraan para magkaroon silang oras. Siya lahat yung nagi-effort. Siya palagi nagpapasensya.
Ewan! Basta, imbierna ako sa girlfriend niya. Parang hindi ko siya matatanggap na maging sister in-law ko. Kung minsan napapa-isip ako kung masaya pa ba silang dalawa sa relasyon nila. Ang toxic na kasing tignan.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Novela JuvenilHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.