33
Avion insisted to drive me home nang sabihin kong uuwi na ako. Tumanggi ako sa gusto niya at nagdahilan na may susundo sa akin kahit wala naman talaga. Binalak pa nga niya akong ihatid hanggang parking lot kaya lang ay umayaw din ako. Ayoko lang na makaabala pa. Saka may dala naman akong sasakyan. Kaya ko pa naman siguro mag-drive. I guess. Ayoko naman magpasundo kay Mienard at baka masermonan pa ako o kaya'y mag-usisa.
Medyo nawawalan akong balance sa paglalakad ng tuwid. Gumigewang ang paglalakad ko gawa ng pagkahilo. I press my key holder para tumunog yung sasakyan kong hindi ko na alam kung saang lupalop ko ba ipinarada kanina.
Nang makita kong tumunog at umilaw ang isa sa mga sasakyang nakahilera ay pinuntahan ko talaga ito agad kahit pa hirap akong maglakad ng tuwid. Nagdodoble na ang paningin ko tapos namumungay na ang mga mata ko. Inaantok na ako!
Umiling-iling ako at pilit na pinalaki ang aking mga mata para mas ma-focus ako sa paglalakad. Gosh, maka-uwi kaya akong safe ng ganitong lagay? I'm drunk. I don't think I can drive.
Kulang na lang ay yakapin ko ang buong kotse ko nang marating ko ito. Napadukdok ako nang ilang minuto sa bubong ng kotse ko para maibsan ang pagkahilo ko. Para na ring hinahalukay ang bituka ko. Napatakip agad ako sa bibig ko at madaling binuksan ang pinto ng kotse. May tubig ako sa loob.
Agad akong naupo sa driver seat at dumukdok sa manibela. Hindi ko kayang mag-drive. I should call someone to pick me up or drive me home.
Kinuha ko agad cellphone ko sa purse at agad na pinindot ang contacts. Pangalan ni Drake ang agad na pumasok sa isip ko kaya naman pagkakita ko pa lang sa pangalan niya, pinindot ko na agad ang call button kahit na nagkakandaduling na ako.
Saka ko na lang na-realize yung kagagahang ginawa ko nang mag-ring na yung number. This alcohol in my system makes me do impulsive things.
Shet, bahala na nga! I'm drunk anyway. Lulubusin ko na lang 'tong pagkakataon na 'to habang matapang pa ako.
Tatlo? Apat na ring? I lost count. Basta ilang ring muna ang narinig ko sa kabilang linya bago ko narinig na sinagot na niya ang tawag ko. Muntik ko na ngang patayin yung call. Buti na lang sinagot niya.
Tahimik lang sa kabilang linya kaya naman ako na ang naglakas ng loob na unang magsalita. Nanatili akong nakadukdok sa manibela.
"H-hello?" pagbati ko nang halos pabulong. I gulped. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"Mm?" Iyon pa lang ang narinig ko halos tumalon na ang puso ko. I miss his voice.
"I miss your voice," wala sa sariling bulalas ko. I don't know if I already sound gruff. Halos hindi ko na makilala ang boses ko.
Fck the curse of being drunk.
"Are you..." Narinig ko ang bahagyang pagtikhim niya bago muling nagsalita. "Drunk?"
"Luh? Halata ba?" parang tangang sagot ko. Letse, nabobobo akong makipag-usap sa kanya. All I want is to hear his voice.
"Nasaan ka?" Why does he sound serious? Nagalit yata siyang tinawagan ko siya.
Iginala ko ang paningin ko bago siya sinagot. "Parking lot?"
"What?!" Tumaas yung tono niya sa kabilang linya. "Saan? Sinong kasama mo?"
Para namang nilulukot yung puso ko. Nakakaabala pa yata ako sa kanya. Dapat pala hindi na lang ako tumawag. Kaya lang kasi, gusto ko marinig boses niya. Gusto ko siyang makita. I feel so frustrated!
"You..." Shet, ba't umiiyak na ako?! Agad ko itong pinunasan na para bang makikita niya akong umiiyak. "G-galit ka ba? Nakakaabala ba ako sa inyo ni Jenni? Busy kayo? I'm sorry for interrupting you guys. I just... I just miss you, Drake." Tuluyan na akong humagulgol. Shit this damn alcohol effect makin' me feel so emotional!
"Nasaan si Collo?" Binalewala lang niya yung sinabi ko. I said I miss him. Hindi niya ba ako na-miss? Lalo akong naiyak.
"Why are you asking kung nasaan siya?! The hell I know where is he right now!" sagot ko. I can't help but to yell. I'm frustrated and hurt and I want to see him. "Can't you come? I want to see you." Halos pabulong na ang pagkakasabi ko, nakiki-usap. Para akong bata na pahikbi-hikbi. "I miss you, Drake so much."
"Huwag ka na umiyak." His voice is softer now. It's still serious but it's softer. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."
"T-talaga?! Hindi magagalit si Jenni?" paniniyak ko.
Napapahikbi pa rin ako pero pinipigilan ko na. Pinunasan ko rin ang luha ko. I can't believe I'm crying because of this. But I can't help it. I can't. Para akong malulunod sa emosyon ko kung hindi ko ito i-express. I needed to breathe this out.
"I'm not with her. So tell me, nasaan ka?" Muli kong nilibot ng tingin ang parking lot kung nasaan ako. I can't even remember the name of this bar.
"Nasa parking lot nga. Parking lot," pag-uulit ko.
"Maraming parking lot, Mieann. Where exactly?"
"Ewan ko k-kung saan 'to. Nakalimutan ko. Basta n-nasa bar ako, sa parking lot." Narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga sa kabilang linya.
"Okay, okay. I'll come and get you. Don't even think of driving alone. Hintayin mo ako r'yan. Pupuntahan kita." Tumango-tango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Mm, 'kay. I'll wait. I'll wait, Drake." Ilang segundo makalipas ay namatay na ang tawag.
**
Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka-idlip. Naramdaman ko na lang na may kumakatok na mula sa labas. Inaninag ko kung sino ito mula sa bahagyang nakabukas na bintana nitong kotse.
"D-drake?" alanganin kong tanong. Baka nagha-hallucinate lang ako ngayon dahil nami-miss ko siya.
"Open your car," he said. Nang bubuksan ko na ang pinto, naramdaman ko naman na parang paakyat sa lalamunan ko lahat ng kinain ko. Parang biglang hinalukay ang bituka ko.
Madali kong binuksan ang kotse at agad na lumabas at nagtakip ng bibig dahil feeling ko, anytime susuka na ako. Pumwesto ako sa gilid ng sasakyan ko at doon ay hindi ko na napigilan pa ang masuka.
"Hey, hey, you okay?" Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Drake sa likod ko. Bigla rin niyang inayos yung buhok ko at inipit ito gamit ang kamay niya para hindi ko masukahan pati buhok ko.
Mangiyak-ngiyak ako matapos kong magsuka. Kahit papaano ay umayos-ayos ang pakiramdam ko. Inabutan ako ni Drake ng tubig na agad ko namang ininom.
"Feeling better?" Tumango-tango na lang ako. Inalalayan niya akong makapasok sa front seat. He bended my seat more para makahiga ako. Hinubad din niya ang suot niyang jacket at ipinatong ito sa hita ko. Naka-maong shorts nga lang pala ako.
Nakita ko ang pag-ikot niya papuntang driver seat. Pag-upo niya roon ay kinabitan niya akong seatbelt. Pero bago pa man siya tuluyang humiwalay sa akin ay niyakap ko siya sa bandang leeg. Natigilan siya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Our eyes lock.
"I miss you so much, Drake." Feeling ko para akong maiiyak ulit habang sinasabi 'yon. I feel like my heart is swelling.
Matagal niya akong tinitigan. Sobrang seryoso. Napapikit ako. If he's gonna kiss me now, I'm so willing to accept it.
Ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong naramdaman kaya naman nagdilat akong muli. Nakita kong bumuntong-hininga siya at saka umiwas ng tingin at unti-unting lumayo sa akin.
"You're drunk. Iuuwi na kita," malamig na tono ng pananalita ang binitiwan niya.
Tinitigan ko siya pero hindi na niya muling binalik ang tingin niya sa akin. Ini-start na niya ang sasakyan. Itinikom ko na lang din ang bibig ko at ibinaling sa may bintana ang aking ulo at saka mariing pumikit.
I'm just drunk but I'm not a liar. I really miss you, Drake. Don't you believe it?
Yes, he's beside me right now but why did I miss him even more?
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Teen FictionHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.