24
"Iniiwasan mo ba ako?" kompronta sa akin ni Collo. Hindi agad ako nakasagot.
"Is that a big deal now? Noon grabe kung ipagtabuyan mo ako palayo tapos ngayong umiiwas na ako sa'yo, gan'yan ibibigay mong reaction?" mapait kong sumbat. Hindi siya naka-imik.
Para kaming naglalaro ng push and pull dito. Kung kailan ako napagod na sa kakahabol sa kanya saka naman niya ako babalikan. Tapos ano? Kapag alam niyang humahabol na naman ako sa kanya, iiwanan na naman niya ako.
"You know what, pwede mo akong hindi ihatid. I can manage myself," masungit kong anas sa kanya. Narinig ko siyang natawa.
"You can manage yourself? Hindi ka na nga makapaglakad ng straight," sarcastic niyang sambit.
"Are you mocking me, Nicholson?!"
"Mocking you? Nagsasabi akong totoo, Mieann."
"Whatever."
"Whatever din. Ihahatid kita sa inyo."
Hindi na lang ako umimik pa. Ayaw ko nang makipagtalo dahil masakit na talaga ang ulo ko. Ngayon na umi-epekto sa akin ang Bacardi na nainom ko.
Nang nasa parking lot na kami, nagtaka ako nang ilahad sa akin ni Collo ang palad niya. Tinaasan ko siyang kilay dahil doon.
"What are you doing?"
"Susi mo?"
"Wala ka bang dalang sasakyan? Why are you asking for my key? It's mine."
Napakamot siya sa ulo niya at nagulo ang mahaba-haba na niyang Mohawk hair.
"Hirap naman makipag-usap sa lasing, oh," bulong niya pero narinig ko naman.
"Lasing?! Excuse me, hindi ako lasing! Naka-inom lang ako pero hindi ako lasing. Kaya ko pang mag-drive," depensa ko. Umiinit na ang ulo ko.
"You're still drunk and I won't gamble your safety just because you don't want me to drive you home!" Natameme ako. Now he's mad and serious. "Susi mo?" I can sense the authority in his voice. Para akong naging isang maamong tuta na walang nagawa kundi ibigay ang susi ng kotse ko sa kanya.
Katahimikan ang bumalot sa amin nang nasa loob na kami ng sasakyan at nagda-drive na siya. Dapat nga sa back seat ako uupo kaya lang ay umalma siya. Wala na naman akong nagawa kaya heto, nandito rin ako sa front seat katabi niya. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa saradong bintana ng kotse at pumikit. Namimintog na ang ulo ko. Buti nga at this rate, hindi pa ako sumusuka.
"Ayos ka lang ba? Gusto mong stop over muna tayo?" biglang tanong niya. Umiling ako.
"No, I'm good. Kaya ko pa," sagot ko habang nanatiling nakapikit.
"I-lean backward mo na lang kaya yung seat mo para mas kumportable ka?"
Ungol lang ang naging response ko. Pati pagsasalita, nawawalan akong gana.
Naramdaman kong nag-pull over siya pero dahil nga hilo ako at sobrang bigat ng talukap ng mata ko'y hindi ko na lang siya pinansin. Inayos ko na lang pagkakasandal ko sa bintana nitong kotse.
Walang anu-ano'y inilayo niya ang nakasandal kong ulo sa bintana at inalalayan ako. Naramdaman ko ring inayos niya ang pagkaka-bend ng seat ko para makahiga ako rito.
Nang ma-adjust na yung seat ko ay dahan-dahan niyang inayos pagkakahiga ko rito. Inayos niya rin ang seatbelt ko. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata na agad ko namang pinagsisihan. Sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa. Natigilan siya sa paglalagay ng jacket niya sa katawan ko.
Damang-dama ko ang mabibigat niyang paghinga. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kami sa gano'ng posisyon. Basta, nagtitigan lang kami. Para kaming nagko-contest sa patagalan ng pagtitig sa isa't-isa.
Mayamaya pa'y sumuko siya. Tumikhim siya at lumayong bahagya sa akin. Nakita ko pang pinindot niya yung tungki ng ilong niya. Hinilot-hilot pa niya yung batok niya.
"Uh, just... I just want to make sure y-you're comfortable," utal-utal na paliwanag niya. "I'll drive now."
Ini-start niya ang engine at muling pina-andar ang sasakyan. Pinakiramdaman ko ang puso ko― malakas ang tibok nito. Tinignan ko ang jacket niya na ngayon ay nasa akin. Ayoko man mangiti ay hindi ko napigilan.
**
Nagising ako sa ilang beses na pagyugyog na ginawa sa akin. Pumitik agad ang sakit ng ulo ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapa-ungol at mapahawak sa aking ulo.
"Hey, kaya mo pa ba? Nandito na tayo sa inyo," anunsyo ni Collo kaya naman bahagya kong sinilip ang paligid. Nasa garahe na kami ng bahay namin. Muli akong napikit at inayos ang pagkakahiga ko. Bahagya kong inangat ang jacket na nagsisilbi kong kumot.
"Okay, thanks. Just leave me here," sagot ko at sinenyasan ko pa siya nang pagtaboy.
Naramdaman kong hindi pa rin siya umaalis kaya naman dumilat ako at nakita ko siyang titig na titig sa akin.
"This won't do. Kapag iniwan kita rito, baka ma-suffocate ka. Dadalhin na kita sa kwarto mo." Para namang nawala yung antok ko sa sinabi niyang 'yon.
"W-what?!" bulalas ko.
Hindi na niya ako sinagot. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at binuksan yung door sa side ko. Pinwesto niya ang kaliwang braso niya pailalim sa hita ko at ang kanang kamay naman niya sa bandang likod ko. Nanlaki ang mata ko nang walang anu-ano'y buhatin niya ako. Hindi ko tuloy napigilang mapatili.
"Hey, y-you don't have to do this! I-I can walk on my own."
"No, you can't."
"Yes, I can. So, ibaba mo ako."
"H'wag na matigas ulo mo, Tei."
Natameme ako at nag-iwas ng tingin. Nakita ko pa ang pag-reflex ng mga braso niya. He called me that endearment again.
Tei...
Noon, gustong-gusto kong marinig muli ang salitang 'yan na itawag niya sa akin. Ngayong muli ko itong narinig, imbes na sumaya, nalungkot ako.
Naramdaman yata niya na biglang naging awkward ang lahat kaya naman tumikhim na lang siya.
Pagpasok namin sa loob, sumalubong sa amin si Yaya Nita. Mukhang alalang-alala siya sa akin. Nanatili lang akong nakapikit dahil kapag idinilat ko ang mata ko, umiikot lang paningin ko.
"Sir Collo, ano pong nangyari kay Ma'am Mieann? Naku po. Alam na ba 'yan ni Sir Mienard?" taranta niyang tanong.
"She's drunk. She can't walk alone. Don't worry po. I already told Mienard about this. Ihahatid ko lang po siya sa kwarto."
"Ay, ganoon ba? Naku. Sige, ihatid na natin siya sa kwarto."
Sinundan kami ni Yaya Nita paakyat. Naka-alalay siya kay Collo. Muli akong nakaramdam ng hilo at nanatili lang akong nakapikit. Ewan ko rin bakit ginagawa nilang big deal 'to. Kung tutuusin, kaya ko naman talagang maglakad.
"Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Yaya Nita nang marating na namin ang kwarto ko. Narinig ko pa ang pagsara ng pintuan.
Nakapikit pa rin ako at pinapakiramdaman siya. Buhat pa rin niya ako. Kahit nakapikit, alam kong nakatitig siya sa akin.
Mayamaya pa'y naglakad na siya. Dahan-dahan niya akong inihiga sa aking kama. Inayos niya ang posisyon ko at kinumutan ako. Akala ko aalis na siya pagkatapos nito pero hindi pa rin pala.
Naring ko ang pagkawala niya nang buntong-hininga at naramdaman kong inalis niya sa aking mukha ang hibla ng mga buhok kong nakasabog sa mukha ko.
"I'm sorry. I love you," bulong niya ngunit dinig na dinig ko naman. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko.
Pakiramdam ko'y natigil saglit ang paghinga ko. Parang ayokong huminga. Ayokong maramdaman niyang gising ako.
Ilang sandali ang lumipas at naramdaman ko na ang pag-alis niya. Nang marinig kong tuluyang sumara ang pinto ay saka ako nagpakawala ng mahabang paghinga.
What was that all about? Am I hallucinating because I'm drunk?! Why is he acting like that again? Why does he making it all hard for me?
Hindi ko namalayan, naiiyak na naman ako. Nahagip ng tingin ko si Break at lalo lang akong naiyak.
Can somebody tell me kailan pa mauubos ang luha ko? I'm really tired from crying.
BINABASA MO ANG
Wild Beat
Teen FictionHow can you move on when you're still in love with him? Malaking katanungan din kay Mieann kung paano siya makaka-move on kay Collo, ang best friend ng kuya niya. Until she meet Drake, the drummer of the band Out of Control.