5: Library

1.1K 49 28
                                    

Third person's View

Takbo.

Patuloy ang pagtakbo ng isang lalaki sugatan. Madaming bubog ang nakabaon sa kanya ngunit iniinda na lamang niya ang sakit upang matakbuhan ang salarin na gumawa sa kanya neto. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo at unti-unti na ring nanghihina kaya minabuti na lamang niyang magtago sa isang puno upang magpahinga.

Bigla na lamang nakarinig ang lalaking sugatan ng mga yapak hudyat na may taong naglalakad at hindi lamang siya ang natatanging tao na naroon.

"Stupid, sa susunod 'wag mong iiwan ang dugo mo kung saan-saan ha? Para sa susunod hindi ka makikita." Sabi ng salarin habang nakangisi.

Naglakad siya papalapit kung saan nagtatago ang lalaking sugatan at kanina pa nanginginig dahil sa tindi ng kanyang takot.

Tumayo ang salarin sa harap ng lalaking dilat na dilat ang mga mata at nanghihina ang mga tuhod.

"Yun ay kung may susunod pa." Sabi ng salarin at inilabas ang kutsilyong kanina niya pa itinatago.

"Pa-pakawalan mo na ako! Maawa ka sa akin! Oo, nagkamali ako pero hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Maawa ka sa akin! 'Wag mo akong papatayin!" Pagmamakaawa ng lalaki na lumuhod pa sa harap ng salarin.

"You know what? I wanna play with you." Sabi ng salarin at bahagyang itinago ang hawak na kutsilyo.

"Parang awa mo na! 'Wag mo akong papatayin!"

Biglang nanlaki ang mga mata ng lalaki ng makitang may hawak na martilyo ang salarin.

"Magtatanong ako sa 'yo at kung hindi mo nasagot tatanggalan kita ng ngipin. Okay ba?" Sabi ng salarin.

Bigla na lamang napahagulgol ang lalaki dahil hindi niya alam kung anong susunod na mamangyayari.

"First question, maganda ba ako?"

"H-huh!? Anon----"

"Eenk! Mali! Hahahahhahaha ang tamang sagot ay hindi! Dahil gwapo ako! Poging gwapo!" Sabi ng salarin kasabay neto ay ang pagpukpok niya sa ngipin ng lalaki gamit ang martilyong hawak niya.

Napasigaw na lamang ang lalaki sa sobrang sakit. Patuloy din ang paghagulgol neto na tila wala ng kinabukasan.

"Next question, bakit ang iyakin mo? Hahahahahahahah"

Hindi na nagawang sumagot pa ng lalaki dahil sa sobrang sakit na ng nararamdaman ng kanyang katawan, patuloy ang pag-agos ng kanyang dugo. Bawat paggalaw niya ay parang bumabaon pa lalo ang mga bubog sa katawan at sobrang hapdi na ng nararamdaman niya.

"At dahil hindi ka sumagot."

Muli na naman niyang ginamit ang kanyang martilyo upang tanggalin pa ang mga natitirang ngipin ng lalaki. Kinuha niya ang mga ngipin neto upang magsilbi daw na souvenir niya para sa okasyong naganap.

Walang awang kinaladkad ng salarin ang lalaki papunta sa isang malaking puno.

"Kung ako, papatayin lang kita sa pamamagitan ng pagbaril upang ika'y hindi na labis pang mahirapan. Pero pasensya na at sinusunod ko lamang ang script sa istorya." Sabi ng salarin habang naglalabas ng tali.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon