15: Quietude

675 23 18
                                    

Zwyneth's POV

Kakalerki naman ang happenings, di ko na keri!

Yung kaninang uhaw na nararamdaman ko'y pumanaw na. I can't even feel anything! Manhid na ako! Isinarado ko ang folder at saka paika-ikang naglakad paalis doon, why can't I remember anything? Bakit ang bilis kong makalimot?

Napabuntong hininga na lamang ako, I felt like I'm being tortured so many times, so is this a cliché scene na malalaman na may amnesia ako and damn I can't remember anything. So hindi pala 'Sawal' apilyedo ko? Wtf?

Hindi na muna ako bumalik sa kwarto ko because if I know lolokohin na naman ako ng mga tao, si Lutz kaya? Totoo bang nagkakilala kami or is it part of the act?

That's when I remembered na may nakita akong telepono na nakalat dito somewhere. Nilibot ko muli ang Ospital and after 111,111,111 years ay nahanap ko na rin ang hinahanap ko.

Masyadong madaming nangyari and I'm still on the process kung ano ba talaga gagawin ko sa buhay ko. When I reached the telephone I dialled Lutz's phone number, memorize ko dahil sa 'drunk incident'.

Buti pa yung number niya 'di ko nakalimutan tsk.

After few rings ay sumagot naman siya.

(Tss, another unknown number? Huwag mong sabihing lasing ka rin?) bungad niya sa akin kaya nakalimutan ko tuloy na malungkot ako, kakainis siya.

"Hoy lalaki! Hindi ako lasing epal 'to-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko'y nagsalita na naman siya.

(Well alam ko namang hindi ka lasing, natural ang pagiging abnormal mo.)

"Aba! Kapal din n-"

(Anyways, where are you? Hindi ko na maibibigay ang tubig mo dahil narealize kong para naman akong nagpaalila sa 'yo.)

Natahimik naman ako. Bakit ko nga ulit siya tinawagan? Ehh napakawalang kwenta niyang kausap.

(Hey still there?)

Manatili pa rin akong tahimik trying to construct the right sentence, kakahiya naman sa kanya kung wrong grammar ako. Baka magaling talaga ako noon tapos nakalimutan ko lang kung paano maging matalino.

(Hey Zwyn? Where are you? Hey, magsalita ka naman...) may bahid ng pag-aalala ang tono niya.

"Uhmmm Lutz, ano kasi-"

(Oh thank God, you got me worried. Akala ko may nangyari na sa 'yo.)

Hindi na niya ako pinatapos kakainis yung sentence na na-construct ko!

"Punta tayong dalawa sa bahay niyo! May gagawin tayo!"

~~

I stood up im the middle of nowhere, malabo pa rin ang paningin ko kaya pagewang-gewang akong naglakad. Napadpad ako sa highway at napakaraming sasakyan ang pumalibot sa akin na nakatutok pa ang ilaw ng kanilang mga sasakyan sa gawi ko kaya nasisilaw ako.

"I finally found you..." sabi ng lalaking nakasumbrero kaya 'di ko lubusang makita ang itsura.

A group of men formed a circle with me in the middle, umuulan pa rin at patuloy ang pag-agos ng aking dugo sa ulo.

And just a second nawalan na ako ng malay. Nagising ako na nakatali ang kamay at paa ko sa upuan.

"Good you're awake, now let's begin..." sabi ng isang baritonong boses na nagtatago sa dilim.

The spotlight is on me at nagulat na lang ako ng biglang lumapit ang isang lalaking nakamaskara at sinampal ako. Isa pang lalaking nakamaskara at sinuntok ang sikmura ko, napadaing ako lalo na nang sinabunutan ako dahilan para bumagsak ang upuan.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon