7: Hotel

1.1K 40 13
                                    

Chapter 7

.

Lutz's POV

Malamig na simoy ng hangin ang dumadapo sa aking balat while I'm sitting on one of these benches here at the park. Wala namang masyadong tao kasi gabi na rin so I assure you that I'm the only person sitting around here.

After that very awkward scene, I immediately went here to think.
I don't know why but I brought a book with me, I don't know what kind of book pero kinuha ko yung unang librong mahahagip ng kamay ko.

I stared blankly at the book.
'Looking For a Perfect Shot'
Hindi ko na natapos ang istoryang ito sa kadahilanang wala akong mahanap na magandang litrato para gawing cover nito.

Alam ko, Oo. Mababaw lang.
But with my ambition to be the best writer, I also want everything to be perfect. Pero.........

Dati lang yun.

Not today.

Not ever again.

"Penny for your thoughts?"

That voice.

"Tss, sorry nasa Pilipinas tayo. We don't have a so-called penny." I replied

Tumabi siya sa akin. Hindi niya nagawang tumingin sa gawi ko ngunit tumabi siya sa akin.

"Still haven't change huh? Not even a bit." Sabi niya.

"What do you expect?" I replied. I looked at her and I saw a smirk.

Namayani ang nakakabinging katahimikan dahil walang umiimik sa aming dalawa. Nanatiling ganoon ang eksena na nagtagal ng ilang mga minuto. Magkatabi kami ngunit hindi namin magawang makatingin sa gawi ng isa't isa, para bang hangin lang ang turingan namin sa bawat isa.

"Why her?" She suddenly spoke breaking the awkward silence.

"Who her?" Biglang kumunot ang noo ko sa tanong niya, nababliw na ba siya? Anong klaseng tanong yan? Sinong her?

"Oh please Lutz! Drop the act, we both know na ginagawa mo ito upang maging miserable ang buhay ko!" She shouted at me.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Of all people Lutz. Kapatid ko pa talaga, hindi mo man lang ginalang ang pagsasama natin."

Ohh, is she talking about Zwyneth? Tss, that stupid girl?
Ipagpapalit ko si Zyner sa kanya? Well, not a bad idea.
I could use her para lalong gumulo ang buhay ni Zyner then after that I'll just leave her sister hanging.

"What did I ever did to make you hate me this way?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"I don't need to answer that. You know the answer." Yan lamang ang tangi kong nasagot.

Hindi ko nga alam kung paano umabot sa ganito ka-komplikadong sitwasyon ang pagsasama namin ehh. All I knew is that it's over. Wala na, tapos na.

Bigla na lamang tumayo si Zyner mula sa kinauupuan niya. Ang akala ko ay aalis na siya ngunit hinayaan niya lang na itangay ng hangin ang kanyang buhok. Nanatili siyang nakatayo sa ganoong posisyon ng ilang segunda at saka suminghap.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon