23: What's Perfect?

503 16 3
                                    




Zwyneth's POV

The only way to end your pain is to survive it. Kapag nasanay ka na sa sakit, hindi mo na siya mararamdaman dahil manhid ka na sa sakit na dulot nito.

Nakaupo ako sa salas ng bahay ni Lutz habang umiinom ng gatas, nasaan na kaya si Lutz? 'Wag na sana siya umuwi, may pa-BRB soon pa siyang nalalaman eh halos mamatay na ako't lahat-lahat hindi pa rin siya nakakauwi.

I stared at the door where Cindy, Carl and their group is hiding. Nababaliw na ata ako, anytime now they can kill me pero gusto ko pa ding makita si Lutz.

I'm a hopeless case, I don't know what to do anymore. They told me to act normal and wait for Lutz to come home, may plano siguro silang pagsabayin kaming i-tego para daw may poreber.

I may sound selfish but I want to see him, I'm getting frustrated napaiyak na lamang ako habang patuloy na umiinom ng gatas. Bawal kape sa akin at pampatibay ng buto ang gatas, pwede pa papakin.

All my life, people I tend to trust always end up betraying me. There is a reason for everything and I want to know their reason.

Kapag made-deds ka na talaga napapaisip ka na lang ng mga malalalim na bagay ehh, I feel so mature na tuloy.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ay biglang lumakas ang buhos ng ulan kasabay nito ang pagpatay-sindi ng mga ilaw hanggang sa tuluyan na itong namatay kasabay lahat ng kuryente.

This could be the perfect opportunity to get away from them kaya lang tadtad pala ako ng napakaraming sugat at kagagamot lamang nila ito kanina. Ang mga malalalim na sugat ay nilagyan nila ng benda ngunit ramdam pa rin ng katawan ko ang pagkirot ng mga sugat ko sa tuwing gagalaw ako.

I heard a loud creaking sound from the door, it's still dark so I don't know which door opened. Inubos ko muna ang aking gatas bago tumayo, madaming batang hindi umiinom ng gatas kaya hindi ko ito sinayang.

Nagtago ako sa likod ng couch kahit alam kong malaki ang posibilidad na mahanap din nila ako, I heard footsteps so I avoided making any kind of noise. Pigil ang aking paghinga habang dahan-dahang naglakad na parang pusa, bagama't wala akong makita dahil sa sobrang dilim ay hindi ito alintana upang humanap ng lagusan paalis dito.

The sound of the hard pouring raindrops on the roof is the only thing you can hear. Minsan ay nakakarinig rin ako ng mga yapak na tila iniiwasan ang gumawa ng ingay ngunit hindi magawa ng maayos.

Hindi ko na alam kung saang lupalok ng bahay ni Lutz ako napadpad but the only thing I know is mas lalo atang lumalaki ang kanyang tahanan kapag madilim, aba matindi!

Nangangapa ako ng kahit anong pwedeng hawakan upang malaman kung nasaan na sana ako ngunit biglang may bagay na lumiwanag, it's my camera! Nakatalikod sa akin si Cindy habang hawak ang Camera ko and to think that I was about to hold her!

Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at nagtago malapitsa ref, lumingon siya sa dati kong gawi na ginawa pang liwanag ang aking camera only to find out that she was not looking for me, instead she already found what she's been looking for!

I tried following her but in just a quick moment, wala ng ilaw at tanging ang  kidlat na lamang ang nagsisilbing panandalian liwanag ko. Lumapit ako sa mga malalaking bintana and I even tried to open it but it only made a loud sound kaya't dali-dali akong umalis papalayo doon.

Nakalapat ang likuran ko sa dingding, hindi naman siguro nila ako mahahalata dito dahil pader ako ehehehe.

I heard murmurs from somewhere so I quietly followed where it came from, naabutan kong nakabukas ang isang pinto. Sumilip muna ako dito at nakita ko ang grupo nila Cindy, ang isa sa kanila ay may hawak na flashlight at may mga bagay silang pinalilibutan sa kama. Nakita ko kung gaano kaabala ang bawat isa sa kanila kaya't ginawa ko iyong dahilan upang pumasok sa loob.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon