9: Brownout

769 31 6
                                    

A/N: Hi po alam kong walang nagbabasa neto😂 gusto ko lang po idedicate kunno kay leeiaaaaaaane itong chapter na to😗 kayo na po bahala kung gusto niyong ituloy ang korni kong story salamat😘

Lutz's POV

Lumulutang ang isip ko na tila wala ba sa sarili. I was trying to write a story pero wala akong maisip, writer's block?

I can't think of an idea, I'm just not inspired. Yet.

I don't know what to do so I decided to go out for some fresh air. Naisip ko ang mga nangyari ng huling nag-usap kami ni Zyner, maybe I'm being impulsive that time. Hindi naman basta basta ginagamit ang tao, maybe her sister hurted me but I can't do the same thing to her.

Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad. Kamusta na kaya siya? Is she doing fine? Maybe I should check her.

~~~~~~~~

Pumasok ako sa loob ng building kung saan siya nagtratrabaho. Paano ko nalaman? Well, let's just say I stalked her a bit.

Nagtanong ako sa mga kasamahan niya sa trabaho and it turns out na day-off niya ngayon. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira ngayon kasi nasunong yung condo na tinitirhan niya, how am I supposed to look for her? Wala nga kaming comminication, nagkakataon lang na nagkikita kami.

I decided to go out and go for a walk. I don't know where I'm heading at but I continued walking, hindi ko alam kung paano pero natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa likod ng isang napakataas na pader na pumapalibot sa isang building.

Akmang lalakad muli sana ako't uuwi na lang ng may narinig akong grupo ng mga boses na nag-uusap. Napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig kong parang pamilyar ang boses na iyon. Nagtatalo ang katawan at isip ko kung sisilipin ko sana o umuwi na lang.

"Sinigurado niyo bang walang tao sa hotel na yun maliban sa babaeng iyon?"

"Uhmmmmm andun na din po yung killer na si----"

"Hindi ako Tanga. Syempre paano mamatay yung babae kung wala namang yung papatay."

"Hindi ikaw yung tanga. Yung babae ang tanga, sinasabi niyang ayaw na niyang mamatay pero tumuloy pa rin naman sa hotel."

"Did you make sure na walang taong makakapunta dun?"

"Well, si Zwyneth papunta na dun kasama si Cindy."

I felt like my whole world stopped for a moment. Nung narinig ko ang pangalan niya'y bigla akong kinabahan. Kilala ko yung boses na nagsasalita pero hindi ko kilala yung mga ibang nagsasalita.

"Mga inutil! Paano kung nakita ni Zwyn yung pumapatay?"

"Huwag kang mag-alala kasama naman niya si Cindy. Siya na bahala kay Zwyn."

"Make sure hindi masisira yung plano natin."

Nakakita ako ng malaking puno kaya kahit na magmukhang unggoy ako'y inakyat ko pa rin ito para makita ko kung sino yung nag-uusap.

And I was right. Si Carl Seph Ramos. The owner of the Marco Paulo building.


~~~~~~~

Zwyneth's POV

Namatay ang lahat ng ilaw kaya wala akong makita kung hindi puro kadiliman. I'm scared, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon