16: Deviate

617 20 7
                                    

A/N: Hi po! This chapter is dedicated to Raviellaine for supporting this story po, thank you!!! Ilabyouuu
#NagmamagalingNaAuthorKayaMayDedicationNaNaman

Third Person POV

"Halughugin ang kabuuan ng kanyang pamamahay!" Umalingawngaw ang galit na galit na boses ni Pestilent sa kabuuan ng bahay. Kaya agad gumalaw ang kanyang mga nakamaskarang kasamahan.

"Bwisit, magtatago pa ehh mamamatay din naman. Tss." Bulong niya sa kanyang sarili at saka naglakad habang kinakaladkad ang kanyang palakol.

"'Wag niyong sasaktan si Ivy! Wala siyang kinalaman dito! Ako! Ako na lang patayin niyo!" Sigaw ng lalaking nakatali sa upuan dahilan upang mapairap si Pestilent sa kaniya.

"Binasa mo din ba 'yong libro at alam mo ang script?" Sarkastikong tanong neto sa lalaki ngunit patuloy ang pagsigaw niyang huwag saktan ang kanyang kasintahan.

"Ganito na lang Ivy, kung hindi ka pa lalabas pagbilang ko ng 10 ay kakatayin ko na itong mala-superhero mong boyfriend...." Nakangising bumaling si Pestilent sa lalaki habang kinakaladkad ang hawak na palakol patungo sa kanya.

"Huwag! Ivy babe! Huwag kang lalabas! Okay lang ako! Get out of here!"

Hindi mapigilan ng ibang kasamahan ni Pestilent ang matawa at mapangiwi sa sinabi ng lalaki. "Walang Forever uyy!" Mapang-asar pang sambit ni Tenebrous.

"Isa..." panimula niya.

Bahagya siyang lumapit sa lalaking may nakakairitang boses at kanina pa sigaw ng sigaw.

"Dalawa..."

Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito, mahigpit ang pagkakahawak niya dito dahilan upang bumaon ang kanyang matutulis na kuko sa pisngi ng lalaki.

"Tatlo..."

Sinenyasan niya si Peril na iabot sa kanya ang martilyo, kaya humalakhak ang grupo dahil alam na nila ang susunod na mangyayari.

"Apat..."

Napaliyad ang lalaki sa kanyang kinauupuan dahil sa sakit na kanyang naramdaman ng isa-isa pinagpupok-pok ang kanyang mga ngipin. Para siyang binubunutan ng ngipin na walang anesthesia at ang malala pa'y nalalasahan na niya ang patuloy na pag-agos ng kanyang dugo sa kanyang gilagid.

"Lima..."

Kahit duguan ang kanyang ngipin ay isa-isang kinuha ni Pestilent ang mga ito sa duguang bunganga ng lalaki at saka itinaas ang kanyang palakol.

"Anim..."

Idinikit niya ang kanyang mabigat na palakol sa tiyan ng lalaki dahil para mapahiway ito at unti-unti niyang idiniin ang palakol sa tiyan ng lalaki dahilan para bumaon ang kabuuan nito.

"Pito! Walo! Siyam!"

Tinanggal niya ang kanyang palakol sa tiyan ng lalaki at saka marahas itong ibinaon muli at paulit-ulit niya itong ginawa dahilan upang humiwalay ang pang-itaas na bahagi ng katawan ng lalaki mula sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan.

"Sampu!" Sigaw ni Pestilent at saka pinugutan ng ulo ang lalaki.

Hindi napigilan ni Ivy na mapahikbi matapos masaksihan kung gaano ka-brutal ang pagkamatay ng kanyang iniirog. Tinakpan niya ang kanyang bibig at tahimik na umiyak sa kanyang pinagtataguan.

"Enjoy watching the show?" Pabulong na tanong ng kanyang katabi na si Menace.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Ivy at umambang tatakbo ngunit nahawakan siya ni Peril sa kanyang braso.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon