21: Anguish

476 16 13
                                    

Zwyneth's POV

Mahimbing akong natutulog sa aking kwarto, ang panaginip kong nagpakasal na kami ni Zayn habang umiiyak si Gigi ay naudlot dahil sa may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto.

Gustuhin ko mang matakot at tingnan kung ano ang kaganapan sa labas ng kwarto ay tinatamad ako, okay lang dahil naka-lock ang aking kwarto. Umayos muli ako ng higa at akmang matutulog nang makarinig ako mabibigat na hakbang patungo sa kwarto ko.

Medyo kinabahan ako kasi kumakalabog ang aking puso. Minsan kasi kumakalabog ang puso kapag kinakabahan, hindi lang dahil nakita si kras.

Nanlaki ang aking mga mata nang pinipilit niyang buksan ang pintong naka-lock, sabi ko na ehh naka-lock.

"Lockpick this stupid door!" Sigaw ng pamilyar na boses at saka nagkaroon muli ng mga mabibilis na yapak patungo sa aking kwarto.

Natataranta na ako, kakalerki! What to do!? Nag-isip ako ng mga posibleng lugar na pwedeng pagtaguan, naisip ko sa ilalim ng kama o kaya sa banyo, pwede din sa kabinet o 'di kaya naman sa kurtina.

Narinig ko ang langitngit ng mga susi kaya't napagdesisyunan ko nang magtago sa likod ng pinto. Minsan kasi magtago ka sa madaling mahanap na lugar dahil hindi iisipin ng mga magnanakaw na tataguan mo iyon dahil nga mate-tego ka na kapag ganun.

I hear a sudden click from the door, a sign that it is already opened. Gamit ang dalawa kong malilinis na kamay ay itinakip ko ito sa aking bunganga para mapigilan ang paggawa ng kahit anong ingay. A creaking sound is the only sound you can hear, unti-unting bumukas ang pinto, buti na lang at hindi nila binigla dahil baka naipit na ako dito.

"Maglalaro na naman tayo ng tagu-taguan maygas!" Naiiritang sigaw ng kilala kong boses, Cindy.

Literal na nakatayo lang ako sa likod ng pinto, hindi gumagalaw at pigil ang hininga. Pwede na ako sa mga park maging statue, kikita pa ako.

Naging busy sila sa paghahanap sa akin at dahil wais ako ay hindi nga nila naisipang hanapin ako sa likod ng pinto! A way to survive death!

"She was nowhere to be found." Malamig na sabi ng isa sa kanila.

"Maybe she's not here?"

"Urgh! Tara na nga!"

Lumabas na silang lahat at padabog na sinarado ang pintuan. Hinintay ko munang sila ay makalayo at nagpakawala ng malalim na hininga ngunit kasabay noon ay napagtanto kong hindi ako mag-isa sa kwarto.

Akmang lilingunin ko na sana ang gilid ko pero bago iyon nangyari ay may naramdaman akong kumagat sa batok ko.

"Tss, stupid."

~~

Pagmulat ng aking magagandang mata ay napahikab ako, kulang tulog ko kanina. Nangangalay na aking katawan dahil hindi ako komportable sa pwesto ko. Ikaw ba naman patulugin na nakaupo habang nakatali sa likod ang mga kamay at ang paa din ay nakatali sa harap.

Nasa loob ako ng hindi ko kilalang silid but one thing for sure is I'm not in Lutz's house anymore. Hindi na ata ako binigyan ng time para mag-beauty rest, haggard na haggard na ako these past few days dahil lagi na lang ako muntikan natetego.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon