11: Loony

787 30 7
                                    

Zwyneth's POV

Pagkatapos kong maligo'y nagbihis na ako't inayos ang sarili. Syempre 'di ko kalilimutang mag-almusal kaya't kasalukuyan akong nakaupo't kumakain ng umagahan.

"Hey Zwyn, you sure you're up to work? Pwede ka namang magstay muna dito and ako na ang bahala sa boss mo." Sabi ni Zyner na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.

Syempre nahiya na ako kay Lutz kaya dito ako sa bahay ni Zyner. Oo nga't hindi kami close aba'y ewan ko ba dito sa babaeng ito basta mainit dugo ko sa kanya.

Napaisip ako sa sinabi ni Zyner. Gusto kong pumasok pero baka makita ko si Cindy, how am I supposed to work with her? To work with a serialkiller?

"Ahh Oo naman! Papasok na lang ako kaysa naman magmukmok ako dito't kumain lang. No! No! No! Tataba ako." Sagot ko naman.

Nagkibit-balikat lang siya't naupo at sinabayan akong kumain. Tahimik lang siyang kumakain pero matalim ang bawat titig niya sa akin kaya hindi tuloy ako makakain ng maayos.

"Zwyn, sigurado ka bang okay ka lang?"

Yung tanong niya'y parang concern pero sa tono ng kanyang boses ay parang nagdududa siya.

Gusto kong isigaw sa kanya na hindi ako okay! Muntikan na ako mamatay! Alam mo ba yun!? But I ended saying

"Oo nga, paulit-paulit?"

Nanatili siyang nakatitig sa akin habang tumatango-tango. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin, syempre goodgirl ako. Huwag niyo gayahin yung panget kong kapatid na nauna nang umalis.

Pagkatapos kong maghugas ay nag-ayos na ako't lumabas. Napatingin ako sa relo ko't napagtanto kong kanina pa ako late kaya susulitin ko na, mamayang hapon na lang ako papasok. At hindi ko alam kung paano ko haharapin si Cindy mamaya, kinakabahan ako.

Naglakad-lakad ako, ayokong buksan yung camera ko't mamaya may makita na naman ako't may patayan na namang magaganap. Naisipang kong dumaan sa convenience store, kasasabi ko lang kaninang hindi muna ako kakain pero kasalanan ko bang nakakagutom maglakad?

Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon, biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. I felt like I'm being watched again, naalala ko tuloy yung panaginip ko kagabi.

May kasama akong dalawang babae't tumatakbo kami. Magkahawak-hawak kami ng kamay habang tumatakbo, nasa gitna kami ng kagubatan at napakadilim ng mga oras na iyon at ang masaklap ay umuulan pa.

"Men! Asan na yung iba!?" Inis na tanong ng babaeng may hawak ng kamay ko habang tumatakbo.

"I'll look for them, mauna ka na!" Sigaw ng kasama naming babae't humiwalay ng landas.

Patuloy kaming dalawa ng babaeng may hawak ng kamay ko sa pagtakbo, putikan na kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapahatak pero patuloy lang kaming tumatakbo hanggang sa makarating kami sa isang kotse.

Sumakay kaming dalawa doon, may mga taong humahabol sa amin kaya nama'y pinaharurot niya ang kotse't minaneho niya ito patungo sa highway. Napakalakas ng ulan kaya madulas ang daan pero hindi alintana ang ulan para sa babaeng kasama ko dahil napakabilis niyang magmaneho.

May tumawag sa kanyang cellphone at sinagot naman niya ito, aba't magaling siya kasi ang bilis niyang magpatakbo tapos nakahawak pa siya cellphone niya.

"Where are you?" Boses iyon ng babaeng kasama namin kaninang tumatakbo

"The heck men! Asaan na kayo? Uuwi na ako!" Sagot naman ng babaeng nasa tabi ko.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon