12:Leireshtaurant

666 23 12
                                    

Zwyneth's POV

Pagpasok ko sa loob ay kabadong-kabado ako, anong gagawin ko kapag nakita ko si Cindy? Wait, andito pa rin ba siya? Should I trust her or nahh? Ano bang dapat kong gawin!?

"Zwyn, buti naman at pumasok ka!" Masiglang bati sa akin ni Cindy.

"Ahh Oo, syempre alangan namang palaging absent? At saka medyo masama lang pakiramdam ko kaninang umaga." Palusot ko na lamang.

Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at bahagyang sinasabayan ang paglakad ko. Nanginginig ako sa pagkahawak niya sa akin ngunit syempre hindi ko pinapahalata kaya nanatili na lang akong ngumiti.

"Ayos ka lang ba? Hindi na kasi kita nakita nung sa hotel ehh." Mahina kang ang kanyang pagkasabi na para bang bumubulong.

Bigla akong pinagpawisan sa sinabi niya, tinitigan ko muna siya na nakangiti pa rin sa akin. Manhid ba itong babae na 'to? Bakit 'di niya maramdaman na naiilang na ako? Lalo na sa pinag-uusapan namin.

"Ahh good afternoon sir!" Masiglang bati ni Cindy kay Ahnton, ang boss namin.

"Good afternoon po." Bati ko rin.

Hindi ko alam kung bakit pero ilang akong gumamit ng "po" at "opo" kay Ahnton gayung magkasing-edad lang kami pero syempre "boss" ko pa rin siya.

"Good afternoon, ahh parang ang aga niyo naman yata."

"Aba syempre sir!...... ayaw niyo ng late ehh magalit ka na naman." Medyo pabulong na sabi ni Cindy gayunma'y dinig ko pa rin.

"And you Zwyneth? Late ka ata or sadyang wala ka kaninang umaga?" Seryosong nakatitig sa akin si Ahnton.

"Ahh ehh m-medyo masama k-kasi yung pakiramdam k-ko kaninang umaga..... Po!" Nauutal-utal kong sabi kasi nakakailang yung pagtitig niya tapos muntikan ko pang magsabi ng "po"

Ngumisi siya "Really? Maaga pa naman, would you guys want to grab some lunch? My treat."

"Yes naman sir!" Sagot naman ni Cindy.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumama sa kanila at ipinagtataka ko ay bakit bigla na lang mag-aaya si Ahnton? I mean he's not nice lalong lalo na sa kanyang mga empleyado, ni hindi nga niya kami kinakausap ehh syempre minsan lang kapag may kinalaman sa trabaho.

"Zwyn? Hindi ka ba sasama?" Bigla silang napatigil sa paglalakad nang mapansing hindi ako sumabay sa kanila.

"Ahh k-kasi ano.... Na-nakakahiya naman."

Ano kaya yun!? Wala na akong maisip na palusot.

"Halika ka na! Nahiya ka pa kasi ehh." Sabi ni Cindy sabay hila sa akin.

Nagpahatak na lang ako dahil naisip kong gutom din naman ako at saka baka nagkamilagro't biglang bumait si Ahnton ehh susulit-sulitin ko na rin.

Lumabas kami sa labas ng building at naglakad, siguro medyo malapit lang yung kakainan namin kasi wala naman atang balak sumakay ng kotse or whatsoever ang mga ito.

"Ang bait ni sir ngayon noh? Ano kayang meron?" Bulong sa akin ni Cindy.

"It's called miracle, hayaan mo na pagkain naman ehehe..." Sagot ko.

The Perfect Photo Of The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon