[8]Sprain

140 4 0
                                    

[8]Sprain

Sam's Pov

"Yung ano blah.blah.blah"hindi ko iniintindi yung pinag sasabi ni Jack. Mas nag eenjoy akong tignan yung view.

Habang naglalakad ako ay kumukuha ako nang pictures.

Booogghhhss

"Oh anong nangyari sayo?"Jack

"Malamang nadapa. Tss Nakita mo na nga--awww ang sakit"

"Teka teka saan saan yung masakit? Patay ako dito kay Mamita"natataranta na si Jack

"Yung paa ko di ko magalaw."

"Kaya mo bang tumayo?"Jack

"Hindi ko nga magalaw tumayo pa kaya? Tss Common Sense lang"iritable kong sabi

"Malay ko ba. Ewan ko sayo hindi ka magandang kausap.Maiwan na nga kita jan"Jack

"Oy oy oy san ka pupuntang bakla ka?"

"Anong sabi mo? Ako bakla?"Turo pa niya sa sarili niya

"Bakit hindi ba? Amoy na amoy ko kaya amoy paMENta tsss. Bakla baklush gay binabae Badingdingdingding"pang aasar ko sa kanya

"Di ka titigil dyan?"Jack

"Bakit totoo naman ikaw ay isang badindingdingding :p"

"Pag hindi ka pa talaga tumigil dyan iiwan talaga kita"Jack

"Ito naman parang inaasar lang pikon agad tsss"

"tumayo ka na nga jan para makapunta na tayo sa hotel"Jack

"Kung kaya ko ba eh di dapat kanina pa ako nakatayo"

"Aaarrrhhhgg Kanina pa ako nagugutom eh tss. Tabi nga jan wag kang makulit kung ayaw mong ilaglag kita"Jack

"B-bakit anong gagawin mo?"

"Malamang bubuhatin kita para makabalik na tayo sa Rest House nagugutom na ko kanina pa. Gusto ko nang kumain. Hindi ka naman makalakad kaya bubuhatin nalang kita. Kaya wag kang magpabigat baka mag karoon ako nang muscle nyan. Sayang naman yung sexy body ko kung may triceps diba?"Jack

"Hahahaha Ewan ko sayo. Confirm bakla ka talaga hahaha"

binuhat na niya ako. Awkward man pero gusto ko na rin kumain at magpahinga kaya hindi ko na iniisip yung posisyon ko tsaka bading naman itong si Jack eh. Kaya Okay lang Buti nalang hindi pa kami nakakalayo sa hotel

"Ikaw naman tomboy. Nasesense ko yan girl"Jack

"Hahaha Yeah Im a lesbian And I proud to be of that:)"

"Eh bakit ganyan ang suot mo kung lesbian ka. Nakafitted tshirt at v-neck pa ah peg"Jack

"Eh kasi naman pinagdidiskitahan ako nang Lolo't lola ko  Siguro umaasa pa rin sila na maging babae ako pero wala talaga sarado na yung puso ko para maging babae"

"Hahah Same para tayo nang kalagayan feeling ko magkakasundo tayo hahahah Gusto mo palit nalang tayo nang katawan?"Jack

"Hahahaha Loko parang andali dali naman nung gawin ah"

"If you believe magkakatotoo yun"Jack

"Lakas din nang fighting spirit mo no?"

"Ganun talaga maganda ako eh"Jack

"Hahahaha San banda? Paki turo nga sa akin"

"Gusto mong ilaglag kita dito ha?"Jack

"Ito naman parang nagbibiro lang wag naman baka hindi lang sprain abutin ko dito"

"Hahahaha Nakakatawa ka"Jack na nagboses bakla

napatawa tuloy ako haahah Grabe kwela rin pala itong si Jack

"Woaw Ano toh?"Lola Tella kasama sila Lolo't Lola pati na rin si Lolo Ed

Dahan dahan akong binaba ni Jack

"Kasi po itong si Sam nadapa tas hindi po makalakad kaya binuhat ko nalang po"Jack lalaking lalaki magsalita parang kanina lang ang landi landi hahahaha

"Nako Jack salamat sa pagkarga sa apo ko. Alam kong mabigat yan."Lolo Estevan

"Lolo!!"

ito namang si Jack pinipigilan yung tawa kaya tinignan ko siya nang masama

"Stella napaka gentleman pala nang apo mo."Lola Beatriz

Gentlegirl kamo!!

"Nako Beatriz ganyan talaga yan"Lola Tella

Tas lumapit si Lolo Ed kay Jack

"Good boy Jack. Im proud of you:) Kumain na tayo. Jack alalayan mo yang si Samantha ah:)"Lolo Ed

Goodboy baka GoodGirl hahaha

Inalalayan na ako ni Jack papuntang dinning room at kumain buti nalang medyo okay na yung paa ko at nagagalaw ko.

-

(A/N: Oha? Close na sila agad. May pabuhat effect pa. Sana nagustuhan niyo XD Keep on Supporting Guys)

Need Some Responds or Comments Thanks:*

-&Shaims

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon