[12] Lost And Found

182 4 0
                                    

[12] Lost and Found

Sam's Pov

"Samantha Gumising ka Samantha"Lola Beatriz

"Hmmm La 5 minutes pa"

"Samantha ilang 5 minutes na ang binigay ko sayo kanina hanggang ngayon hindi ka pa rin bumabangon. Baka gusto mong buhusan kita nang kumukulong tubig at malapnos yang balat mo"Lola Beatriz

Napabangon ako sa sinabi niya. Dati kasi sinabi niyang bubuhusan niya ako nang malamig na tubig paghindi ako bumangon at tinotoo niya yun

"Eto naman si Lola ang dami dami pang sinasabi. Kanina pa ako nakatayo dito eh"

"Maghilamos kana at mamalengke ka pa"Lola Beatriz

"Ah okay--Ha me? As in Ako? Mamalengke? Bumili nga nang kamatis hindi ko alam mamalengke pa kaya. La naman anong silbi nang mga katulong dito kung hindi sila ang kikilos"

"Ikaw Samantha ang aga aga puro reklamo agad ang naririnig ko sayo. Ayan na nga ba sinasabi ko sa Daddy mo eh. Inispoil kayong masyado kaya hindi niyo alam ang mamalengke."Lola Beatriz

"Love na love kasi kami ni Daddy:)"

"Love na kung love pero mamalengke ka sa ayaw o sa gusto mo. Ako ang masusunod dito Samantha. Tayo ang naka toka sa pagkain ngayon ayokong mapahiya kila Estella kaya wag mo akong ipapahiya Samantha"Lola Beatriz

"Pero La hindi nga po ako marunong"

"Ito ang listahan lahat na andyan bilbilhin mo na lang. Hindi ka na mag iisip kung anong ano. Isipin mo nag shoshopping ka lang Iintayin kita sa baba"Lola Beatriz

Ano pa nga magagawa ko. Eh di sumunod sa mga matatandang yun haaayyy What kind of life is this?

Bumababa na ako at nakita ko sila Lolo Ed at Lola Tella na may sinasabi kay Jack

"Good Morning Hija:)"Lola Tella

"Good morning po sa inyo"bati ko sa kanila

"Sabi nang Lola mo mamalengke ka daw? Alam namin na hindi mo pa alam ang pasikot sikot dito sa lugar namin kaya sasamahan ka na ni Jack mamili diba Jack?"Lolo Ed

"Y-Yes Lo:]"Jack

"Lo sa iba nalang po ako magpapasama wag na po nating abalahin si Jack. Nakakahiya naman po sa kanya eh"Sabi ko

Tinignan ni Lolo Ed si Jack

"Hindi Sam okay lang sa akin:]"Jack

"Okay sige:)"

Naglakad na kami ni Jack palabas. at pumunta sa garahe

"Mabibinyagan ang Baby Porche ko balak ko pa naman si Lee Min ho o kaya si Tom Cruise ang una kong papasakayin dito pero wala. May isang bruhang tomboy na bibinyag sa passenger seat ko"Jack

"Alam mo Jack kung ayaw mo ako pasakayin jan sa Baby Porche mo di wag. Tinawag mo pa akong Bruha Kayang kaya kong mag commute mag isa eh kahit wala ka. Dyan ka na nga." habang tumatagal nabwibwisit na ako jan sa pag ka maarte nang baklang yan Tss >\\\\\<

Naglakad ako palabas nang Rest House. Naghihintay ako nang Jeep or Tricycle para masakyan pero The Hell naman. Ni isa wala man lang dumadaan

May biglang lumapit sa aking ale

"Neng Saan ang punta mo?"tanong niya

"Sa Palengke po"

"Neng wala kang masasakyan dito dun ka sa kabila may sakayan dun papuntang palengke. Pagkatawid mo dito kumaliwa ka tas diretsuhin mo yung kalsada pagmay nakita kang intersection kumanan ka makikita mo na kung saan yung sakayan"

Ang Beki at Ang TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon