[7] Lola't Lolo
Sam's Pov
"Kuya asan sila?"agad tanong kay Kuya Simon
"Ayun kausap si Stephen. Pinapagalitan na naman. Grabe talaga sila."Kuya Simon
"Wag kang mag alala kuya kakausapin ko na sila. Hindi dapat ganito ang trato sa atin nila porket wala na si Dad."
lumakad na ako papuntang living room nang magsimulang magsalita ulit si Kuya Simon
"Teka baka pati ikaw mapagalitan
din."Kuya Simon
"Dont worry about me Kuya I can handle this, trust me:)"
"Sasamahan kita Sam"Kuya Simon
Sabay kaming pumunta ni Kuya Simon sa living room at kitang kita namin kung gaano pagsalitaan ni Lola Beatriz si Kuya Stephen
"Mga wala talaga kayong paki alam sa pamilyang ito hindi niyo man lang binigyan nang kahihiyan yung apelido nang tatay niyo nakuha niyo pang makipagbasag ulo. Wala talagang kwenta kayo manang mana kayo sa nanay."Lola Beatriz
"Lola!!, Wag na wag niyong idadamay ang nanay namin dito. Matagal nang patay si Mommy pero hanggang ngayon bukhang bibig niyo pa rin siya. Wala po kayong karapatan na pagsalitaan siya nang ganyan o kahit sino man sa amin. Hindi kayo ang nagpalaki sa amin ni hindi nito nga kami kinarga nung mga bata pa kami tas ganito ang trato niyo sa amin"sabat ko sa kanila
Pak.Pak
"Sam"Kuya Simon and Kuya Stephen
"How dare you to talk to me like that? Wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan. Wala kapa naiipundar dito sa pamamahay na ito kaya wag kang magsalita nang ganyan sa akin.Wala kang modo. Pare parehas kayong hindi niyo binibigyan nang kahihiyan itong pamilyang ito. Look at your self Maria Samantha. Binababoy mo yang sarili mo. Hindi ka ba nahihiya dyan sa pinaggagawa mo. Napaka imoral niyan Maria Samantha. Naturingan pinag aral kayong lahat sa mga exclusive university pero hindi niyo alam ang salitang 'morality', sinasayang niyo lang ang kayamanan namin. Tandaan niyo hindi kayo ang naghirap nang mga ito para sayangin niyo."Lola Beatriz
"Lola inaamin ko wala pa akong naiipundar dito at lahat nang natatamasa ko ay dahil sa kayamanan mo niyo pero hindi namin kasalanan na maging anak kami ni Daddy. Pasensya na ho! , kasi nauubos yung kayamanan niyo dahil sa mga APO niyo!!"sarcastic kong sagot sa kanya
"Hindi ko nagugustuhan yang tono nang pananalita mo Maria Samantha. Palibhasa walang magulang na umasikaso at nagpalaki sa inyo. Walang kwenta kasi ang mga napangasawa nang Daddy niyo."Lola Beatriz
"BEATRIZ!!!"
napalingon kaming lahat si Lolo Estevan with his black aura. Ngayon ko lang nakita yung ganung emotion ni Lolo Esteban
"What is the meaning of this Beatriz? Kung ano ano na naman yang pinagsasabi mo? Pumunta tayo dito para bisitahin sila hindi sermonan at pagalitan. Ano ba Beatriz?"Lolo Estevan
"Estevan wala na ba talaga akong halaga sa pamilyang ito. Pati ang concerned ko sa kanila ay hindi na rin pwede? Pinagsasabihan ko lang sila dahil napaka walang modo na nyang mga anak ni Samuelle yung isa nakipagbasag ulo , yung isa tignan mo nagpakalalaki kahit babae napaka imoral haaayyy"Lola Beatriz
"Beatriz okay lang nang pagsabihan mo sila pero wag kang magsalita nang mga nakakasakit sa mga damdamin nila. Mga lolo't lola lang tayo hindi tayo yung magulang"Lolo Estevan
"Ewan ko sayo ikaw na bahala dyan sa apo mo. Sabihin mo na rin kay Maria Samantha yung tungkol sa vacation niya"Lola Beatriz at nag walk na siya.
Hayyy Bipolar talaga yung matandang yung. Buti pa si Lolo Estevan Cool :D
"Pagpasensyahan niyo na yang Lola niyo mga apo.Ganun talaga siya dinadaan sa galit yung concerned nya sa inyo. Stephen bakit ka naman kasi nakikipag away masama yun. Tignan mo may galos yang mukha mo bawas pogi points yan :D"
nagtawanan naman kami ni Kuya Simon sa sinabi ni Lolo Estevan
"Wag mo nang uulitin yun ha? Para hindi na magalit yung Lola niyo.Ikaw Maria Samantha, sasama ka sa amin sa isang business gathering sa Palawan mga 1 month din yun kaya 1 month kang magiging babae"Lolo Estevan
"Lolo!!Bakit ako? Bakit hindi nalang si Kuya Simon?"
"Hey Sam maraming akong papers na kailangan tapusin"Kuya Simon
"O kaya si Kuya Stephen?"
"Sam may business trip ako next week sa Hongkong hindi ako pwede"Kuya Stephen
"Look lahat nang kapatid mo kaya ikaw nalang ang sasama sa amin nang lola mo"Lolo Estevan
"Pero lolo ayokong maging babae yuck!! Kahit anong mangyare ganito na ako. Bakit hindi niyo ako matanggap"
"Hija please pagbigyan mo naman ako, tanggap kita pero kailangan talaga baka umatras sila kapag nakita nila na yung nag iisang babae nang B&E Corporation naging lalaki na rin.Minsan lang ako mag request sayo kaya sana pagbigyan mo na ako apo"Lolo Estevan
"Pero Lolo hindi niyo ba kayang sabihin sa kanila na ganito na ako. Hindi ako babae. Lalaki ako.Hindi ako papayag"
"Wag nang matigas ang ulo apo. Kailangan isang buwan lang ito"
"Pero--"
"No more Buts Maria Samantha. Our Decision is final. Hindi mo na mababago iyon Whether you like it or not. Kaya mag impake ka na bukas na bukas mismo pagkatapos nang graduation mo lilipad na tayo papuntang Palawan"
Ano ba ang trip nila bakit kailangan ko pang mag papakababae? Haayyyss Bahala sila ito na ako kaya tanggapin nila.
-
(A/N: Lakas nang tama nang mga lolo't lola ni Sam)
#Shaims

BINABASA MO ANG
Ang Beki at Ang Tibo
Teen FictionKung anong trending ngayon. Ito ang istorya ngayon Inspire story of Marry me Beki ang ganda kasi Pero itong story ko may halong twist :)))