[36] Bestfriend & Ex-Boyfriend
Sam's POV
"Whoo! Grabe super saya talaga dito nakakatanggal talaga nang stress yung mga rides dito" sabi ko kay Jack. Pinasyal niya kasi ako dito sa Fantasy Kingdom. Kakasakay lang namin sa Extreme Tower
"Hoy!" Di kasi sya nagsasalita eh
"Aaayyy" Jack
⊙△⊙ Grabe makatili nababading na naman.
"Ano bayan Babe, grabe lang makareact? Gulat na gulat?!" Ang oa talaga kasi niya
"Wag na tayo ulit sasakay dyan ah? Maloloka at mahahargardo versosa ang beauty ko este beauty mo. Gurabeh" Jack
"Umayos ka nga Jack. Naiinis ako jan sa kinikilos at sa sinasabi mo. Nag gegay linggo ka na naman. Akala ko ba get over na tayo jan. Bibigwasan kita eh"
"Makapagsalita eh ikaw din naman. Halika na nga gutom na ako eh" Jack
Mabuti na lamang ay maraming katabing kainan dito sa Fantasy Kingdom. Pagpasok namin medyo madami ang tao lalo na sa may counter.
"Babe ako na bahala dito hanap ka nalang nang mauupuan natin" Jack
"Sige, basta yung sinabi kong pagkain yun order mo sa akin ah" sinabi ko yun habang paatras ako.
Pagkaharap ko ay may bata akong nabangga at nagkalat yung mga dala niyang laruan kaya naman dali dali ko itong pinulot
"Im sorry Little Kiddo. Next time Ill be more careful" tas inabot ko yung laruan niya
"Thenyu Po" sabi nung bata
"Jaden" tas lumingon yung bata at lumapit dun sa babaeng tumawag sa kanya. Napatingin din naman ako. Ang tagal nang panahon nang huli naming pagkikita. Kaya sobrang nagulat talaga ako.
"Babe are you alright?" Jack
Bigla kasi akong napatulala dun sa babae. Di ako nagkakamali. Sya talaga to. Yung matagal ko nang gusto makita
"Cherry?" Sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin
"Samantha?" Cheery tas nilapitan ko sya.
"Long time no see. It's been a long time. Anak mo?" Sabi ko sa kanya
"Ye--"
"Honey, Jaden let's go" ⊙△⊙ Asawa niya tong hinayupak na to. Tas napatingin sya sa akin
"Oh look who's here?" Chris
"Cherry husband mo?" Tanong ko kay Cherry
"Yes, Samantha" Cherry
"Grabe Cherry ang malas mo naman. Sa kanya ka pa nakasal" sabi ko
"Babe" saway sa akin ni Jack
"Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin nakakaget over. Grabe Samantha ilang years na ang nakalipas sariwang sariwa pa rin yang galit mo sa akin. Bakit gusto mo ikaw yung pakasalan ko? At hindi nalang itong bestfriend mo? Naiingit at nagseselos ka ba na sya ang napangasawa ko at hindi ikaw?" Mayabang na sabi ni Chris
Tas biglang lumapit sa kanya si Jack.
"Hindi na tama yang sinasabi mo." Jack
"Sino ka naman? Ha? Kami lang ang nag-uusap dito wag ka ngang makisali. Isa na naman ba sya sa mga laruan mo Samantha gaya nang ginawa mo kay Jane" Chris
"Ano ba Chris wag ka ngang gumawa nang eksena dito. Let's go. Samantha nice seeing you here. Sana sa susunod na pagkikita natin wala nang ganito pang pangyayari. Hindi ka pa din nagbabago. Kahit ano pang sabihin mo pinili kong pakasalan si Chris dahil pinakita at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kaya nga nakabuo kami nang masayang pamilya. Kung kaibigan talaga kita magiging masaya ka sa amin at please lang forget about the past. Kung ano man ang nagawa sayo ni Chris dati kalimutan mo na yun. Di na tayo mga bata ngayon para maging immature sa mga bagay bagay na nangyari na. Jaden halika na" Cherry tas umalis na silang pamilya.
Naupo naman kami ni Jack. Tinitignan ko siya hindi sya nakatingin sa akin. Nararamdaman ko yung galit ni Jack kahit hindi sya nagsasalita. Alam kong nagagalit sya sa inarte ko kanina. Gosh! Ano ba ito?! Nang dahil sa mga nangyare sa nakaraan magagalit sya. Hindi ko sya masisisi dahil malamang iniisip niya yung sinabi ni Chris. Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang tumunog yung cellphone niya.
May tumawag sa kanya. Hindi naman na sya tumayo pa. Puro uh--okay--sige lang naman ang sinasabi niya. Pagkatapos ay binababa na niya ito.
"Nagugutom ka pa ba? Anong gusto mo mag oorder ako" Jack tas akmang tatayo na sya kaya naman hinawakan ko yumg braso at napatingin naman sya sa akin at binigyan nya ako 'what's-the-matter?' Look
"I'm sorry about what happened."
"Iiorder ko na yung gusto mong pagkain para makauwe na tayo kailangan na kasi ako sa office" cold na sabi niya sa akin.
"No, di naman ako nagugutom ikaw di ba nagugutom ka ipatake-out nalang natin or mag drive thru nalang tayo sa Mcdo.." Sabi ko sa kanya
"Wag na nawalan na din naman na ako nang ganang kumain. Bumalik nalang tayo sa Manila" tas nauna na syang lumabas kaya sumunod naman na ako Hayys ayoko nang ganito kami. Kanina pa ako sorry nang sorry sa kanya pero di man lang sya umiimik. Grabe daig pa niya babae kung mag inarte. Ganito ba talaga magkaroon nang boyfriend na Bakla. Haayys
Habang nasa byahe kami ay nanatiling walang kibo si Jack. Hindi man lang niya ako tinitignan. Kanina ko pa rin sya kinakausap pero nagmamatigas na hindi ako kausapun. Gosh gusto ko lang na matapos na ito. Gusto ko lang na maging okay na kami pero hindi naman sya nakikipagcooperate sa akin
"For nth time Jack Im so sorry. Please kausapin mo na ako. Bati na tayo alam kong hindi tama yung i---" nacut ako sa pagsasalita nung buksan niya yung radyo nang kotse niya at tinodo niya yung volume. Gosh ganito ba talaga itong si Jack kung magalit. Napakachildish. Its getting my nerves. Isa ka nalang Jackston sa akin. Pero kahit anong inis ko pa sa inaasal mo ngayon ayaw ko nang makipagsabayan sa galit mo dahil alam kong mas lalala lang ang sitwasyon kung gagawin ko iyon. Kaya naman napagdesisyunan ko nalang manahimik. Napapikit nalang ako at tinakpan ko yung mata ko nang isa kong braso.
Makalipas ang isang oras ay narinig kong humina na ang radyo at para bang pinatay na niya rin iyo kaya tinanggal ko naman na yung braso ko.
"Andito na tayo sa tapat nang bahay niyo. Dun ka na magpahinga sa kwarto mo. Alam kong napagod ka ngayong araw" Cold na sabi ni Jack
"Jack hindi mo ba talaga tatanggapin yung sorry ko? Aalis ka nalang ba na ganito tayo? Jack please gusto ko na kasing maayos agad yung problema natin eh" sabi ko sa kanya
"Please lang Sam wag muna ngayon. Please pabigyan mo muna ako. Di pa kasi ako okay at papahupain ko muna ito saka tayo mag-usap" Seryosong sabi ni Jack ni hindi man lang niya ako tinitignan.
"Jack kailangan pa ba nating pahabain ito" huminto muna at huminga nang malalim"Pero kung ayan talaga ang gusto mo pagbibigyan kita. Maghihintay ako" tas tinanggal ko na yung seat belt at hinalikan ko sya sa pisngi. Binuksan ko na ang pintuan
"Mag-iingat ka sa pagdadrive Once again Im so sorry. I love you Jack" papasara ko na yung pintuan nung narinig kong nag "I love you too" sya. Napangiti naman ako. Tas umalis na sya saka ko pumasok sa bahay.
-*-
A/N: sobra talaga akong ginaganahan ngayon ewan ko siguro nasambit ko na ang plot na inaasam asam ko malapit na sya mangyari. Konting tiis nalang.
Naiinspired kasi akong magsulat eh. I admit hindi ako sobrang professional sa mga ganitong activity but I do believe that everyone or anyone can be an author of their own story. Sorry kung masyadong mabagal ang flow nang story at masyado ding mabilis ang pagiging tibo at beki nang mga bida. Pasensya na po. I hope maintindihan niyo ako may purpose po kasi ako. Gusto ko ding makakuha nang mga feedbacks galing sa inyo kahit ano pa man yun. Kung kailangan nang improvement feel free to comment tatanggapin ko nang maluwag sa puso ko.Once again thank for reading my story.
$

BINABASA MO ANG
Ang Beki at Ang Tibo
Teen FictionKung anong trending ngayon. Ito ang istorya ngayon Inspire story of Marry me Beki ang ganda kasi Pero itong story ko may halong twist :)))