[39] Sleepless Night
Sam's POvNgayon makikipagkita ako sa bestfriend ni Jack na si Kevin yung guy sa ospital dati. Baka kasi alam niya kung nasaan si Jack.
"Hi Samantha kanina ka pa ba?"Kevin
"Hindi naman kakarating ko lang din"
"Ah ganun ba, ano bang gusto mo? Libre ko" Kevin nasa mcdo kasi kami. Sa lahat ba naman ng lugar dito pa eh no? Ewan ko dito kay Kevin
"Green apple float lang tas isang chicken burger at large fries. Busog pa kasi ako eh"
.
"Busog ka pa niyan ah?" Tas nag order na sya. Kupal ang potek. Kainis. Paano ba naging magbestfriend yung dalawang yun? Sabagay may kakupalan din naman si Jack paminsan minsan
After 30 minutes nakabalik na si Kevin
"Pasensya na medyo mahaba yung pila kaya natagalan" Kevin
"Okay lang" tas kumain na kami.
"Bakit mo pala ako gustong kausapin? About ba yan kay Jack?" Kevin
"Yeah, ilang linggo na kasi sya di nagpaparamdam sa akin eh after nung incident sa restaurant. Siguro nakwento na sayo ni Jack about dun. Magbestfriend kayo eh"
"Ahmm, ang huli naming pag uusap ay hmmmm kelan ba yun? Ah! Kanina bago ako pumunta dito" Kevin
Halos mabuga ko yung kinakain ko. Grabe buti pa sya kinakausap ni Jack samantalang ako yung girlfriend niya hindi man lang niya ako kinocontact.
"Nasan ba yung gagong yun? Buti ka pa kinakausap niya at kinocontact ako hindi. That's unfair. Baka bumalik na yung Jackielou sa katawan niya at naging kayo na? Inakit mo sya siguro kaya ayaw na niya na akong balikan. Bakit ayaw mong magsalita siguro totoo noh?!!"
"Hahahahahahahahahahahahahahahahaaaahahahahahahahahahahaha grabe ang dami kong tawa sayo Samantha wait lang isa pa ahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha" Kevin
"Mamatay ka sana kakatawa dyan"
"Grabe ang sama mo naman, but seriously ngayon alam ko na bakit nainlove si Jack sayo kasi sa ugaling mong yan. Ganyan yung mga tipo niyang babae. Ito kakaklaruhin ko lang ang mga bagay bagay sa mundo a! Kahit kailan hindi ko papatulan si Jack at ganun din sya sa akin. Kahit naging bading sya dati hindi niya nagawang magustuhan ako sa gwapo kong ito hindi . Di kami talo nung mokong nayun. Hindi din bumalik si Jackielou. Pumunta lang sa Palawan si Jack dahil nagkasakit si Mamita pero ngayon mabuti na yung lagay ni Mamita" Kevin
"Bakit alam mo yan? Anong nangyari kay Mamita?" Kevin
"Paano hindi ko malalaman eh ako lahat gumawa ng trabaho niya dito. Nagkasakit kasi si Mamita sa sobrang trabaho kaya ayun di kinaya ng katawan niya. Si mamita kasi ang pinakamahalaga at pinakamamahal na babae ni Jack. Walang papantay kay Mamita sa puso ni Jack. Si Mamita na kasi ang nag aruga sa kanya simula nang iwan sya ng Mommy niya at nung mamatay yung Daddy niya. Kaya nung malaman agad ni Jack na nagkasakit si Mamita ay lumipad agad si Jack papuntang Palawan. Tas nakawan pa sya nung nasa Palawan sya. Yung phone niya nawala din kaya hindi mo sya macontact" Kevin
"Bakit hindi man lang sya gumawa ng paraan para macontact tsaka ikaw bakit hindi mo man lang sinabi sa akin. Ang daya niyong dalawa eh no!"
"Ganito kasi iyon nakafocus kasi si Jack sa pag aalaga kay Mamita at sa trabaho ni Mamita sa Palawan. Madami siyang inaasikaso. Alam din naman niya na busy ka nitong mga nakaraang araw. Ako din busy din ako. Lahat tayo busy no?! Oh ito pala yung address ni Jack bago niya yang condo. Mukhang kailangan mo eh. Alam ko naman gusto mo na syang makita. Andun na sya kakauwi lang" Kevin tas inabot niya yung maliit na papel

BINABASA MO ANG
Ang Beki at Ang Tibo
Teen FictionKung anong trending ngayon. Ito ang istorya ngayon Inspire story of Marry me Beki ang ganda kasi Pero itong story ko may halong twist :)))